37.
Nagbukas ang malaking gate ng bahay nina Gian. Nakita kong nakaparada na din ang sasakyan ni mama sa garahe nila. Ngayon lang ako dinapuan ng matinding kaba. As if, isang pamamanhikan ang magaganap sa amin. It’s only a simple meeting between our families.
It will be a long talk for us. Lalo na sa mama ko. Mahirap baliin ang mga desisyon niya. Hindi siya sanay sa paliguy ligoy. Kung gusto ay gusto niya ngunit kung ayaw ay ayaw talaga at wala na kami magagawa sa magiging say niya.
“Shall we?” si Gian ang nagbukas ng pinto ng sasakyan at kinuha niya ang kamay ko. Sabay na kaming pumasok sa loob.
Malinis ang buong receiving area. Mukhang simpleng araw lang ito sa buhay ng mga Villaruz. May ilang katulong na naglilinis sa baba ng hagdan. Agad silang nagsilingon sa dako namin at naging malagkit agad ang tingin kay Gian. Bulag na lang yata ang hindi makakapansin sa itsura ng prinsipe ninyo.
“Sir, nasa office na po sila ni Mr. Villaruz.” dinaluhan kami ng kanilang mayordoma. Nag isip pa ako kung sinong Mr. Villaruz ang tinukoy. It’s his dad, of course. “Kanina pa po nila kayo hinihintay doon.”
“Salamat, manang.” pagkatapos non ay umakyat na kami sa hagdanan.
Ni hindi yata napapansin ni Gian kung paano siya tingnan ng mga dalagitang katulong. Nagbubulungan sila. Hindi ko alam kung ako ba ang pinaguusapan nila o ang kagwapuhan ni Gian?
“Breathe, Ella.” bulong niya sa akin at binigyan ng saglit na pisil ang kamay kong hawak niya. “You don’t have to be nervous.”
Hindi ko namalayang nagpipigil na naman ako ng hininga dahil sa labis na kaba.
“Natatakot ako, Gian.” sambit ko nang nasa tapat na kami ng pinto kung saan naghihintay ang mga magulang namin.
Hindi ko alam kung saan ba talaga ako natatakot. Sa magiging desisyon ni mama? Sa sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila ito? O sa sarili ko? Na baka hindi ako ang karapat dapat na babae para maipakilalang asawa ni Gian.
Hinarap niya ako sa kanya dahil hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Bumaba siya ng konti para magpantay kami ng tingin.
“Remember what I told you before? You deserve everything in this world, Ella… And that world is in front of you.” nilagay niya ang isang kamay sa pisngi ko. “Carmela, wala akong gustong pakasalan sa mundong ito kundi ikaw at ikaw lang.” hinalikan niya ako sa noo.
Nangilid ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo. Sa sobrang galak ang puso ko ay hindi ko na napigilan na yakapin siya. I know to myself that I don’t have the capacity to love another man beside this perfect creature in front of me. I love him too much.
May mga bagay lang talaga na mauunang iparamdam sa atin ang mga sakit at hirap. At first, we thought it will be the end of our world. And we didn’t bother to even look beyond that. After a scary rain is a nice view of the rainbow. After the dark are rays of light. Lahat ng hirap ay may magandang kapalit. I suffered a lot through physical, mental and emotional pain but I got my greatest reward in the end. And he is finally going to marry me. Again.
Binuksan ni Gian ang pinto ng office. Nakita ko agad ang malambing na ngiti ni mama Jean sa amin. Nakaupo sa swivel chair sa likod ng lamesa si papa Albert na magkasalikop ang mga kamay at blangko ang ekspresyon. Si mama naman ay nakaupo sa sofa malapit sa coffee table. Matigas ang kanyang pustura. Katabi niya ang isang matandang lalaki na nakapormal na amerikana. Sino siya?
Walang sino man ang nagsasalita. Parang nag aabang lang kami sa kung sino ang unang kikilos. Tumayo kami ni Gian sa gitna ng kwarto. Hindi inaalis ni Gian ang pagkakahawak sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
That Kind Of Lovestory
General FictionAlmost all of us are hoping for that 'great' kind of lovestory. There's your knight in shining armor, and then there's you just waiting to be saved. Ngunit hindi ganito ang naging plot ng buhay ni Carmela. Naipakasal agad siya sa murang edad... But...