27.
“Oh Ella, hija you’re just in time. Come in.” bumeso sa akin si mama Jean.
“Ma, si Gian po? Nandito na po siya?” tanong ko nang makapasok sa loob ng bahay.
Naging at home na din ako dito kahit papaano dahil dati ay malimit akong iniimbitahan dito ni mama Jean dahil wala daw siyang makausap. At dahil isa akong madaldal na nilalang, ako ang mas gusto niya makasama kesa kay Gian. Wahahaha!
“You two are so cute! Miss him already?” komento niya.
Ha.Ha.Ha. Iyon lang ang itinawa ko.
“Nasa kwarto siya. Can you please call him, Ella? Dinner’s ready.”
Umakyat na ako sa second floor ng bahay at binaybay ang bawat kwarto na madaanan ko. Sa ilang beses na pagpunta ko dito sa bahay, actually ito ang unang pagkakataon na makaakyat ako dito sa taas simula noong maikasal kami ni Gian dahil wala namang rason para umakyat. Diba? At sa dami din ng pinto dito ay hindi ko alam kung nasaan ang kwarto ng halimaw.
“Gian..” nagbabakasakali na marinig niya ako mula sa loob ng mga kwarto dito.
“Ay kalapati!” napahawak ako sa aking dibdib nang sumulpot ang ulo ni Gian sa isang pinto.
Basa pa ang kanyang buhok at topless na naman ang lolo niyo. Katatapos lang yata mag shower.
Dapat sanay na akong makita siyang ganyan dahil halos buong umaga ko siyang pinagpapantasyahan habang tinuturuan niya ako sa basic swimming. Pero hindi pa din pala. Nag init ang mukha ko at agad dumapo ang mga mata ko sa living abs niya.
Oh no...
“What?”
“Huh?” kanina pa pala ako nakatunganga sa katawan niya. Ay grabe! Nakakahiya!
“Get in. Magbibihis muna ako.” masungit niyang wika.
Kanina lang ang sweet niya tapos ngayon bumabalik na naman ang kasungitan niyang taglay. Anlakas talaga ng topak ng isang to! Ugh!
Mabilis naman akong kinabahan. Tama ba to? Papasok ako sa dating kwarto ni Gian sa unang pagkakataon. Napaka unethical naman sa isang babae. Pero... Kasal na naman kami kaya pwede na! Aarte pa ba? Hihihi.
Isang california king size bed ang maayos na nakapuwesto sa kanang dulo ng kwarto. Kulay puti ang buong walls dito at nagkaroon lang ng contrast dahil sa kulay itim na ceiling. Ganito din ang ayos ng kwarto niya sa bahay namin pero mas malaki dito kumpara doon. Nakakaagaw atensyon naman ang malaking abstract painting na nakasabit sa taas ng headboard ng kanyang kama.
Lumapit ako sa estante na pinaglalagyan ng mga mini toy cars. Hindi ko alam na mahilig pala siya dito dahil medyo may karamihan at iba’t ibang klase ang mga ito. Hindi pa din pala maaalis kay Gian ang pagiging young at heart nito na ang buong akala ko lang ay puro libro lang ang kilala.
Nakatawag sa pansin ko ay ang maliit na picture frame sa pinakadulong taas ng cabinet. Never ko pa ito nakita kaya kinuha ko iyon.
Napasinghap ako ng makita ito. It’s our first picture together.
Kuha ito noong secret wedding namin sa isang maliit na probinsiya. Sa sobrang liblib hindi ko na nga din maalala ang pangalan. Simpleng white dress at nakaflower crown lang ako dito at batang bata pa kung tutuusin. Nakasuot naman ng black tux si Gian na kahit bata pa din siya tingnan dito sa litrato ay talaga namang hindi maitatago na nangingibabaw ang gwapo niyang mukha at mahahalata mo na kabilang siya sa mga nakakaangat sa lipunan.
BINABASA MO ANG
That Kind Of Lovestory
General FictionAlmost all of us are hoping for that 'great' kind of lovestory. There's your knight in shining armor, and then there's you just waiting to be saved. Ngunit hindi ganito ang naging plot ng buhay ni Carmela. Naipakasal agad siya sa murang edad... But...