39.Hindi ganoon kabilis ang pagpadyak ni Vina kaya hindi ako nakakaramdam ng takot. Mas nais ko pa sanang mas mabilis pa dito ngunit hindi ko na ito sinabi. Dinaanan muli namin ang plaza ngunit ngayon ay mas marami na ang tao dahil mag gagabi na. Nang sumapit na kami boardwalk ng dalampasigan ay mas bumagal si Vina.
"Dito ka na lang, Ella. Andoon na sila sa baba." aayusin pa kasi niya ang pagkadena ng kanyang bisikleta.
Hindi naman ako turista dito kaya alam ko ang mga daanan. Bumaba ako sa hagdan patungong dalampasigan at nakita ko agad ang bon fire malapit sa batuhan ng dagat. Mabini din ang hangin ngayon.
"Ella!!" tawag nila sa akin.
Kumakaway at tumatalon pa sina Abby at Rose nang makita ako. Sila na yata ang pinakaexcited na mga tao na nakita ko dahil lang sa presensya ko. Mabilis kong tinakbo ang distansya mula sa kanila.
"Oh my god! Ikaw na ba iyan, Carmela Gail?!" bungad ni Abby at inalog alog pa ako.
"Ang ganda ganda mo talaga!" si Rose ang nagsalita.
"Ano ba kayo? Ako pa din ito no!" ngayon ko lang din napansin ang picnic cloth na nakalatag sa buhanginan at may basket pang puno ng pagkain at inumin.
"E kasi naman ang tagal mong hindi nagparamdam matapos mamatay ni Sir Francis." may himig ng pagtatampo itong si Rose.
"Huy, Val. Magsalita ka naman diyan!" untag ni Abby sa lalaking katabi na kanina pang walang imik. "Diba ikaw pa nga ang pinakaexcited diyan dahil nandito na ulit si Ella!"
Siniko agad ito ng katabi. "Hi, Ella. Welcome home."
Yeah. Welcome home. This was my home after my father died. And I feel like it's still my home.
Tumikhim langang kararating na si Vina dahil sa biglaang katahimikan na bumalot sa amin.
"Ang namiss ko talaga kay Ella ay ang boses niya. Kantahan mo naman kami ulit oh? Please?" nagpacute pa si Vina sa harapan ko. "Natatandaan ko pa dati na kapag break ay iyan lang ang ginagawa natin, ang magkantahan. Nakakamiss din yon ah! Lalo na at walang marunong kumanta sa amin maliban lang sayo, Ella."
Muling bumuhos sa akin ang alaalang iyon. Kung alam lang nila... Nakayanan ko ng kumanta sa harap ng madaming tao. At sa harap pa ng forever ko na si Gian. Naks!
"Tamang tama! May dalang gitara si Val. Parang pinaghandaan niya talaga ito. Right, Val?" nilingon ni Abby si Val na kasalukuyang umiinom ng beer in can.
"Uh.. Kung gusto lang naman ni Ella. Huwag natin siya masyadong pilitin." sagot niya.
"Just like the old time." dugtong pa ni Vina.
"Just like the old time." para akong timang na inulit lang ang sinabi niya. Masarap pala pakinggan sa tenga ang mga salitang ito.
Parang malaki na talaga ang pinagbago ng lahat, sa pisikal man o pananaw ng tao pero isang bagay lang ang hindi magbabago 'yon ang nabuong pagkakaibigan at mga magagandang memories na naiwan ko dito.
I dont know you,
But I want you
All the more for that
Word fall through me
And always fool me
And I can't reactAnd games that never amount
To more that they're meant
Will play themselves outMinulat ko ang mga mata ko. Nakita ko na nakapikit din sina Abby at Rose. Nags-sway pa sila kasabay ng melody ng kanta. Si Vina naman ay panay ang pagvivideo sa amin. Napangiti ako. Gusto ko iyong ganitong pakiramdam. Magaan lang at parang walang problema.
BINABASA MO ANG
That Kind Of Lovestory
General FictionAlmost all of us are hoping for that 'great' kind of lovestory. There's your knight in shining armor, and then there's you just waiting to be saved. Ngunit hindi ganito ang naging plot ng buhay ni Carmela. Naipakasal agad siya sa murang edad... But...