For @btrcefrrr1 :))
" sige na Bea, doon nalang kami sa bahay niyo gagawa ng report!" Pagpupumilit ng kaklase kong si Jassy.
Napakamot ako ng ulo. " teka lang itatanong ko muna kay mama kung pwede. " sabi ko sa kanila bago dinial yung number ni mama.
Kinausap ko si mama at pumayag naman siya. Di naman kasi siya kj. Lalo na at alam naman niyang project namin yung gagawin sa bahay eh wala namang problema sa kanya.
" pumayag si mama pero wala tayong sasakyan. If you want then mag co commute tayo " sabi ko sa kanila.
" no worries B, susunduin tayo ng sasakyan nila Marie. " wow planado na pala lahat eh ano?
Well, ok lang naman saakin na pumunta sila ng bahay. Buti nalang talaga at nakapag linis ako kahapon. Biglaan ba naman. Tsaka narami kami mga 15 . Pero stillok pa rin kasi dito yung crush ko. Si Darren.
Actually ngayon ko lang siya naging kaklase kase transferee siya sa school namin. Di kami masyadong close pero parating nagkakaasaran.Yung tipong bigla ka nalang titingnan ng masama tsaka pipikunin tas kapag galit ka na eh tatawa nalang bigla. Hays ewan nga. Minsan iniisip ko baka crush niya rin ako eh pero alam ko namang malabo.
Nang makarating na yung sasakyan ng kaklase ko pumwesto kami sa likuran ng pick up yung sa labas talaga. Kasama yung ibang kaklase kong babae tsaka yung mga lalake. 9 kaming girls tsaka 6 yung boys.
Nice lang talaga dahil magkaharap kami ni Darren. Tas yung bestfriend kong si Elle eh asar ng asar saakin . Siya ang dahilan kung bakit ako nagka crush kay Darren. Asar kasi ng asar . Nung una kasi sila talaga ni Darren yung inaasar ko kaso bumaliktad eh.
" yiieee Bea ohh!" Sabi niya sabay siko saakin.
Tiningnan ko ng masama " hoy wag ka if i know" sabi ko sabay taas ng kilay sa kanya.
" tara na punta na tayo ng hanging bridge mainit na kasi mamaya!" Sabi ko sa kanila.
Habang naglalakad kami ay tumabi naman siya sa akin. Tahimik lang siya habang nakikinig sa music sa phone niya.
" ba'tka naka shorts?" Bigla niyang tanong . Napaharap naman ako sa kanya.
" ha?" Tanong ko sakanya. Tumingin lang siya saakin tsaka naunang naglakad. Sungit!
Mga 5 mins yung lakad namin bago marating yung bridge. Tapos may part talaga na madulas. Buti yung mga kaklase ko eh kaya nilang i balance yung sarili nila para di sila madulas pero ako hinde eh.
" uyy dahan dahan lang madulas !" Sabi niya saakin tsaka hinawakan yung braso ko para alalayan ako.
" hala teka parang madudulas na talaga ako !" Sigaw ko. Tumawa naman siya " kaya nga dahan dahan lang ,hinahawakan naman kita eh " sagot niya.
" wow wow !" Pagpaparinig naman saamin ni Elle. Nasa unahan na kasi sila.
Nang makarating kami sa bridge eh di na nila sinayang yung oras nila . Tumawid sila eh ako di ko kaya kasi matatakutin ako sa matataas kaya nagpaiwan nalang ako. Eh sakto nahilo yung isa kong kaklaseng lalaki si Ron, yung bestfriend ni Darren.
Umupo nlang kami sa hagdan ng hagdan ng bridge tsaka nag usap kami habang sila eh nasa kabilang dulo.
" crush mo daw siya !" Sabi ni Ron saakin.
Napailing nalang ako " tsk loka loka talaga si Elle gumagawa ng kwento langya!" Natatawang sabi ko
" weh? Pero bagay naman eh tsaka simula ng magbreak sila ng girlfriend niya eh wala din naman siyang natutipuhan kaya malay mo !" Sabi niya saakin. Naks supportive !
" eh? Anong gusto mong iparating?" Tanong ko. Kaso ngumiti lang siya.
" uyy shet! Kaya pala wala kayong dalawa nagdedate kayo dito!" Sigaw ng isa ko pang kaklaseng babae.
" loka! Nahihilo siya sinamahan ko lang!" Sagot ko. Nakita ko naman si Darren at Elle na sabay naglalakad papunta sa amin habang nag uusap. Nagtatawanan pa sila. Buti pa sila close.
Siniko naman ako ni Ron " selos"
" asa" sagot ko tsaka tumingin kay Elle. Sakto naman nakatingin din siya saakin tsaka nia ako kinindatan. Umupo siya sa left side ko tapos si Ron sa right side ko kaso biglang sumingit sa gitna namin si Darren.
"Uyy picture tayo!" Sabi ni Jassy.
" yung phone ko nalang !" Sagot naman ni Darren tsaka niya inilabas yung phone niya at ibinigay sa kaklase namin.
" Smile!" Sigaw niya. Nagulat naman ako ng isiniksik ako ni Elle kay Darren at ganon rin ang ginawa ni Ron. Parang patty tuloy kami tignan ni Darren.
" uyy grabe ang sikip!"reklamo ko ngunit di nila ako pinansin.
" smile na dali" sigaw ni Jassy. Yiiee magkatabi kami kyaahh
Nang pauwi kami ay umulan. Wala kaming dalang payong! Yung iba may cap at jacket pero ako wala kaya tumakbo nalang ako para di ako gaanong mabasa.
" B!" May sumigaw sa likuran ko. Si Darren. May hawak siyang jacket niya. Inilagay niya iyon sa ulo ko pero nakikisilong pa rin siya in short share kami. Tas naka akbay pa siya.
" whoooo kinikilig ako sa lamig!" Sigaw ni Elle sa likuran namin kaya napa ngiti ako. Kinikilig ako grabe. Ang saya ng araw ko!
Pagkarating namin ng bahay ay agad na binigyan ko sila ng towel buti nalang at may extra silang damit na dala.
" dito lang muna kayo ha. May kukunin lang ako sa kusina " paalam ko sa kanila. Nagtimpla kasi si mama ng hot choco.
Binigyan ko sila isa isa. Habang naka upo kaming lahat sa sala at umiinom ng hot choco. Nagkukwentuhan at nag aasaran lang kami hanggang sa nakita nila yung photo album ko. Shocks! nakakahiya yung hitsura ko lalo na nung maliit pa ako at wala akong damit habang naliligo. Damn! Nakita ni Darren super nakakahiya para saakin yun. Leche kasi si Elle.
" wew sexy ni Bea oh. Yan yung mga tipo ni Darren eh !" Sabi ng kaklase ko kaya nagsigawan sila. Mga hayup.
Kinabukasan pagkarating ko sa room eh nag chichikahan na yung mga kaklase ko. Nakapalibot sila at para bang ang saya saya ng punag uusapan nila. Nag aasaran pa kasi sila nang biglang nakita ako ni Ron. At ngumiti ng malapad.
" uyyy nandito na pala siya eh Darren " sabi nito
"Yiieeeeeeee" kantyaw ng mga kaklase ko pati si Elle.
Tinaasan ko naman siyang kilay.
" problema niyo?" Ang aga aga nang aasar. Bigla namang hinablot ni Ron yung phone ni Darren at mabilis na tumakbo papunta saakin.
" Ron!!" Sigaw ni Darren sabay tayo. Tumawa naman yung mga kaklase ko. At namula si Darren.
" B! Tingnan mo oh!" Sabi ni Ron saakin bago binuksan ang phone ni Darren.
Fudggeeeeee ><
What iz the meaning of diz!
Yung wallpaper niya ,yung picture naming dalawa na kinuha kahapon sa bridge. At naka crop pa talaga. Damn!
" sabi sayo eh!" Nakangiting sabi ni Ron saakin. Napatingin ako kay Darren namumula siya habang nakatingin saamin. Kyaahhh ><
Sabi ko na nga ba eh may crush din to saakin.
End.