Before anything else. Imagination lang to guys. Di totoo ang mga mangyayari. Sana walang magagalit o magagalit sakin haha ok guys.
Gelyn's POV
asan na ba kasi yun? Sabi niya 10 am daw ehh 11:30 na. Niloloko ba ako ng lalaking yun.? Tae naman yung pinakaayaw ko kasi sa lahat eh pinapahintay ako.
" hey G, sorry nalate ako . Sorry talaga. Happy 3rd anniversary!" Sabi niya tsaka binigay yung bouquet ng flowers
" kainis ka , bakit ba kasi ang tagal mo? " sabi ko tsaka nag pout
Niyakap naman niya ako " sorry na ok? Di na mauulit may dinaanan lang kasi ako."
Kainis naman to. Bakit ba kasi nawawala agad yung galit ko pag nagiging sweet siya saakin.
" im sorry D sinungitan nanaman kita, happy anniversary din. I love you !" Sabi ko tsaka mas lalong hinigpitan yung pagkakayakap ko
" ang sweet naman ng girlfriend ko. Kaya mahal na mahal ko siya!" Sabi niya. Tae. Sweet words. Tama na yan.
" nga pala may ibibigay pa ako!" Masigla niyang sabi pero nanlalamig siya tsaka parang nanginginig yung kamay niya. Kinakabahan siya.
" ok ka lang? Nanginginig ka." Sabi ko pero ngumiti lang siya .
Nilabas niya yung isa niyang kamay na nakatago kanina sa likuran niya. And nagulat ako sa nakita ko. its a Doll.
Binigay niya ito saakin pero bigla ko nalang itong tinapon sa kalsada. May phobia kasi ako sa mga manika. Ewan ko bakit basta ayoko sakanila. Ayokong makakita ng manika. Feeling ko kasi namamatay sila ng tao.
Pero mas nagulat ako ng tumakbo si Darren sa kalsada para kunin yung doll.
" Darren!!" Sigaw ko nang biglanh may bumungong truck sakanya.
Tumakbo ako palapit sa kaniya . Nakahandusay siya at puno ng dugo. At yung doll hawak hawak niya.
" D, gumising ka please. Please wag ka naman mag joke ng ganito kasi di nakakatuwa. Huy D , gumising ka kundi break na tayo!" Pag pupumilit ko sakanya tsaka inalog alog pa siya pero walang nangyari.
May ambulance din na dumating at dali dali siyang ikinarga at hinatid sa pinakamalapit na hospital. Habang nasa loob kami ng ambulance di ko binitawan yung kamay niya. Paulit ulit ko siyang kinausap na gumising na siya pero wala eh.
" D, naman oh wag mo na kasi akong pahirapan gumising kana please. " kanina pa ako iyak ng iyak pero andami parin ng luha kong lumalabas
Bigla namang humigpit yung pagkahawak niya sa kamay ko. Gising siya. Minulat niya yung mga mata niya. At may tumulung luha dun kaya mas lalo akong naiyak. Tae naman oh dapat masaya kami ngayon di yung ganito.
" G, face your fears kaya ko binigay sayo ang manikang ya para mawala ang takot mo. Please sana naman alagaan mo yan. Yang anak natin. Mahal na mahal kita G. " sabi niya. Ano ba naman to. Bat ganto.
" D naman ehh oo promise aalagaan koto pero dapat dalawa tayong mag aalaga sa anak natin. Diba. Di mo naman ako hahayaang mag isa. D naman lumaban ka. !" Pakiusap ko sakanya
" G, inaantok nako . Pwede na ba akong matulog?" Tanong niya
Umiling ako ng umiling. " mahal kita D at alam kong inaantok ka pero please wag mong ipikit yang mga mata mo please . Wag mo naman akong tulugan. Please " paki usap ko.
" matutulog lang naman ako. Pinagbabawalan mo pa ako. Di naman kasi ako mambabae matutulog lang." Tae nagawa niya pang magbiro.
" pls wag.." paki usap ko pero ipinikit na niya yung mga mata niya.
" Darren lumaban ka please. mahal kita." Bulong ko
Nang makarating kami sa hospital agad siyang idinala sa emergency room pero maya maya dumating na yung doctor.
" im sorry miss pero its too late. masyadong maraming dugo ang nawala sa pasyente . Di na namin siya nailigtas. Im sorry but hes dead. Condolence.
No. No. no. Hindi totoo yan. Natutulog lang si Darren .
" NO HINDI PO. SABI NIYA MATUTULOG LANG SIYA. TEKA PO PUPUNTAHAN KO SIYA GIGISINGIN KO SIYA. PROMISE PO NATITULOG LANG SIYA. PLEASE GISINGIN NIYO NA OO SIYA. " sigaw ko tsaka tumakbo papasok ng ER
nakita kong may nakatakip na white cloth sa kanya. At ayun nga di ko na napigilang di umiyak. Bakit ang unfair naman. Bakit kinuha niyo siya agad .
" im sorry D dahil saakin nawala ka. Im really sorry!" Hikbi ko saka hinalikan siya sa noo.
Im sorry.
" ahh excuse me maam. Sa inyo po yata tong manika!" Sabi ng usang nurse saakin tsaka binigay yung manika.
Tinitigan ko ito. Sabi ni Darren face your fears now i am.
" D, gumising ka na naman oh. Di nako takot sa manika. See natupad ko yung hinihingi mo. Please naman sabi mo matutulog ka lang pero bakit di ka na gumising?" Bulong ko.
May napindot naman akong parang button sa bandang dibdib ng doll kaya natapon ko ito.
May nalaglag mula sa pocket ng damit niya. Nilapitan ko ito para kunin.
Singsing?!
Pinulot ko na ulit yung doll.
Bigla siyang nagsalita.
Will you marry me?
Humagulgol na ako sa pag iyak ng marinig ko iyon.
Sana pala di ko tinapon tong doll sana buhay pa si Darren.
Eto na yung dream ko ehh marrying him pero wala na. Kasi wala sa siya.
Guys omg! Last na to di na mauulit. Tae . Haha dedicated to myself haha. Sorry po. ✌✌