24.
Natakot ako dahil sa mga tingin niya na nagpalipat lipat sa amin ni Kai. Galit siya yun ang sigurado ako. Agad ko ng binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Kai.
Sa isang iglap nabitiwan ni Gian ang plastic bag na dala niya at agad niyang naitulak paloob si Kai.
"Hindi mo pa din ba naiintindihan ang salitang BACK OFF?!" galit niyang wika.
Shit! Hindi pwedeng mag away na naman sila.
"Gian, tama na." eto na naman ako. Kelan ba titigil ang away nila na hindi ko alam kung saan nagmula?
Nahandusay si Kai sa sahig dahil sa pagkakatulak ni Gian pero hindi na siya nagsalita. I think it's a good thing para hindi na magatungan ang galit na nakikita ko kay Gian.
Marahas akong hinila ni Gian. Nakaramdam ako ng konting sakit nang mahigpit niyang mahawakan ang kamay ko. Hinayaan ko na lang na hilahin niya ako palabas ng pinto.
"I knew it."
Pareho kaming napatigil sa paglalakad.
"Alam ko na kasal kayo. I knew you two were in an arranged marriage." nakangisi si Kai at wala sa mukha niya ang pagsisisi na sinabi niya ang mga bagay na ito.
Muli niyang hinarap si Kai pero hindi pa din naalis ang pagkakahawak niya sa akin. Muling nag igting ang panga ni Gian na matagal ko na ding hindi nakita. Alam ko na matindi ang mood swings ni Gian pero ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya. Nakakatakot.
"So?" sabay ngisi ni Gian.
Tumawa lang si Kai. "Just tellin'."
"What do you want me to do? Lumuhod sa harap mo at magmakaawang wag mo sabihin sa iba? Yun ba?" singhal ni Gian at pakiramdam ko na mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Then, you're damn wrong man. Go ahead. Tell them! It will be my pleasure."
"Gian." tawag ko sa kanya.
Nababaliw na ba siya? Hindi pwede yun!
"Everyone of us has our own deep.. deep.. dark secrets. It's a matter of when and where we gonna reveal ourselves. Right, Gian?"
Hindi ko maintindihan ang mga sinabi ni Kai. Ano ba ang gusto niya mangyari ngayon? Kilala niya si Gian kaya sana wag na lang niya ito patulan dahil alam kong hindi din siya palalampasin nito.
"Gian! Please slow down!" abot langit ang takot na nararamdaman ko ngayon.
Masyadong mabilis ang pagpapatakbo ni Gian ng sasakyan at masyado akong natatakot para sa kaligtasan namin.
Mas lalong nagalit ang panga niya. Ngayon ko nakikita ang halimaw na matagal ng nagtago. Galit na galit siya. Bakit? Dahil ba nakita na naman niya kami ni Kai na magkasama?
"I'm so mad at you right now, Ella! Really f*cking mad!" sigaw niya na umalingawngaw sa loob ng sasakyan at hindi niya sinasadyang napindot ang busina na lalong ikinagulat ko.
Kasabay ng takot ay ang pagtulo ng mga luha ko. Ilang beses na ako umiyak dahil sa kanya at naiinis ako dun! Ako na naman ba ang may kasalanan sa lahat ng ito? Again, this is so unfair!
"Ano... Ano bang ikinagagalit mo?" kahit may mga nakabara sa lalamunan ko ay kelangan ko siyang kausapin.
Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. At malakas din ang dasal ko na wag naman sana ako abutin ng hika dito. Ang sabi ng doktor ay umiwas ako sa mga emotional stress. Bakit ba parati na lang ako napapasubo sa ganitong sitwasyon? Hindi na ba siya naawa sa akin?
BINABASA MO ANG
That Kind Of Lovestory
General FictionAlmost all of us are hoping for that 'great' kind of lovestory. There's your knight in shining armor, and then there's you just waiting to be saved. Ngunit hindi ganito ang naging plot ng buhay ni Carmela. Naipakasal agad siya sa murang edad... But...