Chapter 15

126 2 0
                                    

15.

64. She rather not to talk than to hurt anybody ( no matter how much she wants )

65. Let her ‘do’. She’s a smart girl... Believe me.

66. She plays guitar so well. Pero hindi siya naniniwalang ganoon siya kagaling.

67. Mahilig siya sa libre.

***********

Naihatid na ako kanina ni Kai. May pakiramdam pa nga ako na gusto pa niya magstay dito sa suite pero pinabalik ko na siya sa kwarto niya para magamot ang kanyang mga galos. Sobrang naguilty ako sa ginawa ni Gian sa kanya. Bwiset kasi ang halimaw na iyon e!

Halos wala ako naintindihan sa inaaral ko. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang mukha ni Gian na nakangisi. Bakit malademonyo siya kung makangisi? Bigla ako natakot sa kung ano ang pwede niyang gawin.

He’s Gian Anthony Villaruz. I doubt na may gagawin pa siyang mabuti lalo na ngayon pati ang makipagsuntukan sa vice president nila ay nagawa niya. He's never been this war freak before. Ngayon lang. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay nakabitin na ako ng patiwarik sa puno. Err-- Goose bumps.

Nagulat ako sa pagtunog ng cellphone ko.

“CARMELA!!!”

“Ma!” ayan! Nakalimutan ko na din ang tumawag kay mama. Paniguradong puputaktihin ako nito ng sermon.

“ANO BANG PINAGGAGAGAWA MONG BATA KA AT HINDI MO INIINGATAN ANG SARILI MO??!!” nilayo ko agad ang telepono sa tenga ko. Ang nanay ko talaga. “Ilang beses ko ba kelangan ipaalala sa'yo na you should always bring you’re inhaler! Hindi mo ba naisip na mahirap yang sakit mo and—“

Excuse me lang ha? Hindi po ako ang may kasalanan dito. Yang manugang ninyong hilaw ang may kagagawan ng lahat!

“MA! Malaki na po ako!” heto na naman po tayo. Malimit gawin ito ng nanay ko ang ‘mother knows best’ session niya.

“Kung malaki ka na, bakit ka nagkaganyan?! Kung hindi pa tumawag si Gian ay hindi ko pa malalaman kung ano na nangyayari diyan sayo. Be responsible naman Carmela. Eto pa—“

“Ma! Okay na po ako! Okay na okay na. Period. Walang sakit. Ayos. Doing good. Magaling na. Kaya ko na nga po tumakbo ng ilang kilometro e.” Lahat na nasabi ko para lang hindi na mag alala ang ang aligaga kong nanay.

Sumesenyas na ako na parang kausap ko siya sa harapan ko. Narinig ko siya na bumuntong hininga ng malalim. Sana naman maniwala na siya. Ayokong ipagpaliban niya ang trabaho para lang alagaan ako dito. I can totally handle myself.

“Anyways... Mabuti at hindi gaanong malala ang attack na nangyari sa'yo ngayon. I swear, kelangan mo na ulit magpacheck up once na bumalik ka na dito! Whether you like it or not.”

Ayaw ko! Huhuhu...

“And I know Gian is there to take good care of you. Tumawag na siya sa akin kanina na wag ng tumuloy diyan. I hope you’ll be obedient enough to him. Ano? Carmela Gail, nakikinig ka ba?” mataray ngunit andun pa din ang pagaalala sa tono ni mama.

“Oho. Oho, nakikinig po ako. Alam ko na po iyan, Ma. Okay po, Ma... Loveyah! Bye!” agad ko na pinatay ang phone.

My god! Kung ganyan ba naman ang nanay mo, ewan ko na lang kung hindi ka mautas ng maaga? I love my mom so much pero may mga oras pa din talaga na kung ituring niya ako ay daig pa ang 3 years old. Nakakainis! Hello? E bakit siya pa ang nagtulak sa akin na magpakasal sa halimaw na yun? Baliw talaga.

Natapos ko ang 5 chapters ng Mythology. Ang sabi kasi ng teacher namin na cover to cover ang exam. Jusko naman! Sinong Pontio Pilato ang makakasaulo ng lahat ng pangalan sa librong ito?! Pakisabi nga?!

That Kind Of LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon