Chapter 12

117 1 0
                                    

12.

“Sit here.” Dinala ako ni Gian sa bandang gilid sa harapan. At kung paano niya nagawa iyon ay hindi ko din alam.

Alam kong may magaganap talaga ditong meeting dahil sa projector na nakaset up na sa isang table. At isang puting screen sa harapan. Siguro they rented this place para lang sa affair nila ngayong araw. Ganan sila kagrandyoso. And to think na sina Gian ang may ari nitong hotel, maaaring sila lang ang pwedeng mag accomodate dito.

Napabuga ako ng malakas dahil sa pagpipigil ng hininga. Buti na lang ay wala pa masyadong tao kundi baka may nakapansin sa ginawa ni Gian. At si Kai? Naiwang nakaawang ang kanyang bibig dahil sa ginawa ng mayabang na si Gian. Pati din naman ako nagulat din sa ikinilos ni Gian. Bakit ba nagakakaganun siya? At unang una, hindi ako ang lumapit kay Kai!

Ano bang ibig sabihin ng mga kinikilos niya? Ibig sabihin ba tototohanin niya na yung ‘stick with me’ epek niya? Hindi pwede yun! Malalagot kami kina mama! Akala ko pa naman ang talino ng halimaw na ito.

Pinagmasdan ko na lamang siya. Ang nakakainis pa, parang walang nangyari kanina at kampanteng kinikuha niya ang laptop sa dala nitong bag. Pero jusko! Ang kagwapuhan niya hindi pa din kumukupas.

At ano naman ang gagawin ko dito?! Oh noes!!!!!! Hindi ako pwedeng makatulog dito.

“Gian... dun na lang ako sa likod.” Mahina pero sinigurado kong dinig niya ako.

Baka kasi may makarinig sa pagbanggit ko sa pangalan niya na parang close talaga kami. Mahirap na.

“No.” Hindi niya ako tinitingnan at busy pa din sa pagseset up ng mga gagamitin niyang paraphernalia mamaya.

“Eh—baka mahalata nila...“

“Ang alin, Ella?” sa puntong ito ay nandiyan na naman ang mga mata niyang nang-uusig.

Ang anu nga ba?

“Ang ano... na... Na kung bakit ako nandito. Baka magtaka sila kung bakit nandito ang isang kagaya ko. Kaya dun na lang ako siguro sa likod.” Nagpapacute na ako dito baka umubra e.

“I said no. Or—baka mas gusto mo lang talaga tumabi sa Kai na iyon?” Bigla na namang dumilim ang aura niya.

Sa suot nitong puting long sleeves na nakatupi muli hanggang siko at faded jeans, maiisip kong pictorial ang pinunta niya dito at hindi isang conference.

Masyadong masakit sa mata ang nakikita kong kagwapuhan ni Giab. Nilingon ko na ang kinaroroonan ni Kai. Ayon at masama na din ang tingin sa amin. Yung totoo? Ano bang meron sa dalawang ito at parang ang init ng dugo nila sa isa’t-isa? Dapat nga magkasundo sila at parehong mataas ang posisyon nila sa council. Naisip ko, paano kaya sila nakakapagusap ng maayos kung sa titigan pa lang nila e mukha na silang nagpapatayan?

Hindi na lang ako nagsalita. Baka kung ano pa kasi ang iparatang nito sa akin. Grrrr..... Nakakainis! Daig pa ang may buwanang dalaw!

“Hi, Gian!” patakbo at halos madapa na ang babaeng palapit kay Gian. “I told you sa room ko na lang ikaw dapat natulog. Where do you sleep last night ba?” humalik ito sa pisngi ni Gian at pumulupot na parang sawa.

The nerve!

So hindi sila magkasama sa kwarto kagabi?!!!

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa ginagawa ng babae pero ang sobrang nagpapakulo ng dugo ko ay ang pagpayag ni Gian sa kung anumang pang aakit ng babae. Muling nanlamig ang sikmura ko.

PDA masyado! HELLO ANDITO KAYA AKO SA HARAPAN!!!!!

Inirapan ko na lang si Gian nang alam kong sa akin na siya nakatingin. Batuhin ko kaya siya ng tsinelas?! Kabwisit ang aga aga e!

That Kind Of LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon