Chapter 14

123 2 0
                                    

14.

Pareho na kami ngayon na nakaupo sa buhanginan. At ang saya... wala siyang nakuhang alimango (sarcastic )! Hahaha. At napagod na siguro at umupo na lang sa tabi ko.

Kanina pa sumikat ang araw. Ang ganda talaga ng nakikita ko ngayon. Puting buhangin ang tanaw ko kahit san man ako lumingon. Pareho lang kami nakatingin sa dagat. Too bad kasi hindi lang talaga ako marunong lumangoy kaya hindi ko siya naenjoy ng tuluyan. Tahimik itong umaalon  at tanging ingay lang nito ang naririnig ko. Pero may isa pang nag-iingay dito. At ito ang puso kong kanina pa tumatambol. Stupid heart! Hindi marunong ng ‘queit please’.

Naaaninag ko na nasisikatan na ng araw ang mukha niya because of the mixture of his sweat and sea water. Too high to reach.. yet too dangerous if I fall. Sobrang nagugustuhan ko na din ang munti niyang nunal sa lower lip. Ayee!

Napakagandang nilalang ang katabi ko ngayon pero may takot pa din ako na sa kabila ng maganda niyang mukha ay ang halimaw na nakatago sa loob nito. Pero bakit parang unti-unti ko na din natatanggap ang halimaw na ito?

God! Ella, you’re complicating everything.

“Can’t get enough of my looks?” agad siyang lumingon sa akin. Ang nakatagong ngisi ay muli kong nasilayan.

Bigla akong napatikom ng bibig. Jusko naman nakanganga na naman akong tinititigan siya. Pumula ang mukha ko.

“Ang kapal.” bulong ko.

“What did you just say?” hinuhuli niya ang tingin kong nakaiwas sa kanya.

“Wala! Si Brianna. Baka hinahanap ka na nun.” bigla na lang pumasok sa isip ko ang itsura nilang dalawa at sweet na sweet sa bawat isa. Lalo na ang parteng nagsusubuan sila ng pagkain na animoy bagong kasal. Pwe!

Ano na lang kaya gagawin ni Brianna kapag nalaman niyang nandito kami sa isang tagong underdevelop na resort? Na kami lang ni Gian ang magkasama.

“You always mention her name. Hindi kami, okay? So don’t be jealous.” Walang pagaalinlangan ng banggitin niya ang salitang 'jealous'. Pagkatapos noon ay lumandas sa mukha niya ang sarkastikong ngisi.

Ganun ba ako kaobvious!? Hindi naman ah! And in the first place I'm not jealous, I just want them to be discreet kapag nasa public place. Masyado kasi silang PDA. Yun lang!

“Hindi ako nagseselos no! Yabang talaga!”

So hindi pala sila nung hitad na iyon? May parang isang halaman na umusbong sa puso ko. At parang gusto ko itong alagaan sa abot ng aking makakaya.

“Baka kaya naman kanina ka pa nagyayaya bumalik ay dahil may isang taong naghihintay sa'yo doon?” matalas ang tingin ang binigay niya sa akin. Ano 'to interrogation?

“Sino naman?” pero alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Sa iisang tao lang naman siya ganyan kung makapagreact at 'yon ay dahil kay Kai.

Oo nga pala. Nagtapat si Kai sa akin  at halos makalimutan ko na dahil sa mga pangyayari kahapon pa. Wala pa akong naisasagot sa tanong niya. Pero kelangan ko ba talaga iyon bigyan ng sagot? Unang una, hindi ko naman alam kung totoo ba ang mga sinabi ni Kai. Sabihin ko kaya kay Gian?

No way.

“Thank you nga pala Gian dahil sa pag-save mo sa akin kahapon doon sa lalaking lasing.” Nakalimutan ko na din ang magpasalamat sa ginawa niya. Nilaro ko ang mga buhangin sa mga paa ko. Masyado akong nalilito sa nararamdaman ko.

“No need. Kahit naman sino gagawin iyon kapag nakita ka sa ganoong situation.”

Oo nga naman. Edi okay! Ako na naman ang nagassume that he really cared for me. E ano ung mga sinabi niyang ‘unang una pa lang akin na siya.? Okay. Wag ng pahabain pa dahil tama siya, sa kanya na ako simula ng ipakasal kami noon. Walang ibang kahulugan iyon. I'm just like an investment, just like the Villaruz' other properties. End of story.

That Kind Of LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon