29.
“WHERE THE HELL ARE YOU??!”
Shit. Agad akong dinapuan ng kaba.
“Ba-Bakit?” pilit kong nilalabanan ang panginginig ng aking boses.
“Anong bakit? NASAAN KA?!” sigaw nito sa kabilang linya.
Bakit ba ganyan siya kung makapagsalita sa akin? Samantalang kapag sila ni Brianna ang magkasama ay parang napakahinhin niya at may pangiti ngiti pang nalalaman. Muling nabuhay sa akin ang inis na panandaliang nakalimutan ko kanina. Nag init ang buo kong katawan at pakiramdam ko na talagang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo.
“BAKIT? ANONG PAKIELAM MO GIAN HA? MAGSAMA KAYO NG BRIANNA MO! Tutal naman.. YOU LOOK PERFECT TOGETHER.” Kinuha ko ang kaninang linya ni Mitch at agad ng pinutol ang linya.
Kung may nagustuhan man ako sa aking pag inom, ito ay ang biglang pagkakaroon ko ng lakas ng loob. Bahala siya maghanap sa akin. But I’m sure hindi naman niya ako hahanapin. Sinisigurado lang niya kung nasaan ako para kapag nagtanong sina mama ay may isasagot siya sa kanila.
Bumalik ako sa tabi ni Andy na hindi pa din magkamayaw sa pagsasayaw.
“Sino yung tumawag?” tanong ni Andy.
“Wrong number.”
“Tara sa dance floor!” yaya ni Mitch nang hindi na mapigilan ang sarili na sumali sa baba.
Nagpatianod na lang ako sa pagkaladkad sa akin ng dalawa. Ilang sandali pa ay narating namin ang dance floor na halos hindi na mahulugan ng karayom dahil sa dami ng tao. Naghahalong alak, sigarilyo at pawis ng tao ang amoy dito sa baba ngunit kahit ganon ay nararamdaman ko ang enjoyment ng bawat isa na nandito.
Kumuha si Andy ng 3 shot glass sa waiter na dumaan sa gilid namin. Binigay niya sa amin ang bawat isa.
“For your first bar experience girls. CHEERS!” at walang pag aalinlangang nilagok ni Andy ang alak.
Kahit hindi ko alam kung anong klase at pangalan ng alak na ito ay ganun din ang ginawa ko. Agad akong ngumiwi nang mabilis na kumalat sa bibig ko ang mapait nitong lasa. Kakaiba din sa pakiramdam nang maramdaman ko ang mainit na paghagod nito sa aking lalamunan.
Mas naging malilikot ang mga tao nang matapos tumugtog ang banda nina Kristoff at napalitan ng trance music ang buong bar. Lahat ay nagkakasiyahan na. Eto na yata ang sinasabi nilang peak time ng bar dahil wala ng pakielam ang iba sa kanilang paligid. Pati sina Kristoff ay bumaba na ng stage at nakisali na din sa dance floor. Nakita ko na agad si Jeff na may kasayaw na matangkad at morenang babae.
Hindi ko na din mabilang kung ilan na ang naibigay na shot sa amin ni Andy at alinman sa mga inuming iyon ay wala akong maalalang pangalan.
“Grabe! Ang galing nyo, Kristoff my loves!” nakuha pa ni Andy na pasimpleng bumeso dito.
Ang baklang to talaga! Chachansing at chachansing kung may pagkakataon.
Hindi ko forte ang pagsasayaw pero dahil sa ingay at saya ng mga kasama ko ay nadadala na din ako sa kanilang pag indayog. Nakita kong gumiling si Mitch sa harap ni Dale at kita kong nabigla siya sa ginawa nito. Mabilis siyang tinalakan ni Andy dahil daw sa pang aagaw nito ng eksena. Napailing na lang ako at tumawa dahil sa walang katapusang labanan ng dalawa.
“Are you having a good time?” hindi ko namalayang lumapit si Kristoff sa tenga ko para mas marinig ko ang sinabi niya.
Kinilabutan ako sa ginawa nito. Agad akong lumingon sa paligid para hanapin sina Mitch. Ewan ko lang, pero mabilis silang nawala ni Andy at mukhang nadala na ng alon ng mga tao.
BINABASA MO ANG
That Kind Of Lovestory
General FictionAlmost all of us are hoping for that 'great' kind of lovestory. There's your knight in shining armor, and then there's you just waiting to be saved. Ngunit hindi ganito ang naging plot ng buhay ni Carmela. Naipakasal agad siya sa murang edad... But...