36.
Iniwan ako ni Brianna na dala ang mga salita kong lalayuan ko na si Gian. Nilock ko ang pinto ng banyo dahil hindi ko kayang lumabas sa ganitong kondisyon. Ang tanging nagawa ko na lang ay ang maupo sa likod ng pintuan at umiyak.
Hindi ito madali. Pumayag lang ako dahil ‘yon na lang ang tanging paraan na alam ko. Sigurado akong hindi niya muna ipagkakalat ang tungkol sa nalaman. Pero sa pagtagal ay maaring gawin niya ang kinakatakot ko kapag hindi niya nakikitang tumutupad ako sa napagkasunduan. Hindi talaga madali ang pinapagawa niyang iwanan ko ng ganun ganon na lang si Gian.
Ilang sandali pa ay nag ring ang cellphone ko at nakita kong pangalan ni Gian ang lumabas sa screen. Siguradong magtataka siya kung bakit hindi ko ito sinasagot. Humugot ako ng malalim na hininga at pilit pinakalma ang sarili.
“Hello.”
“Where are you? Hindi ka nagrereply sa text ko.”
Boses pa lang ni Gian ay tuluyan na akong nanlambot.
“U-umuwi na ako. I’m.. I’m s-sorry.” bahagyang pumiyok ang boses ko na sana ay hindi niya narinig.
“You okay? Umiiyak ka ba? Nasaan ka?” dinig ko ang bawat niyang paghinga. Siguradong naglalakad ito at hinahanap ako.
Not now, Gian. Hindi pwedeng makita mo akong ganito. Hindi pwede ngayon sa gitna ng pag iisip ko na kaya kitang iwan para sa negosyo at dangal ng pamilya. Dahil kapag nakita ko ang mukha niya ay walang pagdadalawang isip ay alam ko na ang magiging desisyon ko.
“Hindi ah. Bigla kasi akong sinipon.” nakuha ko pang tumawa.
“Don’t lie, Ella. F*ck.. Tell me, where are you?!” may halong pagkairita at pag aalala sa boses niya.
“Umuwi-“
“Damn it! Sh*t.” at pinutol na niya ang linya.
Mamaya na lang siguro ako lalabas kapag natapos na ang party. Hindi ako sigurado kung ano ang gagawin ni Gian. Siguro ay hahanapin niya ako doon sa loob at kapag hindi ako nakita ay iisipin niyang tunay ang sinabi kong nakauwi na ako.
Me: Andy, una na ako. Emergency.
Pagkatapos non ay pinatay ko na ang cellphone ko. Hindi ko alam kung paano ako uuwi dahil magkasabay kami ni Andy kanina. Siguro ay magcocommute na lang ako, the usual. All I can do right now is to cry.
Hanggang ngayon ay nangangamba ako sa pwedeng mangyari sa amin. Hindi ko lubos na maisip na ganon kabilis ang magiging pagiimbestiga ni Brianna na umabot pati ang kopya ng mga dokumento na nagpapatunay na kasal kami ni Gian ay nakuha niya. She’s rich. Hindi na nakakapagtaka kung kaya niyang maghire ng magagaling na imbestigador sa bansa. Pero ganon ba talaga kadaling gawin iyon?
Kinuha ko ang inhaler sa aking bag at nagpuff ng gamot. Nararamdaman ko na kasi ang paninikip ng daluyan ng aking paghinga. May ilan pang beses na may kumakatok sa banyo pero hindi ko pa din ito binubuksan.
“Baka out of order?” sabi ng isang babae at kasama yata ang ilang kaibigan dahil narinig ko pa ang pagkainis nila dahil sa pagiging ‘sira’ ng banyo.
Kahit nararamdaman ko ang lamig ng sahig ay ayos lang. Ayoko muna makita si Gian dahil sigurado akong maaaring mabasag ako sa harapan niya.
“Ella, are you there?” isang malambing na boses ang nagpatigil sa pag iyak ko.
His voice that soothes all the pain. Nanigas ako sa aking pwesto. Magsasalita ba ako? O hahayaan ko na lang na isipin niya na walang tao dito?
“Baby, I know you’re there. Talk to me please.. God!” tinutulak niya ang pinto.
BINABASA MO ANG
That Kind Of Lovestory
General FictionAlmost all of us are hoping for that 'great' kind of lovestory. There's your knight in shining armor, and then there's you just waiting to be saved. Ngunit hindi ganito ang naging plot ng buhay ni Carmela. Naipakasal agad siya sa murang edad... But...