Aira's POV
Pagkatapos mabasa ni Nicole ang sulat,seryoso niya kaming tiningnan.
"We'll play a game." Saad niya.Seryoso ba talaga siya? Pagkatapos ng lahat ng nangyari maglalaro pa kami?
"Nicole,Nababaliw ka na ba?!"Hindi ko na napigilan at napasigaw na ako.Nalipat ang atensyon niya sa akin.
"Hindi,pero sa tingin ko malapit na akong mabaliw."sabi ni Nicole.Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Kailangan nating laruin ang Enter In." Dagdag pa niya.Wala akong ideya kung ano ang sinasabi nila.Heck, Newbie here!
"Pero bakit?"tanong ni Bryan.
"Ito ang gusto niya, pagbigyan na lang natin."
"Sinong siya?" Tanong ni Geri.
Hindi siya sinagot ni Nicole.
Naglakad kami papunta sa open field ng school. Sa pagkakaala ko ay dito kadalasang ginagawa ang mga sporting event ng school.
Nagsimulang gumuhit sila Michael at Bryan ng isang malaking cross sa loob ng isang malaking square. Magkadugsong ang bawat guhit ng cross sa loob ng square.
"Okay start na tayo....Lyanne, Maui choose your groupmates." Utos ni nicole sakanila.
Pumili na sila ng kagrupo sa team ni Lyanne andun sila Kris, Bryan, Lyra,Claire, Joel,Jhonalyn,Shiela, Michael at Janica.
Sa team naman ni Maui nandun sila Nicole,Zarry, Desirie, Pia, Clarice,Paolo,Angela, Jancy at Kent.
Hindi na ako sumali kaya kami nila Briton,Geri Mae , Wyne, Loren, Nica, Kurt, Philip, Khenshi, Aila , Kathlene , Danzell, Joanne ,Rolyn,Keziah at Joza.
"Sa mga hindi nakasali ngayon next batch na tomorrow,Same time."sabi ni Nicole.
Nagstart na yung game.
Naunang pumasok ang grupo nila Lyanne at ang mga mantataya ay ang grupo nila Maui.
" Enter papasok! " Sigaw ni Kent na liner ng grupo at saka pumasok sila Lyanne.Tuloy-tuloy ang naging laro kaya habang patagal nang patagal ay lalong lumalakas ang sigawan ng mga kaklase ko.Ang saya nilang tingnan.Parang walang nangyari kanina.
Malapit na sanang manalo sila Lyanne nang biglang...
"Bryan is out!I caught him." Sigaw ni Paolo habang tinuturo si Bryan.
" Sa damit lang kaya! Wala,Sa damit lang!" Reklamo ni Bryan.
" Kitang kita kaya,Taya ka na! Kami naman!" Sabi ni Desirie.
" Tangna naman kasi Bryan! Malapit na akong makalabas eh! " Galit na sabi ni Kris kay Bryan.
"Kami naman!" Sabi ni Janica na inip na inip na.
" 9-Acacia pumasok na kayo!" Sita ni Ma'am Natag, ang teacher namin sa Filipino.
"Ano ba yan! Ang KJ talaga ni ma'am.. Oh dating kampihan lang ha.." sambit ni Maui.Sinong mag-aakalang highschool na sila?Parang mga elementary kung maglaro e.
I don't know them because I'm a transferee.I didn't know who they are but I'm sure that Nicole has a reason kung bakit niya ito pinagawa.Maybe this is the only way to find answers.
Third Person's POV
Napangiti siya na nakita.Umaayon ang lahat sa kanyang plano.
"Kumagat talaga sila sa sinulat mo."Sambit ng kasama niya.
"Magdiwang ka na.Sa'yo ko ibibigay ang buena mano." Sambit niya sabay tingin sa binata.
Napangisi naman ang kanyang kausap."Sino ba?"
Tinuro niya ang kanilang unang biktima na walang kamuwang-muwang na ito na ang kanyang katapusan.
BINABASA MO ANG
Enter In:Northbridge Academy
Mystère / ThrillerIsang simpleng laro na naging dahilan ng bangungot ng 9-Acacia. Are you ready to play?Are you ready to die?If you're ready,Will you... Enter in Northbridge Academy?
