Chapter 4

155 1 0
                                    

4.

“OH MY!!!!!!! LATE NA AKO!!!!”

Dali dali akong naghanap ng taxi para makaabot sa 1st class ko sa 1st day of school na mukhang hindi ko pa aabutin!

Hanep kasi yang prinsipe ninyo! Hindi man lang ako ginising at ayun nagiwan pa ng note na gagabihin daw siya mamaya. Humanda siya sa akin mamaya! Matitikman nya ang bagsik ng powers ko! Pinsan ko yata si Pacquiao. Hinde. Joke lang. Grrr....

Hindi din kasi kami nagsasabay pumasok sa school para hindi malaman ang malaki naming sikreto. Pero kahit na! Sana man lang ginising niya ako kanina!!

Mabuti siya may kotse e ako, wala! Commute everyday dahil hindi pa ako marunong magdrive! Jusmiyo!

Simula ata nang dumating yang si Gian lage na ata akong mukhang sinasapian ng kung anong masamang espirito. Dahil sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos e lage na lang kami may away.

Hindi naman ganito dati.

Sana nga bumalik na lang yung dati na peaceful lang lage sa bahay. 

“Manong, wala na bang ibibilis yan?” jusko! Unang araw yata ng klase e sa guidance ang bagsak ko!

“Rush hour neng kaya ganito talaga.”

Aba? At sumasagot pa talaga si manong.

“TABEEEEEEEEE!!!!!!” shocks! Bukas na bukas na ang vocal cords ko dahil kanina pa ako sumisigaw.

Sana naman umabot ako!!

Ilang minuto na lang... 2 minutes! Paabutin ninyo lang ako Lord, pramis hindi na talaga ako kakain ng junkfood sa gabi.

Ayun! Malapit na room ko! Nagbell na din at hudyat na ng pagsisimula ng klase.

Aabot ako! Aabot ako! Ayan na!

“@$#%^%&*&$#^$@#@!!!!!!”

Kapag nga naman sinuswerte.......... nasa pinto na e!

Nabulagta ako dahil sa pagkakabunggo sa isang malaking tao. Oo. Kelangan ko na nga yata magpatingin sa mata at lage na lang ako nabubunggo ng ganito.

“Miss are you okay?” sounds familiar.

“ARAY HA! EWAN KO SA’YO! BABUSH!” gusto ko sana palampasin ang nangyari dahil sobrang malilintikan ako at nakikita ko na malapit na ang pinakagurang kong titser. Baka masabon na naman ako ng maaga.

“W—Wait! I have something and I think it’s yours.”

Wooppps... anu daw??? English na naman e. Bagay na akin daw? Ay oo. Paulit ulit neng?

At inabot niya sa akin ang wallet na pinaglalagyan ko ng mga id’s, mga cards ( mostly mga advantage card lang ), resibo ng kung anu-ano  at ng pinakatagu-tago kong... 100 dollar bill na bigay pa sa akin ni papa. Hindi ko ginagastos yun. Souvenir din kaya.

At paano naman to napasakanya?

Mukhang hindi naman siya snatcher, at kung snatcher man siya ang gwapo naman niya.. I mean, bakit niya pa to isasauli? Sabagay wala naman tong laman maliban nga sa mga id’s--  ID’s???

“B—Bakit na sa’yo to???” parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig. Negative zero.

Nakalimutan kong andito pala ang mga importante kong id na nakadikit ang apelyidong Villaruz! Pati ang marriage license ko andito din!

“Ako nga pala yung nakabangga mo sa supermarket the other day, remember?” nakingiti pa ang ugok na to.

May nangyari bang ganun? Ah oo. Tanda ko na. Nasapol ko bigla ang noo ko.

That Kind Of LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon