Chapter 8

149 1 0
                                    

8.

Nakakapagod din pala ang matulog ng maghapon. Nakakasakit pala talaga ng ulo! Ngayon Sunday na, matutulog na lang ba ulit ako? Ganun na nga.  Wala naman ako magagawa e.

Una, wala akong kaibigan well maliban dun sa isang baklang hitad na si Andy. Sobrang mahirap kasi para sa akin ang makabuo ng friendship sa isang tao. Dahil noong bata pa lang ako palipat lipat na kami ng bahay. Yeah right. Mukha ngang halos nalibot na namin ang mapa ng Pilipinas dahil sa kalilipat ng bahay dahil sa trabaho ni Papa na architect. Mahirap dahil sa iba’t ibang lugar siya nadedestino. At nasabi ko naman sa inyo na nitong later part lang din umasenso ang negosyo namin at wala din nangyari dahil namatay naman si Papa. Hindi na niya makikita kung ano ang bunga ng lahat ng paghihirap niya. Ngayong si mama na ang humalili sa kanya.

Magiging proud pa din kaya ang tatay ko sakin kapag nalaman niyang nagpakasal ako sa isang walang kwentang tao? Pero gwapo naman kaya okay na din.

Kaya ayon, parang nakasanayan ko na ako lang mag-isa. Mabuti na din kasi na ganon kesa naman makikipagkaibigan ka tapos iiwan mo din sila. Dahil sa sobrang lungkot na nararanasan ko tuwing iiwan ko mga kaibigan ko dati, medyo naimmune na din ako sa sakit at might as well na to not involve myself kahit kanino man. Kaya eto, loner ako lage. Pero happy naman ako kasi wala akong care kanino man.

At pangalawa, tamad lang talaga akong bata. Tamad akong makipagsocialize. E anong magagawa ko? Ayan tinatamad na naman ako magisip. Hehe. Churi.

Kinatok ako ni Gian sa kwarto. “Ella, aalis ako. May meeting ang council. Alam kong gising ka na kaya bumangon ka na diyan. Nagluto na ako ng  breakfast.” cold tone as it is.

“Anyenyenye.. Whatever. Sunday na Sunday ng umaga may meeting?! Anu naman pagmimeetingan nila? Grabe. Daig pa nila Malacañang kung magtrabaho ah.” bulong ko sa sarili.

Ginawa ko din ang sinabi niya, bumangon na ako at nagpunta na ng kusina para makakain na. Sayang at baka lumamig lang ang pagkain.

“Hello.” habang nilalantakan ko ang niluto niyang bacon.

“Mars!!!!!!” o edi wala na akong nagawa kundi ang tawagan si Andy dahil wala akong makakasama dito sa bahay. Pero sabagay kahapon parang wala din naman akong kasama dahil hindi kami nagiimikan ni Gian.

“Anong ginagawa mo bakla?”

“Nagawa ng assignment.” halos pabuntong hininga niya itong sinambit.

Gusto ko maihi sa pagtawa dahil sa narinig ko dahil hindi naman siya ganun e.

“End of the world na ba?! O baka naman hindi ikaw si Andy??”

“Grabe ka naman sa akin Mars. Syempre hindi ko to kagustuhan. Si mudra kasi e! Pinapatapos muna sa akin to tsaka niya lang ako papayagang umalis.” Alam kong busangot na ang mukha nitong kausap ko sa kabilang linya.

May naisip akong idea!

“Tatawagan ko na lang si tita.”

“Bakit naman aber?”

“Sasabihin kong may date ang anak niya.”

“Ako?! Wala naman akong date ah! At kung ipapadate mo ako, gusto ko ung hot ha.”

“Shunga! Sa akin ka makikipagdate! Ako ang nagiisang girlfriend mo no!”

“Ikaw lang pala. Akala ko naman—“

“Ayaw mo bang makalabas diyan? O sabihin ko na lang kina tita na may anak silang—“

“OO NA!! Ang hilig mo ding mangcharing no!?”

“Syempre. Ako pa ba?” ang galing ko talaga no?

At nakalabas na din si Andy sa kanila at ako naman nagaabang dito sa bahay namin dahil susunduin niya ako gamit ang kotse niya. Syempre wala akong sasakyan kaya eto pa din ako nakikisakay kung kanikanino. Kelan ba kasi ako bibigyan ng sasakyan nina Mama?!! I want!

That Kind Of LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon