30.
“ASAN KA BA, MARS?!” halos patid-ugat na sigaw ni Andy sa kabilang linya.
Dahil sa labis na pag iyak ay hindi ko na namalayan na nakatulog pala ulit ako. Naghabol pa ako ng hininga nang magising.
“Ano ba kasi ang nangyayari?...” sigurado akong si Mitch ang nasa tabi nito at inaapura si Andy sa kung ano man ang sasabihin.
“Teka. Ba—Bakit ba?” kinusot ko ang nananakit kong mata.
“Anong bakit ba?! Hindi ko alam ha, pero may pakiramdam ako na magkakagulo dito sa school dahil sa balak gawin ni Brianna!”
“ANO?!” kinabahan na agad ako nang marinig pa lang ang pangalan ni Brianna.
“May nilabas siyang projector at may surprise gift daw siya kay Gian!”
Mas naging doble ang kaba ko ngayon kumpara sa naging harapan namin ni Brianna kanina. Gagawin niya talaga? Akala ko ba icoconfirm lang niya na sila na talaga ni Gian? Bakit may projector pa siyang nalalaman? Hindi talaga ito maganda.
“BILISAN MO NA, MARS! HINDI NA MAGANDA ANG KUTOB KO. Nasaan ka ba? Susunduin kita—“ pinutol ko na ang linya.
Kelangan ko ng magmadali. Muli kong tinawagan si Gian pero walang sagot akong nakuha sa kanya. Ano na kaya ang nangyayari sa school?
Sa oras na ito, hindi na ang sarili ko ang aking iniisip. Si Gian.. Kelangan ko siyang puntahan dahil baka kung anong gawin ni Brianna sa kanya. Wala akong tiwala sa babaeng ‘yon kahit noong una pa lang. Paano kung ipahiya niya si Gian sa harap ng maraming tao sa pamamagitan ng pagsasabi ng katotohanang matagal na pala siyang kasal at matagal na niyang niloloko ang mga tao? Hindi maaatim ng konsensya ko na mangyari ‘yon sa kanya dahil dalawa kaming parte sa kasinungalingang ito. Kasalanan ko ito dahil sa paulit ulit na pagiging pabaya ko! Noong una ay kay Kai, ngayon naman ay kay Brianna.
Walang ibang dapat sisihin dito kundi ako. Hindi lang si Gian ang pwedeng mapahiya kundi pati na din sina mama Jean at papa Albert at higit sa lahat ay ang mama ko. Kilala sa lipunan ang pamilya ni Gian kaya magiging bahid ito sa reputasyong meron sila kung maibubunyag ang eskandalong ito. Ayos lang na ako ang sumalo ng lahat ng kahihiyan wag lang sila dahil sino ba naman ako? Isang hamak na normal na babae na pumayag sa isang kasunduang hindi sa hinagap ng tao na mangyayari. Walang makakaalala ng pangalan ko sa pagtagal ng panahon.
Nakarating ako sa school at agad nang hinarang ng guard.
“Miss, bawal pumasok ang walang tiket. At hindi ka nakaproper dress code.” tinutukoy nito ay ang damit ko.
Dahil sa pagmamadali ay hindi ko na naisipang magpalit at hanggang ngayon ay suot ko pa din ang pangtulog na bigay sa akin noon ni Gian sa Baler.
“Manong guard, parang awa mo na! May kelangan lang po akong gawin sa loob. Importanteng importante lang po. Sige na po.” pagmamakaawa ko.
“Hindi talaga pwede, neng. Napag uutusan lang kami dito. Pasensya na. Baka ako naman ang mapagalitan kapag pinapasok kita.” dagdag pa nito.
“Please, manong.. Sandali lang po ako sa loob. Parang awa niyo na!” pagmamakaawa ko pa. Natutuyuan na ako ng lalamunan dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon.
“Pasensya na.”
Good! Tatawagan ko na sana si Andy pero mukhang naiwan ko ang cellphone ko nang buksan ko ang gate ng bahay at naipatong ko iyon kung saan. Talagang umaayon ang tadhana sa akin. Sa tuwing minamalas ako, kelangan sabay sabay pa talaga?
Nanlambot ako nang mapagtantong wala na akong pag asa na makapasok sa loob. Ilang minuto na ba ang lumilipas? Wala na akong nagawa kundi ang umupo dito sa gutter ng gate at umiyak.
BINABASA MO ANG
That Kind Of Lovestory
General FictionAlmost all of us are hoping for that 'great' kind of lovestory. There's your knight in shining armor, and then there's you just waiting to be saved. Ngunit hindi ganito ang naging plot ng buhay ni Carmela. Naipakasal agad siya sa murang edad... But...