EI:Unfolded

52 4 0
                                    

Ang timeline nito ay pareho sa previous chapter.Umaga 'yung Christmas party so hapon ito naganap.I hate this chapter so much,Waaahhh.Sorry,Nicoleeeee!

Ahihihihi.Nagpapansin lang ako.K.dot

~MCB♥

********

Nicole's POV

I'm packing my things when someone knocked on my door.Sana hindi siya ang kumakatok.

"Nicole.."

Tsk.Andyan na ang demonyo.Inignora ko na lang ang kanyang pagkatok at tinuloy ang pag-impake ng damit ko para sa pagpunta namin sa Batangas.

"Nicole,Buksan mo ang pinto." Sabi niya na hindi ko pa rin pinansin.Nanginginig na ang kamay ko habang inilalagay ang huling damit sa bag ko.May narinig akong ingay na nagmula sa pagbungguan ng bakal—Susi.

Tumulo na ang luha ko.Not again,Please? Narinig ko ang pagbukas ng pinto.Hindi ako makagalaw.Narinig ko ang bawat paghakbang niya papalapit sa akin.Napapiksi ako nang hawakan niya ang magkabilang braso ko mula sa likod.

"Saan ka pupunta?" Bulong niya sa tenga ko.Pakshet!

Lumunok muna ako bago sumagot para hindi niya mahalata ang paghikbi ko. "Sa Batangas po,Pa."

Tumango-tango siya bago lumayo.Nakahinga ako ng maluwag.Lumapit siya sa pinto.Akala ko aalis na siya,Nagkamali ako.Lumapit siya sa pinto para i-lock ito.Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa nang may halong pagnanasa.Hinanda ko ang sarili ko para tumakbo.Tatakbo na sana ako papuntang banyo nang hilahin niya ang buhok ko.Sobrang higpit ng pagkakahawak niya na parang mapipigtas na ang buhok ko mula sa anit ko.Hinagis niya ako sa kama,sobrang lakas ng impact kaya medyo nahilo ako.Muli na namang tumulo ang luha ko.

"Papa,Maawa ka.Huwag mong gagawin 'to." Pagmamakaawa ko pero hindi niya pinakinggan.Sinuntok niya ako sa tiyan kaya lalo akong nanghina.Naramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko at ang mahigpit na paghawak niya sa kamay ko.Nakakadiri.Nakakadiri ako.

"Buti wala ang Mama mo.Hahaha.Akin ka lang,Nicole." Sabi niya at tumawa pa na parang hayok na hayok.

Nasa Cebu si Mama,Tatlong araw siya doon at kaaalis lang niya kahapon.Nagkaproblema kasi ang isang branch ng business namin dun.Siya na kasi ang namamahala doon mula nang mamatay si Tatay.Oo,Tatay ko.Ang TOTOO kong ama.Kaya itong hinayupak na nambababoy sa akin ay step dad ko lang.

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko para halikan ako pero agad ko itong iniwas.Ayoko.Nang dahil dun ay hinawakan niya ang panga ko.Nagpumiglas pa rin ako.Siguradong mag-iiwan ng marka ang paghawak niyang iyon.Binitawan niya ang panga ko nang pabalya.Hindi na niya pinilit pang halikan ako subalit dumako sa iba't-ibang parte ng katawan ko ang kamay niya.

"Bitiwan mo akong hayop ka!" Buong lakas kong sigaw.Pero gaya ng una,hindi niya pa rin pinakinggan.

Natigil lang ang pangbababoy niya sa akin nang may nag-doorbell.Nakita ko ang pagkainis sa kanyang mukha.

"Shit!" Mahinang pagmura niya.

"Hon? Nicole?" Pagtawag ng bagong dating mula sa baba,Si Mama pala.Buti na lang dumating agad siya.

"Ayusin mo ang sarili mo bago ka bumaba at huwag na huwag mong sasabihin sa iba ang nangyari.Alam mo na ang kahihinatnan niyong mag-ina." Banta ng gago bago siya bumaba.Matagal na 'tong nangyayari.Paulit-ulit.

Pumunta ako ng banyo at tumapat sa shower.Kahit na ang lamig ng tubig ay hindi ko iyon pinansin.Kinuskos ko nang maigi ang leeg ko.Ganun din ang ginawa ko sa bawat parte ng katawan kong hinawakan niya.Ramdam ko pa din ang paghawak niya.Nandidiri ako sa sarili ko.Nakakaawa na ako at ayokong nararamdaman iyon.Pakiramdam ko ang dumi ko at ang baba na ng tingin ko sa sarili ko.

Enter In:Northbridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon