9.
“Seriously Carmela, anong ginagawa mo sa lugar na iyon?” galit ba siya?
Nakasakay ako sa sasakyan ni Kai ngayon. Mabilis niya akong kinaladkad paalis ng hotel. Ewan ko nga din at hindi ko na din napansin si Andy noong kinakaladkad niya ako.
“Kasi –“ napatingin ako sa hubad niyang katawan. Grabe naman! Masyado na yata akong nabubusog sa abs ngayon! Nakaboard shorts lang siya. Pwedeng time-out muna?
Umiwas na lang ako ng tingin. Hindi ako makakapagsalita kung ganyan siya sa harap ko.
Napansin niya siguro ang pagkailang ko. May kinuha siya sa likod ng kotse at nagbihis ng white shirt. Magulo din ang kanyang buhok. Pero bakit ang hot pa din niya!? Pwedeng hubad na lang ulit? Hihi.
“So tell me? Bakit ka nagpunta sa meeting namin?” hindi naalis ang nagoobserbang tingin ngunit nasa likod pa din noon ang banayad niyang aura.
“G – Gusto ko lang naman makita kung anong pinaguusapan ninyo sa meeting.” Simple but short. Pero iyon naman talaga ang dahilan ko. Pero higit pa pala doon ang makikita ko.
“Are you gone mad?! Paano kung hindi ako dumating doon? Who do you think will save you from that mess?! Si Gian?..." diretso niyang nasabi ang pangalan ni Gian na alam niyang iyon ang nasa isip ko.
"Walang pakielam ang mga tao doon sa mga kagaya mo. Ang alam lang nila ay ang maglaro. And I don’t think you’ll understand the way they play.” Kung dati palagi siyang nakangiti sa akin kapag nakikita ako pero ngayon naglaho ang lahat. Parang galit na galit talaga siya.
“E ano ba iyong kagaya ko?! Bakit ka ba nagagalit?” parang lahat na lang yata ng tao galit sakin. Kasalanan ko ba na makita kami doon? Nag-ingat naman kami kanina a. Bwiset lang kasi yung si boy muscles napakachismoso!
Tila wala siyang maisagot sa huli kong tanong. “Sige. Iuuwi na kita sa inyo.” Biglang naging soft na ulit ang mukha niya. Mukhang hindi niya masasagot ang tanong ko.
“No. Kaya ko umuwi mag isa.” Ayoko nang dagdagan pa ang koneksyon ko sa kanya. Syempre nagkaroon ng commotion kanina dahil sa ginawa niyang paghila sa akin. Siguro nagtataka na sila kung bakit isang tulad ko na highschool student ay kilala ni Kai na mataas ang posisyon sa council?
“How can you tell na kaya mo? Wala kang sasakyan. Nasa kaibigan mo pa ang bag mo.” Tumaas na naman ang tono ng pagsasalita nito. Kahit anong lukot ng mukha niya labas na labas pa din ang pagiging magandang lalaki nito.
Ay lintek! Oo nga pala! Iniwan ko sa sasakyan ni Andy ang bag ko. Andun ang cellphone at pera ko.
E paano naman kaya niya iyon nalaman?!
“Si Gian-" naalala ko lang kung anong itsura niya nang nakita niya ako kanina. Kahit na noong hawak ako nung lalaking puro muscles, hindi siya kumibo. Wala. Zero. Mabuti sana kung kahit inis ang ipinakita niya sa akin e matatanggap ko pa pero dahil sa ekspresyon niya kanina mukhang wala talaga siyang pakielam sa akin.
Ewan ko sa sarili ko at mukhang bumibigat ang mata ko. Hindi naman talaga dapat akong umasa. Pero bakit ganito ngayon ang nararamdaman ko?
No. Hindi ako iiyak. Alam ko naman sa simula pa lang na ganoon lang kami, total strangers.
“Si Gian? Nakita mo bang nilapitan ka niya? Nakita mo bang nag-alala siya sayo? Who the hell you’re kidding, Carmela?!” nagstiffen ulit ang mukha ni Kai. Kala mo kung magsalita siya alam na niya ang buong istorya ng buhay ko.
“Tumigil ka na nga!! At sino ka ba para pagsabihan ako ng ganan?!! Hindi porke’t alam mo na ang sikreto ko pagsasalitaan mo ako ng ganan na akala mo alam na alam mo na ang buong istorya ng buhay ko! At pwede ba tigilan mo na ang pagtawag sa akin sa buo kong pangalan! FYI lang, hindi tayo close.. Alis na ako.” Binuksan ko na ang pinto ng kotse niya.
BINABASA MO ANG
That Kind Of Lovestory
General FictionAlmost all of us are hoping for that 'great' kind of lovestory. There's your knight in shining armor, and then there's you just waiting to be saved. Ngunit hindi ganito ang naging plot ng buhay ni Carmela. Naipakasal agad siya sa murang edad... But...