Chapter 13

100 1 0
                                    

13. 

“Nasaan ba tayo?” napaikot ang tingin ko sa kabuuan ng lugar.

Malaki ang garden dito sa kinatatayuan namin at halos green ang nakikita ko kahit madilim na. At sa likod ko ay isang malaking lumang bahay. Kanino naman kaya ito?

“Oy, Gian. Asan ba kasi tayo? Bakit tayo nandito? Tsaka baka hanapin ka doon sa hotel.” Para akong aso na sunud sunod lang sa kanya.

Natatakot kasi ako medyo luma na ang bahay baka may multo. Pero kita pa din ang pagiging maganda nito kahit lumipas na ang panahon. Spanish style ang yari ng mansyon.May mga antique na vase na ibat iba ang size sa labas. Tsaka ang mga muwebles sa veranda ay mukha ding mamahalin kahit luma na.

“Oy! Balik na tayo Gian.” nakuha ko pang hawakan siya sa manggas ng kanyang damit. Malay ko ba kung nagt-tresspassing na kami.

“Wag ka ngang makulit.” Iritado na si Gian. Inirapan niya lamang ako.

Baka ako naman ang bigyan nito ng suntok kapag hindi pa din ako tumigil sa kakatanong.

Sinimangutan ko na lang siya. Ang Gwapo nga, halimaw naman sa banga ang ugali! Grrrr....

Walang kahirap hirap niyang nabuksan ang double door ng mansyon, ni hindi nga siya gumamit ng susi. At pagbukas niyon ay laking mangha ko na naman dahil sa simple ngunit high class na itsura ng interior sa loob.

Isang malaking hagdan ang sumasalubong na agad sa bukana ng salas at bago ito ay ang itim na grand piano sa gilid ng malalaking sofa. Earth tone ang kulay ng mga muwebles at ng malalaking kurtina na humaharang ngayon sa glass window ng mansyon. Pati ang marmol na sahig na kahit may kalumaan na ay hindi na naalis ang  pagkakintab nito na parang alagang alaga.

“Ser.”

“GIAN!!!!!” napatili ako sa gulat at napatakbo sa likod niya.

Isang matandang babae ang sumulpot sa isang pintuan. Kung titingnan ay may edad na talaga ang nasa harapan namin ngayon. Mahaba pa at mapuputi na ang buhok nito. May suot pa itong makapal na salamin na may tali. Alam ninyo iyon?

“Manang, dito po ulit ako matutulog.”

“Ah. Wala pong problema. S-sya po ba—" hindi man lang umalis ang titig sa akin kahit kinausap na siya ni Gian.

“Yes po, manang. Ella, magpakilala ka." hinila niya ako papuntang sa harapan ng matanda.

Ano?! Uulit na naman ba ako sa pagpapakilala? Sabihin ko na lang na kapitbahay ako ni Gian.

“Ako po si Ella. Nice to meet you po. Kapit—“

“Ay totoo palang napakaganda mong bata! Mabuti at ang isang tulad mo ang napangasawa ng aming young master.” Lumapit agad ito sa akin at tipong pipisilin pa ang pisngi ko.

ALAM NIYA????!!!!

“Manang, ipaghanda mo na lang po muna kami ng pagkain.” muli ay hinawakan niya ako sa kamay at kinaladkad sa kung saan man.

“Oy Gian, hindi mo pa din ako sinasagot. Sino iyong matanda? Bakit alam niya ang tungkol sa akin?” gumulo sa isip ko ang pagkakasabi ng matanda na karapat dapat nga akong maging 'asawa' ng kanyang young master.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya bumangga ako sa matigas niyang likod. Gian, why so hot?

Nasa pasilyo kami na sa tingin ko ay palabas sa likod ng bahay.

Bumakas sa kanya ang ekspresyob na hindi ko maintindihan ang ivig sabihin. Mabilis niyang pinaalis ito. “She’s Manang Fely. Our oldest maid.” napapikit siya na parang nahihirapan niya akong sagutin. Ayan na naman ang kanyang sexy veins. Oh no! “Matagal na siya nagtatrabaho sa pamilya namin. At ito ang oldest house ni Dad dito sa Baler. Dito siya lumaki.”

That Kind Of LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon