Janelle's POV**
Gusto ko ng makaalis dito sa isla..akala ko ito na ang magiging magandang reunion namin...inaasahan ko na ito na ang panahon upang magkabati bati kaming magkakaibigan pero hindi....
Mas lalo pang nagaway..si arlyn wala na..kaming lima na lang ang natirira sa aming magkakaibigan..."Ang lalim ah!"
"Ui ikaw pala Gia..."
"May problema ba Janelle??Tungkol ba ito sa atin??"tumingin ako kay Gia at tama sya...
"Oo..alam mo Gia umaasa parin ako na kahit tau ay magkasundo sundo...pagkaalis natin dito"emosyonal kong nasambit kay Gia
"Sana na makaalis tau..kung hindi man sana nga magkaayos tayo kahit bago pa tau mamamatay"
Nagulat ako sa sinabi ni Gia.."NAG-IISIP KA BA GIA??"Anong sinasabi mong bago tau mamatay..mabubuhay tau"
Ani ko"Hindi naman sa sinasabi kong hindi tau makakaligtas pero...a-ako..na ang su-su-sunod.."hindi ko mafind out kung anong sinsabi niya ngayon dahil tumingin sya sa akin at lumuha...
"Gia ano bang nangyayari sau??"iniharap ko sya sa akin at niyakap...
"Mamamatay---na...--ako"sabay iyak niya ng sobra...bigla kong naalala si ailla 18 si gia....19...
"Shhh..tahan na..hindi kami papayag ..tandaan mo mabubuhay ka di ka mamamatay.."pinakalma ko na siya...at okay naman..
Kumakain na kami ngayon..pero wlang ganang kumain ang iba ng gabihan...kaya't nagpunta n kami sa kanya kanya naming kwarto...para magpahinga na at kalimutan ang nangyari ngayon..si Jamaica ay hindi pa namin nakakausap ayaw naming madaliin ngayong hindi na sya makapagsalita....
Kung pwede lang sanang pagkagising ko bukas ang lahat lahat at ay panaginip lang pero hindi....sa tuwing gumigising kami may takot na nararamdaman na hindi namin kayang pigilan...
Sana matapos na ang lahat ng ito...
"Janelle??gising ka pa??"
"Ah..Akala ko tulog ka na Gia.."katabi ko sya ngayon..dahil natatakot ako na baka mawala na lang sya bigla at pinatay na pala...
"Hindi kasi ako makatulog"sagot niya sa akin...
"Ako nga din..pero kung hindi ka makatulog dahil sa ikaw na ang sunod na papatayin ng killer...wag kang mag-alala nandito naman ako.."ani ko
"Salamat Jeng!!"sabay yakap niya sa akin...
"Tara na nga... Matulog na tayo"ani ko..
"Mabuti pa"sabay ngiti ko sa kanya...
Gia's POV***
Yawn!!!!napaaga yata ang gising ko ngayon ah...medyo inaantok pa ako...kagabi kasi di pa rin ako makatulog....
Haaayy...Katabi ko ngayon si Janelle..mabuti pa sya may care sa akin..hindi naman sa walang care ang iba..si ate Giselle may care din sya sa akin...
Bumangon na ako at nagtungo sa kusina..nagugutom kasi ako..Ang aga pa nga 3:00 palang..ano bayan...
Nagulat ako dahil bukas ang ilaw sa kusina ang natatandaan ko ay pinatay nila yun kagabi...
Pinuntahan ko na lang.."*** anong ginagawa mo dito??"ani ko kay ***
"May tatapusin kasi ako ngayon..kailan kong matapos yun ng maaga"sagot niya sa akin..pero nakatalikod sya sa akin..
Parang kung anong ginagawa niya..."Ang aga naman..di ba pwedeng bukas yun??at ani yun??"ani ko...
"Malalaman mo din yun"sagot niya sakin..ang weird talaga nito...
BINABASA MO ANG
The Reunion:Death Trip to Hell[COMPLETED√]
Mystery / ThrillerA graduation..... A celebration..... A trip.....,............ A reunion........... What if ang reunion na inaasahan ng lahat na magiging masaya... Ay daan para sa malagim na pangyayari..at ang wawakas sa buhay ng bawat isa....May kasalanan man o wal...