Chapter 21

130 0 0
                                    

21.

“Halika na!!!!” hinihila na ako ni Kai palabas dito sa sasakyan niya.

Nasa labas na kami ng mataas nilang gate. Kulay puti iyon at mapapansin mo agad ang bahay niya dahil sa malaking gold marking na nakasulat sa gate ‘Fabregas Residence’. Sa gate pa lang ay kita mo na agad ang pagkakaangat nila sa lipunan at kumpirmadong parte nga talaga si Kai ng elite circle ng SC.

“Ayoko nga sabe e! Uuwi na ako!!” malakas ang kapit ko sa daschboard at seatbelt ng sasakyan.

“Tara na!”

“Hijo, kaw na ba yan?” may taong nagsalita mula sa loob ng gate.

“Opo manang, ako po to! May makulit po kasi dito na pusa na ayaw magpaawat sa akin. Ayaw umalis ng sasakyan ko!” nakangiti pero nakakapikon na talaga ang mukha ng isang to!

Ako? Mukha ba akong pusa?!

“Ganun ba. Tulungan na kita diyan.” Narinig kong nagsisimula ng buksan ang malaki nilang gate.

“Ano ba Kai?!! Grrrrrr.... Nakakainis ka!” wala na ako nagawa kundi ang bumaba mula dito sa sasakyan. “Nakuuu! Masasakal talaga kita kung wala lang ako dito sa teritoryo mo!” inirapan ko ulit.

“So adorable!” kinurot pa ang pisngi ko. “Lets go!” agad niyang hinila ang kamay ko.

Halos mapanganga ako dahil sa laki ng kanyang bahay. May fountain sa gitna ng kanilang garden sa labas. May nagpark ng sasakyan niya sa garahe na kasya yata ang limang sasakyan ng sabay sabay. Mayaman din pala ang kumag na to!

“Salamat, Mang Tonio.” Wika ni Kai sa nagdrive ng sasakyan niya.

Ang front door nila ay may arte din. May iba’t ibang carvings sa pinto na mukhang ipinagawa pa sa ibang bansa gaya ng nakita ko doon sa bahay ng mga magulang ni Gian. Nang pumasok na kami sa loob ay bumulaga sa akin ang puting tema ng bahay. Mula sa mga sofa sa receiving area hanggang sa mga vase ay mapaghahalata mong dekalibre ang kanilang mga gamit. Meron pang crystal chandelier sa high ceiling nilang bahay. Bagama’t mas malaki pa din ang bahay nina Gian pero mas simple ang ayos ng kanilang bahay kumpara dito. Ganun siguro talaga ang character ni Mama Jean.

Sa isang parte ng kanilang wall sa salas ay may isang malaking portrait. Naagaw nito ang atensyon ko kaya agad ko iyong nilapitan. Isang nakatux na bata na katabi ang isang magandang ginang ang nakapinta doon. Sobrang ngiting ngiti ang bata na umaarko na ang kanyang chinitong mata. Ang cute niya at kita mong makulit na agad kahit bata pa lang.

“Ang cute ko diba? Nakakainlove ba masyado?” tumabi na si Kai sa akin. Siguro napansin nito ang matagal kong pagtitig sa portrait.

“Kapal.” Tusukin ko mata nya e! Umaapaw talaga sa kayabangan! Grr..

Ilang saglit pa nang may isang babae na ang lumabas sa isang kwarto. Nakaupo siya sa isang wheelchair at tulak tulak ng isang babaeng nakawhite uniform. Siguro ay ito ang nurse ng ginang. Kamukha ng ginang ang babae sa painting pero may mas edad na ito ngayon. Ngunit kahit magkaganun ay hindi pa din nawawala ang pagiging sopistikada at maganda nito.

“Mikailo, are you with someone?” boses pa lang nito ay mababaanagan mo din ng pagiging elite.

“Mom..” yumakap si Kai sa babaeng nakawheelchair. At agad na niya akong nabitbit sa kanyang tabi. “Mom, this is Carmela.. Carmela this is my Mom.”

“He—Hello po Mrs. Fabregas. Ella na lang po.” Nanginig ako. Ayoko talaga ng introduction part. I’m so not good at this.

Makikipagkamay sana ako sa kanya pero imbis ay mabilis niyang nahawakan ang mukha ko at marahan na hinaplos. Nagtaka ako sa ginawa nito.

That Kind Of LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon