Chapter 53: Ball #21.(I feel the LOve)

11 1 0
                                    

Audel's POV***
Yung nangyari kagabi di ko alam kung bakit ko yun sinabi pero ayos nadin iyon kasi alam kong malulungkot lalo si Joanne kung di ko yun gagawin..ayaw ko ng makasakit pa ng ibang tao..okay lang na masaktan ako kakayanin kong tiisin..

"Nandyan na naman tayo Bro"

"Ano na naman yun Aldwin?"buti pa sya may minamahal na at magkasama silang dalawa..ako ang layo ko sa minamahal ko...

"Ano bang iniisip mo?Si J---...hhmmmpp"

"Pwede..ba..itikom mo yang bibig mo??"

Tinabunan ko agad ang bibig niya kasi ayaw kong malaman ng iba na iba ang taong gusto matapos mawala ang taong mahal ko..

"Oo na..Alam mo pinapahirapan mo ang sarili mo"sambit niya

"Ayos lang kahit ako ang mahirapan.."sagot ko naman kay Aldwin sya na lang ang barkada ko dito si Jonas Erick naman si Aldwin lang ang close...

"Tsk..sigurado ka bang ikaw lang ang mahihirapan at masasaktan??"

nagulat ako sa tanong niya..ako nga lang ba ang masasaktan sa ginawa ko???

"Oo ako lang..Tama na nga tong usapan na ito.."ani ko..

"Bro kaibigan ni Jeka si Joanne di ko kukunsintihin ang ginawa mo"

Nagulat ako sa sinabi ni Aldwin...

"Anong gagawin mo Aldwin??"

"Audel di lang ikaw ang mahihirapan kundi pati si Joanne sasaktan mo lang sya."

"Hindi naman niya malalaman..at ginawa ko un para di na sya masaktan"ani ko

"Akala mo ba maitatago mo ang totoo na hindi mo talaga mahal si Joanne dahil ang talagang mahal mo ay si JAMILLA!!"

Hinawakan ko sya sa kuwelyo at akma kong susuntukin..pero..

"Sige tuloy mo..Audel..Ayoko lang na may masaktan pa dahil nagawa ko na yan ayokong gayahin mo ang ginawa ko !"
medyo natauhan ako sa sinabi niya ayoko lang namang masaktan si Joanne...

"Pero di niya malalaman yun"Hawak ko parin sya sa kuwelyo niya ng biglang...

"Na-nalaman k-ko n-na!!"sabay patak ng luha ng babaeng nasa harapan ko ngayon...

"J-joanne..."
Hinabol ko sya at hininawakan ko sya sa braso..pagharap niya sakin...

"*PAK*Ku-kulang pa yan..sa la-lahat *sobs*lahat ng ginawa *sobs* mo sa akin"

Nakita nilang lahat ang nangyari..tumakbo palabas si Joanne..di ko na sya napigilan ngayon ko lang narealize na nasaktan ko sya ng sobra..di ko mapigilan ang mga luhang umaagos sa mga mata ko ngayon..

may biglang humawak sa balikat ko..

"Bro..Sorry!!"

Di ko napigilan ang emosyon ko kaya't nasuntok ko si Aldwin..

"*PAK*Kasalan mo ito.."hinawakan ko ulit sya sa kuwelyo..

"Audel!!!"Dali daling nagbabaan sila...

"BAKIT??SINABI KO LANG ANG TOTOO..NA SI JAMILLA ANG GUSTO MO HINDI SI JOANNE .."

Nakita kong tulala si Jamilla ngayon..wala akong intensyon na saktan sila...binitawan ko na rin si Aldwin at ako naman hindi makatingin kay Jamila ng diretso...Lumabas na lang ako para hanapin si Joanne...

The Reunion:Death Trip to Hell[COMPLETED√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon