Aira's POV
Sino si Kim?Ang tanong na tanging nasa utak ko.
"Sa tingin niyo ba siya ang may pakana ng lahat ng ito?" Tanong sa amin ni Detective Lawliet.
"Hindi..Hindi siya ang may pakana nito." Sabi ni Nicole.
"Bakit mo nasabi iyan?Ayan na nga yung ebidensiya oh!Baka naman pinagtatakpan mo lang siya." Hindi ko napigilan ang sarili ko na masabi iyan.Napuno lang siguro ako."Bakit hindi na lang siya magpakita sa atin at bakit niya pinapatay ang mga kaklase natin?" Tumulo na ang luha dahil sa tindi ng emosyong nararamdaman ko.
Tumitig muna siya sa akin ng matagal bago sumagot.
"Palibhasa,baguhan ka pa lang.Hindi mo alam na matagal nang patay si Kim."
Katahimikan.Sa totoo lang kulang pa ang salitang iyan para idescribe ang 9-Acacia sa mga oras na ito.
"Bukas na ang simula ng bakasyon,hindi ba?"Pagbasag ni Detective Lawliet sa katahimikan."Ano kaya kung magstay kayo sa iisang lugar na magkakasama para mabantayan niyo rin ang bawat galaw ng isa't isa?" Suhestiyon niya.Hmm,Sounds convincing.
"Sige,Pero may alam ka bang lugar?"tanong ni Joanne.
"Oo,Sa Resthouse ng Lola ko sa Batangas.Dun muna kayo magstay at huwag niyong isipin ang gastusin.Ako na ang bahala."Sabi pa niya.Dun na ako nagtaka.
Bakit libre?Kung tutuusin ay wala naman siyang natatanggap sa amin.Hindi naman niya ikayayaman na tulungan kami pero ginagawa pa rin niya.In short,What's the catch?
"Bakit mo ba ginagawa ito?"tanong ko.Tumingin siya sa akin at parang nag-dadalawang isip pang sagutin ang tanong ko.May naalala tuloy ako.Sa tuwing nakikita ko siya,Meron siyang pagkakahawig kay--
"Dahil kapatid ko ang Sir Mapeyra niyo."
"At gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya kaya nagpanggap akong Detective.Gusto kong ako mismo ang makalutas 'non.Akala ko noong una,May isang tao lang na galit sa kapatid ko.Pero it turns out na may pinatay din sa mga kaklase niyo." So,Hindi siya totoong Detective? Kaya pala "Sa tingin ko ay papatayin kayong lahat and I think may koneksyon si Kim dito."
"Yung Time Capsule." Sabi ni Pia."Baka makatulong yung Time Capsule niya." Himala,Hindi yata siya naging conyo.
"Personal property 'yun.Ni hindi nga natin alam kung nasaan yun."sabi ni Kathlene.
"Duh,Use your brain nga!Do you think I will suggest it if I don't know kung where na 'yon?!" Binabawi ko na yung sinabi ko.
"So,nasaan 'yung bagay na 'yon?" Tanong ni Kris.
"Ang naaalala ko lang,We went to a place that looks like a sementeryo.I dunno where exactly it is .She's crying that time so I make sama sa kanya to make her feel better.She buried something na tinawag niya ngang Time Capsule.Sabi pa niya,that she'll open it 10 years from now.But,I don't think magagawa niya 'yon."
"Kailang kayo pumunta dun?" Tanong ni Joanne.
"I'm not sure pero March 23 or 24 ata.I'm not really sure talaga."
"Hindi ba't March 25 siya namatay?Magkasama pala kayo bago siya mamatay.Tell us the truth,Pia.May kinalaman ka ba?" Maanghang na pahayag ni Wyne.
"Truths! Knowing mo pala ang tungkol ditey.Killer ka ng dekada." Sabi ni Kent na nakapameywang pa.
"No! Hindi kaya.Yuck,Ni hindi nga ako makatouch ng blood." Depensa niya na sa tingin ko naman ay totoo.Sa arte ba naman niyang 'yan.
BINABASA MO ANG
Enter In:Northbridge Academy
Mystery / ThrillerIsang simpleng laro na naging dahilan ng bangungot ng 9-Acacia. Are you ready to play?Are you ready to die?If you're ready,Will you... Enter in Northbridge Academy?
