23.
Hindi ko naabutan si Gian kaninang umaga bago ako pumasok sa school. Kala ko pa naman dahil nagpahiwatig na siya sa akin ay isasabay na niya ako sa pagpasok. Nag asyumera na naman ako! Tsk.
Sigurado akong magiging busy na talaga siya sa foundation day. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Pati ang puso ko ay masiglang masigla din. Kahit hindi pa din malinaw ang lahat sa amin ni Gian, one thing is for sure, alam kong may nararamdaman na siya sa akin at hindi na yun awa.
Maybe he’s just giving me time to think. Pero anong iisipin ko? Oo na nga diba. Pero hindi naman niya ako tinanong kung sinasagot ko na ba siya. Ano ba yan?! Ako ba dapat ang magtapat sa kanya? No way! Kahit ngayong aminado na akong patay na patay ako sa kanya e kailanman hindi ako ang unang gagawa ng the moves para magkaroon ng linaw kung anong meron sa amin. Itaga niyo yan sa bato!
Hindi ko na nga muna ito bibigyan ng pansin dahil pareho kaming busy dito sa school. Ako bilang president ng section namin at si Gian bilang punong abala ngayon sa lahat ng activtities para sa foundation day.
“Ella, bale ito na yung mga receipt na nakuha natin sa bakeshop ng mama ko.” Binigay sa akin ni Kristoff ang sandamukal na resibo.
Inabala ko na ang sarili ko sa pagkalider dito sa pag gawa ng booth namin. Simple lang ang naging ayos nito. Nagprint ako kagabi ng pictures ng pastries at yun ang ginawa naming backdraft sa ginawa naming booth. Si Mitch naman ang naglagay ng maliliit na lobo sa haligi ng booth.
“Thanks.” Ang problema ko na ngayon ay kung paano magkukwenta sa mga nagastos namin. Ayoko pa naman ng math.
“Grabe! Ang sarap naman ng mga to.” Halos mapuno na ang bibig ni Mitch ng kung ano man yang kinakain niya.
“Baka malugi tayo nyan.” Komento ko habang nag gugupit dito sa gilid.
“Tss. Magbabayad naman ako e.” Sabay irap nito.
Nakangiti lang si Kristoff na pinapanuod kami ni Mitch habang inaayos ang mga lalagyan ng mga tinapay.
“Sure thing!” narinig ko ang mga hiyawan sa kabilang booth. “More! More! More!”
Enjoy na enjoy ah?
Wala na akong nagawa kundi ang payagan ang walang kwentang pagiisip ni Faye at ng barkada niya. Maglagay ba naman ng kiss booth?! Pakisabi nga? Hindi naman pala ako ang may pinakamaliit na utak dito.
“Tingnan mo yung booth nina Faye. Dinudumog talaga sila!” wika ni Mitch.
Oo. Aaminin kong maganda talaga yang si Faye at maganda pa ang katawan. Palagi pa siyang kasali sa mga pageant na nagaganap dito sa school. Pero dahil sa ugali niyang maitim pa sa pwet ng kawali, bumabaligtad ang tingin ko sa maganda niyang mukha. Para siyang barbie na tinubuan ng sungay.
“Kung hindi lang talaga kelangan ng tatlong booth per section e hindi ako papayag diyan sa kalokohan nila.” Inayos ko ang mga kahon ng ilang cake na dinala ni Kristoff. Mukha naman silang masasarap kaya positibo akong marami kaming maibebenta.
“Okay naman ah? 100 pesos per kiss. Not bad.” Tumatango tango pa itong si Mitch at parang pinapalabas na genius itong naisip nina Faye.
I just rolled my eyes. Walang muwang itong si Mitch na kamunduhan lang over sa pagtulong sa section namin ang gusto mangyari ng grupo nina Faye.
Dalawang oras na ang nakalipas at pailan ilan pa lang ang tumitingin sa booth namin at mabibilang lang sa kamay ang bumili. Nilingon ko ang ilang booth na nakakalat sa buong ground ng school. May marriage booth, jail booth, may ilan din na mas napiling magtinda ng mga goods at kung anu-ano pa. Mukhang maayos naman ang takbo ng nagaganap na unang araw ng foundation day.
BINABASA MO ANG
That Kind Of Lovestory
Ficción GeneralAlmost all of us are hoping for that 'great' kind of lovestory. There's your knight in shining armor, and then there's you just waiting to be saved. Ngunit hindi ganito ang naging plot ng buhay ni Carmela. Naipakasal agad siya sa murang edad... But...