Nicole's POV
Pagkatapos ng insidenteng yon napagdesisyunan ng committee na pauwiin na kami.Nakakadiri.Ang brutal ng ginawa niya.Nanatili sa isip ko ang imahe ni Lollipop na wakwak ang tiyan at tinanggalan pa ito ng buntot.
May Kutob ako na hindi lang yun dugo ng aso,may halong dugo ng tao.
Pero ang tanong kanino?
*******
Danzell's POV
Lollipop...... Namatay ang Asong itinuring kong kapamilya.
Naweweirduhan na siguro kayo sa akin.
Aso bilang kapamilya?
Pero may dahilan ako,Ever since I was a kid laging pinaparamdam sa akin ni Dad na hindi niya ako anak.Akala ko ampon ako pero nalaman ko ang totoo.
-Flashback -
"Richard,pakitunguhan mo nga ng maayos 'yung bata!"
"At bakit ko naman pakikitunguhan ang bastardong iyan? "
"Manahimik ka nga! Baka marinig ka ni Danzell."
"Edi mabuti nalaman niya na mayroon siyang malanding ina."
Nakikinig lang ako habang may tumutulong luha sa mga mata ko.
Kaya pala ganon ang trato niya sa akin.
*SLAAAP*
Nagulat ako nang biglang sinampal ni Mommy si Daddy.
"Bawiin mo yung sinabi mo!"
"Totoo naman diba?!"
Hindi ko na kaya sinasaktan na niya ang nanay ko.
"Tama na! "Pagsingit ko sa usapan nila dahil hindi ko na makayanan ang mga sinasabi ni Daddy.
"Oh,ito na pala yung bastardo mong anak."
"Wag mo kong tatawaging ganyan! "
Nanlaban ako pero ang higpit ng hawak niya sa akin.
"Marunong ka nang lumaban ah! Ikukulong kita sa Cabinet."
Every time na sinusuway ko siya ikinukulong niya ako sa malaking cabinet sa bodega.Naramdaman ko na hinawakan ni Mommy yung isa kong kamay at pilit na hinila ako.Nakita iyon ni Daddy kaya itinulak niya si Mommy.Naitulak niya si Mommy sa hagdan.
"Mommy!"
Tumakbo ako papalapit kay Mommy.
"Ikaw,pinatay mo si Mommy!Ang sama mo."
Hindi ko na kaya.Biglang nandilim ang paligid ko.Nakita ko nalang na nasa sahig na si Daddy na may nakasaksak na kutsilyo sa dibdib niya.
Yung Tita ko ang nag-ayos sa kasong yon at sinabing nilooban ang bahay namin.That my dad is just protecting us kaya siya nasaksak.
Siya na rin ang tumayong magulang ko-- sila ng asawa niya.
At the age of 13,I've killed someone.
-End of Flasback-
Si Lollipop....regalo siya ni Mommy sakin nung 10 years old ako kaya napamahal na siya sakin. He's the only remembrance of my beloved mother.Kaya nung nakita ko siyang patay parang naglaho na rin nang tuluyan ang alaala ni Mommy
Napatingin ako sa pinto nang may nakita akong anino.Isinantabi ko iyon wala namang tao dito maliban sa akin.Sila Tita kasi nasa Palawan, business trip.Baka naparanoid lang ako.
Kinabahan ako nang may makitang note sa may refrigerator.
'Do you like my surprise? '
Hindi lang basta ballpen ang ginamit na panulat kundi dugo.
"Gusto ko sanang unahin ka kaso sabi nga nila Save the Best for the last." Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"Ikaw ba ang pumatay kay Lollipop?" Tanong ko.
"Well, obviously." Sabi niya.Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakahood siya.Kumukulo na rin ang dugo ko sa kanya at ano mang oras ay masusuntok ko na siya.Pinipigilan ko lang.
"You fvcker!Why would you do that?" Sigaw ko sa kanya.He just shrugged his shoulders and gave me a piece of paper.
"Take this as my gift,A warning.Pambawi na rin."
Hindi ko alam kung kaninong boses yun at halatang binago niya ang boses niya.Binasa ko yung letter at nagulat sa nabasa.
*****
Nicole's POV
Papasok na ako ngayon sa school Nang salubungin ako ni Danzell.
"Nicole,you've got to see this. "
Nagulat ako sino naman kaya matinong tao na magpapadala nito?
Binilisan namin ni Danzell ang paglalakad hanggang makarating ng classroom.
Pinakita namin 'yung note.
'9-Acacia is falling down falling down falling down
9 -Acacia is falling down.. Mamamatay kayo'"Guys there's something and it's very mabaho. " sabi ni Pia...Psh pabebe
Pumunta kami sa Janitor's Room dahil doon nanggagaling ang masangsang na amoy.Pinagsisihan ko na pumunta pa ako dun.
"S-sir... "
Pinatay si Sir.. ang paborito kong teacher
Nang ireport namin iyon sa office, Nagpatawag na ng mga pulis.
"I-aautopsy na po namin yung bangkay, Hintayin nyo na lang po yung result."Umalis na sila matapos sabihin iyon.
"Buti nga kay Sir Mapeyra!"
"Yung mukhang perang yun!Buti namatay na."
"Balita ko.Manyak din daw yan!"
Ganyan ba sila kasama? Kamamatay lang ng tao ganyan agad sasabihin nila.
Susugudin ko na sana yung mga tsismosang bungangera nang may humawak sakin."Nicole..huwag mo nang patulan.Hindi naman 'yan makakatulong sa atin." Pag-awat ni Michael sa akin.
"Guys,may Card."sabi ni Loren.May part ng utak ko na gustong buksan yun at may part na ayoko.Natatakot ako sa kung anuman ang nakasulat.
'Enter In'
Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.
"May isa pa!" Sabi ni Kent at iniabot iyon sa akin.
'Laro tayo'
BINABASA MO ANG
Enter In:Northbridge Academy
Mistério / SuspenseIsang simpleng laro na naging dahilan ng bangungot ng 9-Acacia. Are you ready to play?Are you ready to die?If you're ready,Will you... Enter in Northbridge Academy?