11.
Damn!
Nakatulog ako sa buong byahe sa eroplano!
Sa totoo lang pwede namang by land lang ang papuntang Baler and it will take about 6 hours para makarating doon pero dahil kasama ko ang pinakamayayaman at pinakasikat sa school kaya nag by air na kami na tumagal lang siguro ng 1 and a half hour. Syempre 1st class tong sinakyan namin dahil ayaw nila ng mahabang byahe. Maaarteng nilalang.
"Gising ka na pala. We’re almost here."ngumiti na naman ang mata nitong katabi ko. Hindi siya actually ang katabi ko dahil malayo ang seat number niya na nakalagay sa kanyang ticket pero dahil vice president siya ng council ay nakaya niyang paalisin sa upuan ang katabi ko.
Mas pinili ko talaga ang matulog dahil bukod sa pagkakaudlot ng mahaba kong tulog sa bahay kanina e ang ingay-ingay pa nitong si Kai. Puro kwento siya tungkol sa lugar na pupuntahan namin. Oo. Hindi pa ako nakakapunta ng Baler and I heard na it is a very beautiful place. Pero dahil sa kadadakdak ni Kai parang hindi na tuloy ako naexcite sa pwede kong makita doon. Spoiler.
Hindi naman ako actually mamamasyal ng gaya yata ng gagawin nila. Ano naman kayang klaseng convention ito? Makikinig lang ako kapag nagmimeeting na sila at magkukulong na sa kwarto para makapagreview kapag nagliliwaliw na sila doon iyon ang sabi ng mama ko. And mama Jean reassured me that the meeting will be held in an open space para hindi masyadong mahalata na bumubuntot ako sa grupo ng nila. Syempre kelangan pa din ingatan ang tinatago naming lihim pero hindi na ako nagaalala kay Gian sa pagtatago dahil doon naman siya magaling. So I’ll leave it to the expert.
Nag landing na ang eroplano sa maliit nilang airport. Gabi na kaya madilim na sa labas. Nacurious tuloy ako kung ano itsura ng lugar sa umaga.
“Ladies first.” Sabi ni Kai para mauna ako sa pagbaba.
Hindi ko alam pero bakit wala naman pakielam sa akin dito ang mga student council members. Ni hindi na nga yata nila naalala iyong nangyari doon sa pool deck ng hotel nina Gian. May kanya kanya silang pinagkakaabalahan katulad ng isang babae na mukhang busy sa paggamit ng ipad at yung isa namang lalaki na nakasalamin na busy sa pagbababasa ng makapal niyang libro, hindi kagaya nitong si Kai na nasa akin yata ang buong atensyon.
Nakita ko pa nga kanina bago sumakay si kuya ‘muscle’ at may kasamang babaeng sexy. Naalala ko tuloy iyong sinabi ni Gian na baka mabasto ako sa suot ko. Sino kaya sa amin ang mababastos ni ateng na wagas makapagsuot ng backless na top? Siguro bukas pupulmunyahin na siya dahil sa suot niya. Medyo nakahinga ako ng maluwag sa pagiisip na iyon dahil hindi ko na talaga kelangan ang magdisguise ng bonggang bongga.
Nasa bandang hulihan ang kinauupuan namin ni Kai kaya nauna kami sa pagbaba ng eroplano.
Pero may isang tao ang hinahanap yata ng mga mata ko.
Yah. I easily spotted him. Sa kagwapuhan ba niyang ganyan na kahit nakawhite v neck shirt at board short lang siya ay agad mo talaga siyang makikita. He really stands out from everyone. Kaya lang may pumupulupot sa braso ni Gian. Mukhang ahas. Si ateng bangs todo kung makakapit sa braso ng asawa ko pero bakit walang ginagawang pagtanggi si Gian?! Naniningkit ang mga mata ko. Pati mga kulisap sa tyan ko nagaaway na din. Stop it please!
“Uh Carmela, you okay?” untag sa akin ni Kai ng mapansin yatang kanina pa ako hindi umaalis sa kinatatayuan ko.
Kanina pa pala ako nagpipigil ng paghinga ko kaya ngayong nakaiwas na ako ng tingin sa mga delikadong bagay ngayon ko lang ito naibuga lahat.
“Y-Yup.”
Gian... Gian... Why so lande?
Okay? This is the problem. Kelangan pa pala sumakay ng van para makapunta ng hotel. I even don’t know kung saan ang hotel dito nina Gian. As in first time ko talaga dito sa Baler. But from what I heard kay mama Jean na this is one of the first hotel na pinatayo ng Villaruz Empire chain of hotels kaya sigurado akong madalas dito ang pamilya ni Gian dati.
BINABASA MO ANG
That Kind Of Lovestory
General FictionAlmost all of us are hoping for that 'great' kind of lovestory. There's your knight in shining armor, and then there's you just waiting to be saved. Ngunit hindi ganito ang naging plot ng buhay ni Carmela. Naipakasal agad siya sa murang edad... But...