25.
Isang oras na lang at magsisimula na ang program.
“What?” kinabahan ako. “Uh-huh.. Maybe may iba pa naman tayong makikita kahit sa pinakamalapit na resto na lang.” Sabi ko.
Maarte kasi tong sina Faye at gusto pa sa catering services magmula ang kakainin nila. Actually, nakaugalian na nila iyon. Yun ang sabi niya. Dahil transferee lang ako at ngayon lang talaga nakaattend ng foundation day kaya hindi ko ito alam.
“Kristoff, ikaw muna dito. Ako na lang ang maghahanap ng ibang pwedeng magcater.”
“Samahan na kita.” Ang bait talaga niya. Simula doon sa pagtatayo ng booth ay malaki na ang naitulong ni Kristoff sa section namin. Sana ganito din ang iba kong kaklase.
Ang alam ko meron din silang number ng mga kabanda niya mamaya. Nakakahiya na kasi baka maabala ko lang siya kung kelangan na nila magkita ng mga kabanda niya.
“Ah, hindi na. Dito ka na lang, pakisabi na din kapag hinanap ako ni Faye e naghahanap ako kamo ng lalamunin nila.” wika ko.
Umalis na ako at nagisip kung saang lupalop ako makakapaghanap ng caterer ngayong gumagabi na. Habang naglalakad ako sa corridor ay may tumawag sa akin.
“Ella!”
Tumigil ako at hinarap sya. “I’m Sheena nga pala.. Sheena Lapuz. Ako yung president ng kabilang section. I heard kay Kristoff na may problem daw kayo sa catering?”
“Oo e.” Hindi naman ako palakaibigan pero mukha naman siyang mabait para pagtarayan ko.
“Hmm.. Gusto ko sana tumulong. May excess kasi doon sa inorder namin na mga pagkain. Naisip kong sa inyo na lang yung sobra. I think it will be enough for your section.”
Ang bait naman niya. Kung grasya na ang dumating, sino ako para hindi ito tanggapin diba?
“Uh.. Hindi ba nakakahiya sa inyo? I mean, baka kulangin pa kayo sa pagkain?” pagdadalawang isip ko.
“Okay lang. Yung iba ko kasing classmates kakain na lang daw sa labas after ng performance night. Nakakahinayang naman kung matatapon lang ang mga yun.” ngumiti siya.
“Magkano ba?” aakto na akong ilalabas ang wallet na dala ko.
“Ikaw naman. Okay lang yun. Bigay nga diba kaya hindi mo na kelangan bayadan. And nabayaran na din namin yun sa catering service na nakuha namin. So you don’t have to worry.”
Mahahalikan ko na siya sa sobrang bait! Ibig sabihin lang na may matitira pa na pera sa fund namin na pwede pang ipang gastos sa susunod na activities. Masaya ako dahil doon.
“So ipapadala ko na lang sa room ninyo?”
“Yes. Thank you huh.. Salamat talaga. Sheena, right?” nakipagkamay ako sa kanya.
Nagpunta na ako sa stage kung saan magaganap ang mga performances. No doubt. Pinaghandaan talaga nila ito. Parang ganito yung nakikita ko sa mga concert na nagaganap outdoor. Malaki ang stage at may mga lights sa gilid at likod. May mga barricades din para pampigil sa mga audience na maisipang sumunggab sa stage.
Hindi mahirap sa akin ang makapasok sa backstage dahil may pass ako bilang officer ng section namin. Naabutan ko doon si Andy. Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan ng isang to?
“Hoy!”
“Ay tiyanak!” nagulat sya sa presensya ko. Parang may iniiwasan siya.
“Anong ginagawa mo dito?”
BINABASA MO ANG
That Kind Of Lovestory
Fiksi UmumAlmost all of us are hoping for that 'great' kind of lovestory. There's your knight in shining armor, and then there's you just waiting to be saved. Ngunit hindi ganito ang naging plot ng buhay ni Carmela. Naipakasal agad siya sa murang edad... But...