10.
Sumakay na ako ng taxi papuntang bahay kahit hindi ko alam kung bakit dito na ako dinala ng mga paa ko. Basta naramdaman ko na lang na kelangan ko na makauwi.
Abot tahip pa din ang kaba ko. Bukas ang gate kung kaya alam ko na nandito na si Gian sa bahay.
“Saan ka galing?” agad na tanong ni Gian. Nasa may pinto pa lang siya ng bahay pero ramdam ko na agad ang aura niya na kulay itim.
Pwede pala mangyari ito sa totoong buhay? Akala ko sa mga anime ko lang ito napapanuod e. Natatakot na talaga ako.
“S—Sa school syempre.” Nag iwas ako ng tingin. Actually nangangatal na ako sa kinatatayuan ko ngayon pero dapat hindi akong mapaghalatang natatakot... or guilty?
Bakit nga ba naguguilty ako ngayon? Wala naman akong ginagawang masama diba?
Sa sigaw pa lang niya kanina sa telepono e galit na galit na talaga siya. Ano bang nangyari? Oo. Tatanggapin kong magalit siya sa akin dahil sa mga lumabas na balita pero bakit ganito siya makapagreact kung nandoon naman siya sa mismong eksena kahapon? Kung makaarte siya kala mo wala siyang alam.
“Bakit ka nandito?” tanong ko dahil may pakiramdam akong hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Nanlalaban ako sa panginginig ng boses ko.
Hindi siya umiimik at tinitingnan lang niya ako ng mataman. Nagagalit ang panga niya at unti unti na ding lumalabas ang ugat sa temple area ng ulo niya. Pero bakit ang sexy ng mga ugat na iyon? Kahit galit siya, lalo lang nadedefine ang features ng mukha niya. Tama. Matagal ko siya natitigan ngayon. Mukhang ngayon ko lang napansin ang mga pinagbago ng mukha niya. Napansin kong meron pala siyang maliit na mole sa gilid ng kanyang lower lip which I find it cute. Pero ang ilong, ang kutis niya, ang clean cut hair niya, the same old Gian pa din. Nagsusuot na din pala siya ngayon ng contact lens, ang alam ko 20-20 ang vision nitong si Gian pero bakit lumabo bigla ngayon? Bakit ibang iba ang mga mata nito kapag mas lalo ko pang tinitigan? Parang tagos sa kaluluwa ko ang mga titig niya.
Is it possible na ganito kadrastic ang pwedeng maging changes ng isang tao even in a short span of time lang ang dumaan?
Biglang umiwas ang tingin niya sa akin. Parang natauhan siya sa matagal naming titigan. May pakiramdam akong bigla siyang natakot sa titigan namin. May dapat ba akong malaman na hindi pwede?
“Are you friends with this Kai Fabregas?” may ngiti sa labi niya at may halong panghuhusga ang tanong niya. It was not a smile after all. It was a smirk.
“N—No.” Talaga namang hindi kami friends. Hindi porket alam ni Kai ang sikreto namin ay magkaibigan na kami. Oo nga at naisip kong kaibiganin siya pero sa takbo ngayon ng pangyayari no way na ituloy ko pa ang pagkakaibigan ko sa kanya.
Marami na ang may galit sa akin dahil paniguradong maraming nagkakagusto sa Kai na ito dahil sa good looks at charisma niyang taglay.
“Carmela, stop lying.” Maikli pero mabigat ang pagkakabitaw niya nito.
Bakit gusto ko na namang maiyak?
Hindi ba matagal na kaming nagsisinungaling sa madaming tao dahil sa lintek na marriage na ito!
Pero bakit parang lahat ng sisi na sa akin? Laging patama sa subject ng ‘honesty’. Ang unfair naman!
“Ano bang problema kung kaibigan ko nga si Kai?” unti unting nabuhay ang inis ko sa kanya na nakalimutan ko panandalian kanina.
“You don’t know him!” pasigaw niyang sinabi.
Ano bang problema niya?
“Of course I know him! Kaya nga kaibigan diba?” kelangan ko muna ipagtanggol ang dignidad ko dahil sa sobrang nilulugmok na ito ni Gian.
BINABASA MO ANG
That Kind Of Lovestory
General FictionAlmost all of us are hoping for that 'great' kind of lovestory. There's your knight in shining armor, and then there's you just waiting to be saved. Ngunit hindi ganito ang naging plot ng buhay ni Carmela. Naipakasal agad siya sa murang edad... But...