33.
Siguro noong nagpasabog ang Panginoon ng lahat ng kagwapuhan sa mundo ay nakatulog itong si Gian sa labas. Sa sobrang gwapo niya, hindi ko alam kung legal pa ba na tingnan ko siya ng matagal. Literal na nalaglag ang panga ko.
Nakacoat siya at simpleng white shirt sa loob nun. Hindi ko pa din maiwasang pansinin ang perpektong pagkakagulo ng kanyang buhok. He’s just so capable of always taking my breath away. How can he do that without putting so much effort?
“Hi.” untag ko sa kanya nang hindi siya umimik at nakatingin lang sa akin.
“H-Hi.” nilagay niya ang magkabilang kamay sa kanyang bulsa at tila nahiya.
“Makiki hi na din ako!” agad namang sumingit si Andy at naglahad ng kamay kay Gian.
Hindi niya ito tinanggap. “And you are?” mataray niyang wika. Naalala kong hindi pa nga pala pormal na nakikilala ni Gian si Andy.
“Ah. By the way, si Andy. Friend ko. Nabanggit ko na siya sa’yo dati diba.. Andy, si Gian.”
Mabilis na nag iba ang anyo ni Gian. Matatawag ko na siya ngayong beast. Sexy beast dahil sa paraan ng pagtitig niya kay Andy. Siguro kung wala lang ako sa pagitan nila ay may pakiramdam ako na kanina pa nasakal ni Gian si Andy.
“Tayo na. Bilisan mo.” umirap pa ito at tumalikod na sa amin.
Ang sungit naman! Ni hindi man lang ako hinintay? Ngayon alam ko na, ganito pala ang date.
“Ang sungit naman! Kung hindi lang talaga gwapo yang si Gian, care ko magpacute ng todo sa kanya! Gosh!” pinaypay niya ang sarili dahil sa pang iisnab ni Gian.
Nag peace sign na lang ako. “Sorry. Sige una na ako. Hintayin mo na lang si mama bago ka umalis.”
“Hindi ako aalis no! Dito ako matutulog.”
“Bahala ka na nga. Bye!”
Nakakainis! Parang hindi naman umepekto ang pag aayos sa akin ni Andy. Ni hindi man lang nagtagal ang paningin sa akin ni Gian. Oo na. Hindi ako kasing ganda ni Brianna pero hindi naman ako ganon kapanget para isnabin niya ang itsura ko ngayon. Sobrang effort na nga itong ginagawa ko para kung may makakita man sa amin ay hindi ako mangliliit na kasama siya.
Jusko! Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto ng kotse! Umiral na naman ang pagkamasungit at pagka cold prince niya. Bwiset!
Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at nagsimula na siya mag drive ng walang imik.
“Gian, san ba tayo pupunta?” tanong ko.
“Kakain lang tayo. Tapos, iuuwi na kita. I have to get you home early sabi ni mama.” straight face pa din siya.
Kainis naman oh! Ano na naman kaya ang problema nito? Gwapo na sana. Napakamoody naman.
“Akala ko pa naman miss ako. Tsk! Ay ewan.” bulong ko sa sarili. Humalukipkip na lang ako at tumingin sa mga nagdadaang sasakyan.
Tumigil kami sa isang fine dining restaurant sa labas ng Metro. Isang malaking kahoy na nakaukit ang pangalang Mariana and Delfin’s ang nasa harapan na sa tingin ko ay pangalan ng restaurant. At pamula dito sa labas ay masasabing mamahalin ang presyo ng pagkain dito. Pero dahil binabadtrip ako ni Gian ay kakalimutan ko muna ang pagiging fines at kakain talaga ako ng madami. Uubusin ko ang laman ng wallet niya dahil oorderin ko talaga ‘yong mamahalin. Akala naman niya!
Hindi siya kumikibo kahit pinatay na niya ang makina ng sasakyan kaya ganon din ang ginawa ko. Makailang beses ko din narinig ang malalakas niyang buntong hininga. Mabango naman kaya walang probelma.
BINABASA MO ANG
That Kind Of Lovestory
General FictionAlmost all of us are hoping for that 'great' kind of lovestory. There's your knight in shining armor, and then there's you just waiting to be saved. Ngunit hindi ganito ang naging plot ng buhay ni Carmela. Naipakasal agad siya sa murang edad... But...