17.
Wala na ako nagawa kundi ang sumakay. Sumakay ako sa tabi niya sa backseat. At alam ko na kung saan ang lakad namin.
“Ma, kelangan pa ba talaga to? Okay na naman ako e.”
“Yes. You need it, Ella. Ilang beses mo na ako natakasan dahil diyan sa takot mong magpacheckup. Kaya ngayon... Ako naman ang sundin mo.”
Gaya nga ng inaasahan ko, magpapacheckup ako ngayon at wala na talagang takas kay mama.
Ewan ko ba kung bakit nagkaroon ako ng trauma pagdating sa mga doctor or anything na may kinalaman sa medical field. Siguro nagsimula lang ito noong naaksidente si papa. The hospital really made an impact to me. It suggests death.
Pumasok kami sa isang ospital. Hindi naman ito gaanong malaki at may dalawang building lamang. Pagkatanong ni mama sa frontdesk ng ospital ay agad naman kaming sinamahan ng isang nurse.
“Oh hi, Sandra!” malaki ang ngisi ng isang medyo may edad na lalaki. Mataba siya at nakaputi gaya ng uniform ng mga doktor.
“Hi, James!” nagkamayan silang dalawa. “Because your doctor is not in town, siya muna ang magchecheckup sayo, Ella. This is Dr. James Jocson. He’s a college friend of ours ng papa mo.”
“Hi po.” Matipid kong sagot. Pero may konting kaba pa din.
Isang maliit din na clinic ang pinasukan namin.
“So this is already, Ella?” tinuro pa ako at halatang gulat na gulat. “She’s really pretty like you, Sandy. Like mother like daughter huh?”
Ngumiti ang nanay ko. So nickname na pala niya ngayon ang ‘Sandy’? Kelan pa?
“Oh well.” Nagkibit balikat si mama. At mukhang nahihiya sa tinuran ng doktor.
“You may take your seats, please ladies.” Imunuwestra nito ang dalawang upuan sa unahan ng kanyang table.
May blood specimen na kinuha sa akin na ginawa ng nurse ni Dr. Jocson. Medyo kinabahan nga ako dahil sa dugong nakita ko galing sa akin. Nagpa x-ray din ako. At ang pinakalast ay ang breathing exercise na ginamitan ng isang parang laruan ang itsura na may 3 maliliit na bola sa loob. Incentive spirometer daw ang tawag doon.
“Lets just wait for the laboratory exam result after 2 days. The x-ray looks normal naman. Kaya no need to worry much about the attacks. I guess... You just have to be more careful on the allergens, the foods you’ll eat and... your emotions as well.” Pagpapaliwanag ng doktor.
Okay na naman pala ako. Si mama talaga medyo oa pa din. Pero sobrang naiintindihan ko naman siya. Ako na lang kasi ang tanging kayamanan niya. Lol.
Pero hindi ko naman din masisisi si mama. Dahil ako ang batang lumaki sa sakit. Sad to say, pero mahina talaga ang pangangatawan ko. Maulanan lang ng bahagya, lagnat na agad. Malimit akong nagkakasakit noong bata ako kaya lage sa hospital ang kinababaksakan ko kapag malala ang atake ng aking asthma. Kaya panget talaga ang naging impression ko sa mga hospital. I’m not pleased with that.
“You can comeback after 2 days. And lets see if increasing the dosage of her meds is still necessary.”
“Are you sure she’s really okay? I mean, hindi ba nagworsen iyong asthma niya?” umiral na nga ang pagiging panic freak ni mama.
“Ma! Sabi nga diba no need to worry. Okay na ako.” I reassured her. Ang mama ko talaga. Kaya naman mahal na mahal ko iyan e.
Medyo humalakhak si doc. “Yeah. Your daughter is right, Sandy. Ikaw yata itong mas nerbyosa kesa sa kanya?” ngumiti ulit ito.
BINABASA MO ANG
That Kind Of Lovestory
Fiksi UmumAlmost all of us are hoping for that 'great' kind of lovestory. There's your knight in shining armor, and then there's you just waiting to be saved. Ngunit hindi ganito ang naging plot ng buhay ni Carmela. Naipakasal agad siya sa murang edad... But...