Chapter 3

144 1 0
                                    

3.

Kinabukasan ay naisipan ko nang mag grocery kahit mag isa lang ako. Pamula ng naging usapan namin ay hindi na muling lumabas ng kwarto si Gian. Kahit ako hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko pagkatapos niya sabihan ako na tila wala lang ako sa buhay niya.

Halos ibunggo ko na ang tulak kong push cart sa mga taong nakakasalubong ko. Is it my hormones? O talaga bang malaki ang naging epekto ng muling pagdating ni Gian?

“Tabi! Tabi!” diba siga lang ang peg? Mamaya pala maihampas ang marriage license namin sa kanya para naman medyo dalawin siya ng konsensya niya na may asawa siyang nagdurusa dito sa supermarket. Bwiset!!!!!

Kinuha ko ang earphones ko at kinalma ang sarili sa music sa cellphone ko.

∞We got this afternoon

You got this room for two

One thing I’ve left to do

Discover me

Discovering you

 

KABLAAAAAAAGGGGGG!!!

@%$^$^&^*&@@@$^^%!!!!!!

“AWW! ANO BA NAMAN YAN??!!” napahawak ako sa pwetan ko. Mabuti na lang ay hindi dumagan ang push cart sa akin.

May nakabangga akong tao nang lumiko ako papuntang meat section. Nasira ang pagsasoundtrip ko! Wala pa nga sa chorus e! Kabwiseeeeet!!!

Namutla ang lalaki sa harapan ko. “Uh. Miss, I’m really sorry. Hindi ko kasi alam na makakasalubong kita. Sorry talaga. Are you okay?” aakma pa itong tutulungan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig.

Hinawi ko ang kamay niya. “Okay your face! Mukha ba akong okay?! Syempre hindi! Bulag ka ba?!! Kita mo na nga nasaktan ako e. Alis diyan! Tabi! Bwiset!” agad akong tumayo at parang walang nangyari.

Pero sa totoo lang ay nasaktan ang balakang ko. Mukhang magkakapasa pa ang kutis ko. Paika ika akong naglakad palayo doon. Nakinig ko pang tinatawag niya ako pero ayoko na siyang makaharap kung sino man siya. Hindi talaga magandang ideya na umalis ako ng nag iisa. Lagi na lang nauuwi sa aksidente o may kinabubwisitan ako. Uwi na nga ako! My gosh!!!

Gwapo sana kaso bulag. Hindi daw niya ako nakita e anlaki laki kong tao ( wow kung makalaki naman ako? Hehe. 5’2 lang height ko ) at tsaka may dala pa akong pushcart para hindi nya makita. Ayyyy nakoooooo!!!!!!

“Makauwi na nga lang!! Urggg!” grabe din mood swings ko friendships diba. Hinayaan ko ang nagkalat na pinamili at push cart sa kung saan man sila tumilapon at nagmartsa na ako palabas ng supermarket. Kung may mga nakatingin man wala na akong pakielam.

Kinuha ko ang pera sa bulsa na kninang sukli sa jeep. "Eto po ang bayad." sabi ko sa taxi driver sabay baba ng taxi.

“O? Asan naman siya nagpunta??” kanina ko pa pilit binubuksan ang gate. Hindi ko dinala ang susi kasi ang akala ko walang balak umalis ng bahay si Gian tapos madadatnan kong naka lock itong bahay. Malas!

“Haaay! Mabuti sana hindi na lang ako lumabas! Malas nga yata ang araw ko ngayon.” bulong ko sa sarili.

Nagmukmok na lang ako sa pavement sa gilid ng gate ng bahay namin. Wala naman ako magagawa e kundi ang maghintay sa kanya kung saan man siya nagpunta. Gutom na gutom na din ako!!!!!!!!!!!

After 30 minutes, tumigil sa tapat ko ang isang sasakyan. Isang black Sedan at mukhang bago. Kahit wala akong masyadong alam sa mga sasakyan, alam na alam ko na mahal ang isang ito. Wow naman nakakapaglaway naman neto o. Kanino naman kaya ito?

That Kind Of LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon