hot choco

478 21 1
                                    

Camille's POV

Nakaka badtrip naman to! Ang aga aga eh sinalubong naman ako ng ulan. Haisstt ayan tuloy nabasa yung pants ko pati na yung sapatos tsaka bag ko. Naman eh ! Pano kung nabasa yung clearance ko dito sa bag?! Isa pang nakakainis eh yung pinabalik pa kami dito para sa clearance na to kainis  -_-

" Camille! Thank God you're here!" Sabi ng bestfriend kong si Heidel

" hays nandito nga minalas naman!" Sabi ko sakanya. Alam niyo yung feeling na yung suot mong pants basa na as well as yung sapatos mo hayysss

" tanga , ba't ka kasi nag pants tsaka sapatos eh alam mo namang uulan! Buti pa ako nag skirt tsaka sandals.

" eh malay ko ba kasi na uulan pala! di naman kasiako nanonood ng tv ano!!" Pagdadahilan ko.

" tsk tara na nga punta muna tayo dun sa canteen bili tayo tas punta tayo sa room nandoon na rin naman si maam" sabi niya tsaka hinatak ako papuntang canteen.

Hot choco lang yung binili namin. Kasi nga diba malamig.

Papunta na kami ng room ngayon nang biglang may nakabunggo sa akin!! Fudge!

" ouch!!" Sabi niya

Hala natapunan ko siya ng hot choco!! Patay! sobrang init pa naman yun.

" hala kuya sorry po talaga na dumihan po kayo tsaka napaso! Sorry sorry talaga. Di kasi ako tumingin sa dinadaanan ko !" Paliwanag ko sa kanya.

" di ok lang kasalanan ko rin naman eh di ako tumitingin sa dinadaanan ko tsaka ok lang kasi jacket lang naman tong natapunan" sabi niya. Hays buti nalang talaga mabait siya.

" ahh naku ganon ba? Thank you kuya ha tsaka sorry na rin. " sabi ko ulit.

" sige ok lang alis na ako! " paalam niya tsaka nag patuloy siya sa paglalakad tsaka pumasok sa canteen.

Waaaaahhh ba't ang malas malas ko T_T

" hala bff! Swerte mo naman sa nakabangga mo kanina!!" Siniko ako ng best friend ko

" animong swerte dun? Eh natapunan ko na nga siya eh. Huhu ang clumsy ko naman ngayon!" Inis kong sabi tsaka padabog na umupo sa bakanteng upuan dito sa loob ng room . Yung ibang classmates naman namin nag chichikahan lang rin. Kaya ang ingay dito sa kwarto buti nalang at umalis sandali si maam kundi sermon ulit abot namin.

" eh kasi naman ang gwapo niya kaya tas gentleman pa! Yang yung mga type ko eh!" Sabi niya na tila ba ay iniimagine niya yung mukha ng lalaki kanina.

May itsura naman talaga siya kanina pero di ko na agad napansin yun no!? Nagpanick utak ko kanina eh.

" oh edi sayo na kung type mo!" Sagot ko naman sa kanya

She gave me a deadly glare " patapusin mo muna kasi ako! Nubayan!" Sabi niya

" oh speak!"

" yun yung type ko PARA SAYO!! gets mo?" Pinandilatan niya ako ng mata. Katakot naman to!

" haha ikaw dami mong alam! Kung nagpapirma ka nalang sana ng clearance kay maam para makauwi na tayo ano? " sabi ko sa kanya

" tss change topic! Akin na yang clearance mo! Kung di lang sana ako maganda eh! " sabi niya tsaka naglakad papunta kay maam. Baliw eh.

Mga 4 na kami nakauwi . Tsaka ako? Mas lalong minalas pano nasira payong ko kaya sumugod ako sa ulan . Naligo tuloy ako ng wala sa oras ! Waahhh i really hate this day! Tapos pag sapit naman ng gabi nilagnat ako sumabay rin yung sipon hays. Di nanaman ako makakatulog neto! Buti nalang talaga at wala nang pasok makapag pahinga na ako.

Darren Espanto // one • shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon