34.
Ngayon na malalaman ang result ng naging exam namin noong midterms. Nakakakaba syempre dahil dito ibabatay kung makakagraduate kami sa pagiging senior high o hindi. Wala akong ideya kung ano nga ba ang naging lagay ko sa aking exam dahil ‘yon ay ang panahon naglalaro na si Gian sa utak ko.
Nakipagkita muna ako kina Andy.
“Mars! You’re here!” sigaw ni Andy. Ganyan ang reaksyon niya kapag nakakakita ng mga hot boys.
“Huwag ka ngang sumigaw! Para kang timang.” siniko ko na agad bago pa ako mayakap.
Nandito kami sa soccer field kung saan lage kaming tumatambay. Kasama din pala niya si Mitch na mukhang nag iba na ang aura. Mas naging tahimik na siya ngayon. Gusto ko sana humingi ng sorry pero hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi din naman niya inuungkat kaya mas ayos na siguro na palipasin na lang muna ang isyu.
“I’m just so happy na makita kang buhay at naglalakad after mo makapasok sa gate ng school.” inakbayan pa ako. “Akala ko makikita ka na lang namin na chop-chop ang katawan at nakalagay sa maleta. Alam mo na.” tila nandiri sa ideya.
I’m telling you, hindi talaga naging madali ang pagpasok ko kanina. Kinelangan ko pang magsuot ng ballcap para lang walang makapansin ng mukha ko. Labis din ang takot ko sa tuwing may mapapalingon man lang sa akin. Kahit bawal akong tumakbo ay wala na akong choice dahil kelangan ko makapunta dito ng mabilis.
Bakit ba hindi na lang nila tanggapin na hindi na available si Gian? Kung makaarte sila akala mo naman si Gian na lang ang nag iisang lalaki sa mundo.
Matapos ng mahabang pagsasama namin ni Andy ay ngayon ko lang masasabi na kelangan ko siya sa mga oras na ‘to. Siya ang nagsilbing bouncer ko sa mga nangangating kamay ng mga babaeng fans ni Gian para lang makadampi sa balat ko. Si Mitch naman ay tila iwas sa pagkakalapit sa amin. Siguro ay gusto na din niyang makaiwas sa gulo hindi kagaya nitong si Andy na parang tuwang tuwa pa kapag may gustong lumapit sa akin at kunwaring hahamunin niya ng sabunutan. War freak, indeed.
Marami pang malalakas na bulungan ( sana isinigaw na lang nila ) akong narinig nang makarating kami sa bulletin board. Nakapaskil kasi doon ang listahan ng mga nakapasa sa exam.
“Andito na si Ella! Andito na siya!” sigaw pa ng isa na hindi ko naman kilala. Para siyang baliw na nagtatawag ng mga kaklase.
Oh well.. Wala na akong pakielam kung magkagulo man sila sa pagdating ko. Baka bigyan ko pa nga sila ng megaphone isa-isa para maging mas malakas ang usapan nila. These people should get a life!
“Pwedeng i-stalk mo rin ako?” sabat ni Jack. At nakangisi na parang aso. Pati ang mga kaibigan niyang hindi ko malaman kung kakambal ba niya dahil sa pare-pareho sila ng porma ay nagtawanan na din.
My goodness! Pumasok ako sa school para mag aral, hindi makakita ng mga mentally challenged na mga utak. Huminga ako ng malalim para labanan ang inis na nararamdaman. I chose this. So I will get used to this.
“E kung yang mukha mo ang inii-stalk ko?!” aakmang tutusukin ni Andy ang mukha ni Jack.
Maraming estudyante ang naroon para tingnan ang kanilang mga grades at kung pasa ba sila o hindi. Mas kinakabahan pa nga yata ako sa makukuha kong marka kesa ang makuyog ng mga babaeng ito na kanina pa masama ang tingin sa akin.
Lumapit ako doon at nahawi agad ni Andy ang dadaanan ko. Maraming umangal nang ginawa niya iyon. Andy is Andy. Isa siyang primadonna kaya wala ng naglakas loob para kalabanin siya. And I’m so thankful for that.
May isang mahabang papel na sadyang lumagpas na sa sukat ng bulletin board.
Gamit ang isang daliri ay inisa isa ko ang mga pangalan dahil sa maliliit na sulat. “Marquez.. Marquez.. Marquez...”
BINABASA MO ANG
That Kind Of Lovestory
General FictionAlmost all of us are hoping for that 'great' kind of lovestory. There's your knight in shining armor, and then there's you just waiting to be saved. Ngunit hindi ganito ang naging plot ng buhay ni Carmela. Naipakasal agad siya sa murang edad... But...