Chapter 2

160 1 0
                                    

2.

Buong maghapon na hindi lumalabas ng kwarto si Gian. Nu naman kaya problema nun? Anong gusto niya? Forever mamahinga?? Sus!

Nakaalis na din pala si mama kagabi at doon na ulit tumuloy sa bahay namin sa Orville. At ngayon sobrang napapanis na talaga ang laway ko dahil wala na talaga ako makausap. Miski nga langaw pinapatos ko na e para lang hindi masayang ang production ng saliva ko.

Bwiset kasi itong si Gian, ayaw pang lumabas ng kwarto! Kulang pa ba 'yong pahinga niya pamula kahapon?! Naiintindihan ko na baka napagod siya sa ilang oras na byahe sa eroplano pero hindi ba siya mababaldado kung hindi man lang siya lalabas miski kahit sa salas lang?

Nagluto ako ng mushroom soup. Char! Joke lang. Binili ko lang 'to sa fast food. Care ko naman magluto. Si Gian lang kasi ang nagluluto sa aming dalawa. In short, hindi ako marunong magluto.

Tok. Tok. Tok.

Nakailang beses na akong tawag sa kanya pero wala pa ding sumasagot. Mapapaos ata ang beautiful voice ko gawa lang niya. Kinuha ko na ang duplicate key ng kwarto ni Gian. Syempre hindi alam ng lalaking 'yon na nagpaduplicate ako ng susi niya. Makakalimutin kasi 'yon e. Iba na ang ready.

“Gian? Yuhoooo?” ang dilim naman. Baka hindi niya alam na uso na ngayon ang ilaw. Asan ba yung switch?

“WHAT ARE YOU DOING HERE?!” mala kulog ang pagsigaw niya.

“Ay butiking malnourished!” aba at parang multong sumulpot itong..... gorgeous body????

Muntikan ko pang matapon ang soup na dala.

Nanlaki ang chinita kong mata. Korek korekok! Palakpakan! Ang lolo niyo kagagaling lang sa banyo at bagong ligo. Ayeeeeee.... this is it Ella!

Anu ba yan? Erase. Erase.

“I said, what’re you doing here?!” medyo galit ang lolo niyo.

Nagkanda buhul-buhol ang mga rason ko kung bakit ko pinasok ang kwarto niya. Dahil siguro sa pagsigaw niya? O mas dahil sa bumalandrang perpektong katawan na pagmamay-ari niya!

Err. Excuse me, ako lang naman ang asawa mo no kung hindi mo naalala. Kung makapagtanong kasi kala mo nanakawan ko siya. Sa muling pagbangon ng aking ulirat ay nakita ko na siya na may dalang t-shirt at kasalukuyang isinusuot iyon.

“A ano kase.. may dala akong soup. Yung favorite mo. Kanina ka pa kasi hindi bumababa kaya naisip ko baka nagugut--“ bwiset kasi at nakahain yang abs niya kaya nauutal ako.

"Just leave it there. Then you can go.” irap pa niya. Hinila niya ang swivel chair at hinarap na ang computer. Hindi na siya muling sumulyap sa akin.

Aba teka hindi man lang ako pinatapos magsalita. Walang modo! Hindi naman siya ganito kalala dati ah! Siya na nga 'tong inaalala siya pa 'tong parang galit! Grrr...

Ella breathe.. remember what you promised to mama Jean? Pakihabaan pa ang nguso este pasensya mo. Yun na lang isipin mo para hindi ka mahighblood ng bonggang bongga diyan. Tsaka isipin mo na lang yang gorgeous abs niya na parang may sariling buhay. Ganda ng view e!

“Okay. Sige. Basta kaiinin mo yan bago lumamig. Nasa baba lang ako kung may kelangan ka.” ibinaba ko ang tray sa coffee table sa gilid ng pinto.

Tapos nag exit na ako. Hindi man lang nag thank you. Urgghh! Nabanas ako bigla sa ugaling pinapakita niya. Ni hindi ko maalala na magkaaway kami bago sila tumulak sa amerika. Kaya bakit ganon na lang niya ako pakitunguan?

Hay!Masisira ata ngayon ang beauty ko. Pero sayang 'yong abs ha, wala pa namang ulam. Hihi!

Habang pababa sa may kusina ay napaisip ako. Parang lalo ata gumanda katawan niya ngayon. Hindi sa binobosohan ko siya pero alam ko malaki talaga ang pinagbago ng pangangatawan ni Gian. Siguro gawa na din ng therapy sa States. Ganon ba talaga iyon? Makapagpatherapy na nga din baka magka abs din ako. Hehe. ^.^v

That Kind Of LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon