7.
Andito ako ngayon nakaupo sa isang ,maliit na bench sa may school ground. Kelangan ko muna lubayan si Andy at may recitation kami mamaya sa World history. Hindi kasi ako tinitigilan sa pagpapakwento kahit nakwento ko na naman lahat. Pati nga yung nangyari samin ni Kai nung gabi e naibroadcast ko na din sa kanya dahil ayaw talaga akong tantanan.
Kung ayaw niyang magaral pwes ako gusto ko naman kahit tumaas lang ng bahagya ang grades ko!
Ang mahal mahal ng ibinibayad namin sa tuition tapos magbubulakbol lang ako? Pero dati talaga suwail akong estudyante pero nung nagkaasawa na ako, itinigil ko yun. Ayoko din naman kasi mapahiya sa mga magulang ni Gian na talaga namang karesperespetado. You know, I’m a changed woman na. Haha!
“Boo!”
“Ay kalabaw na tumalon!” bwiset! Sino naman tong naninira ng peace time ko dito?! “Pucha ha!”
“Whoah! Sorry about that.” Ngumiti na naman ito na rainbow ang mata. Labas pa ang dimples. "I miss that mouth."
Di ko na pinansin ang huling komento ni Kai.
“O ikaw pala Kai.” nilipat ko ang pages ng libro para kunwari busy ako.
“Nu ba yan? Parang hindi mo naman ako namiss?”
“Ha? A—E—ano nga pala ginagawa mo dito?” bakit ba kasi siya pasulpot sulpot?
“Mukhang hindi mo talaga ako namiss. Well, namiss lang naman kita.” Ngumiti pa ito ng sobrang smile. Jusko! Mukha siyang candy sa sobrang tamis, gusto ko na siyang kainin! Haha!
“A-ano? Wag ka nga magjoke.”
“Bakit ba lage mong iniisip na nagjojoke ako?” aba at nagpout pa. Grabe! Iuuwi na nga kita sa sobra mong cute!
Naglahad ito ng kamay at mukhang may hinihinge. Teka, may utang ba ako? Wala akong pera!
“Yung jacket ko?” ngumiti ulit. Kelan niya ba titigilan yang ngiting yan?
“Ay oo. Sorry hindi ko nadala. Next time ibibigay ko na lang sayo. At salamat nga pala ulit dun.”
“Yes! May next time pa! Okay ka na ba?” agad niyang nailagay ang palad niya sa noo ko na agad ko namang iniwasan. Kung makalapit naman to sa akin akala mo matagal na kaming magkakilala. Naalala ko lang tuloy yung ginawang ganun ni Gian. Si Gian nga years ang nagdaan bago nagawa sa akin iyong ganon?
Pero bakit mas masarap pa din yung pakiramdam na si Gian ang humipo ng noo ko?
“Teka paano mo nalaman?” nanlaki mata ko. Iyong totoo? Stalker ko na ba siya? Feeling maganda lang.
“Yup. Dumaan ako sa classroom niyo kahapon e hindi ka daw pumasok kaya pumunta na ako mismo sa bahay mo. I was just outside your house the whole time. Hindi mo ba naririnig yung tawag ko sa phone mo?”
Ah oo. Andami niya nga palang missed calls kahapon. Pero hindi man lang ako nagtext kung bakit siya tumatawag kahapon. Nakalimutan ko e.
E teka? Sa labas ng bahay namin?!!!!!!!!!!!! Alam niya ang bahay namin!!!!!!!!!!!!!
"Paanong—?"
“Remember I saw your id, right? Kaya I easily found out your REAL home address.”
Akala ko ba sabi niya wala na siyang maalala? LIAR!
“Pinuntahan na kita, nag-alala kasi ako na baka nagkasakit ka dahil nabasa ka ng ulan and----“
“And what??”
“I called your husband.” Ngiti ulit.
Hindi ko alam kung matutuwa pa ba ako sa kacutan nya o maiinis?? Nananadya ba siya?! Parang oo e!
BINABASA MO ANG
That Kind Of Lovestory
Ficción GeneralAlmost all of us are hoping for that 'great' kind of lovestory. There's your knight in shining armor, and then there's you just waiting to be saved. Ngunit hindi ganito ang naging plot ng buhay ni Carmela. Naipakasal agad siya sa murang edad... But...