Aira's POV
SINIMULAN na ni Detective Lawliet ang pagtatanong sa amin
"Sino ang huling kasama ng mga biktimang nasa litratong ito?"tanong ni Detective Lawliet habang tumitingin sa amin.
Kung ako ang tatanungin, maaaring wala silang kasama.
Tinitigan ko ang lalaking nasa harapan namin, Maayos naman ang tindig niya ngunit parang may mali.
"Wala po kaming nakita."pormal na sagot ni Nicole.
"Kung ganon,May napansin ba kayong kakaiba?"muli niyang tanong.
"Maliban sa litratong iyan, wala na."sabi ni Kris.
"Sino po ba ang mga kaibigan ng biktima?" Tanong niya
Ang daming tanong na umiikot sa isip niya na para bang hindi siya mauubusan.
Agad tumayo sila Nica,Shiela,Maui,Loren,Wyne,Lyra,Joanne,Janica,Desirie,at maging Ako.
"Under investigation kayo."sabi niya in a cold tone.
Nagulat kami sa sinabi niyang iyon.
"Teka, kaibigan kami so kami ang may least chance para gawin sa kanila iyon!"may halong hinanakit na sabi ni Nica.
"Oo nga! Hindi 'to Tama."pagsang-ayon ni Shiela sa pinsan.
"Detective ka ba talaga? O Defective?"pambabara ni Maui kay Detective Lawliet.
"Alam ko kung ano ang ginagawa ko.Minsan,kung sino pa ang kaibigan mo iyon pa ang papatay sa'yo.Hindi niyo pa ba narinig ang salitang 'trayduran'?" May punto siya sa sinabi niyang iyon.Kung sino pa ang kaibigan mo,iyon pa ang papatay sa'yo dahil alam niya ang mga baho mo.Napatingin ako kay Janica.Huwag naman sana.
Nasa gitna sila ng pagdidiskusyon nang may maamoy akong malansa,Sigurado akong naamoy na nila iyon dahil na rin nakatakip ang mga kamay nila sa kanilang ilong.
"Ano ba yan, ang baho!"reklamo ni Lyra.
"Ang lansa T*ngina."pagmumura ni Paolo.
"Philip,Tingnan mo nga yung Stock Room."utos ni Kathlene.
"Oo nga,parang dun nanggagaling yung amoy eh."sabi ni Janica habang nakatakip ang panyo sa ilong.
Gaya ng sinabi ni Kathlene , Pumunta si Philip sa Stock Room na nasa gilid lamang ng aming silid.
Nang binuksan niya ang pinto,bumungad sa amin ang bahong naamoy namin kanina.
Nang pumasok kami,nakita na namin kung saan nanggaling ang masangsang na amoy.
Kinuha namin ang tatlong ziplock na may lamang PUSO.
"Maaari kayang sila Geri ang may-ari nito?" Nagtataka pa ring tanong ni Clarice
"Oo,Dahil bukod sa kanila wala namang ibang nawawala dito."sagot ni Briton sa tanong ni Clarice.
Tumingin ako sa gilid ng aking mga mata nang may nakita akong papel,Clue.
I want to go to a place where it can take you anywhere,Please take me there.
-YWN
Ngayon,nakumpirma ko na.Patay na talaga sila.
Paolo's POV
"Pare,kailan mo ba aaminin kay Lyanne na gusto mo siya?"tanong ni Khenshi.
Nabato ako,Paano nila nalaman?
"Remember nung nag-inuman tayo?"sabi ni Danzell na tila nabasa ang aking isipan.
"Ikaw ang unang nalasing,sumayaw ka kasi may dare pagkatapos mong sumayaw natumba ka."pagpapatuloy ni Philip sa kwento ni Danzell.
"Umiyak ka noon at akala namin dahil lang sa nahulog ka!"nagpipigil-tawang sabi ni Kurt.
"Yun pala,hindi ka makaamin kay Lyanne!!"sabi ni Briton at tuluyan na silang tumawa.
"Tch!! Oo na torpe na ako."pagsuko ko sa kanila,aasarin lang kasi ako ng mga yan kapag di pa ako umamin.
"So,kailan ka aamin?"pagbabalik tanong ni Khenshi
"Hindi na siguro ako makakaamin."
"Ha?!Bakit naman?"hysterical na sabi ni Danzell
"Kami na ni Maui." Yumuko ako pagkatapos kong sabihin yan.
Nagulat sila,syempre magugulat sila kasi iba ang mahal ko pero si Maui ang girlfriend ko.
"Teka,Paano naging kayo?"tanong ni Philip
"Niligawan niya ako." Ngumisi ako .
"Haha!!ang gwapo mo 'tol!"pangkakantyaw ni Briton.
"Pero,maiba ako."sabi ni Michael."Paano kung ngayon ka na mamamatay,ayaw mo bang maamin mo man lang sa kanya ang nararamdaman mo? Malay mo she feels the same."pagpapatuloy niya.
Hindi na lang ako nagsalita,nagtatalo ang puso't isipan ko.Napabuntong-hininga na lang si Michael.
"Sige Pre ,iwan ka muna namin."sabi ni Michael at umalis na kasama ang Beast Boys.
Naiwan akong tulala,pagsisisihan ko ba ito?
Nagulat ako ng may narinig akong kalampag na nagmumula sa pinto ng silid na kinaroroonan ko.
"Hi Pao-pao!"sabi niya.
"H-hi!" Nagpapawis na ako ng malamig, Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Oh?!Bakit parang natatakot ka? Ayaw mo nun may kasama ka na,not just one but Two."
Mas lalo akong natakot at Nadagdagan pa ng kaba.
"Pre." Lumabas mula sa likod niya ang taong hindi ko inaasahang gagawa nito.
"Sige maiwan ko na kayo may gagawin pa ako."sabi niya at lumabas sa pinto suot ang malawak na ngiting lagi niyang ipinapakita.
Naiwan kami ng kasama niya, at ang taong iyon ay walang iba kundi si..
BINABASA MO ANG
Enter In:Northbridge Academy
Misteri / ThrillerIsang simpleng laro na naging dahilan ng bangungot ng 9-Acacia. Are you ready to play?Are you ready to die?If you're ready,Will you... Enter in Northbridge Academy?