Jhey's POV
" Jhey tara na kasi samahan moko sa plaza. " Si Darren yan best friend ko. Parang ewan din to eh. Ang laki na nagpapasama pa sa
akin. Napaka independent eh no? haha shh quiet lang kayo baka sabihin niya chinichismiss ko siya senyo." oh? Tapos anong gagawin ko dun? Mainit Darren jan ka nalang sa likod ng bahay mag basketball kung gusto mo. Malaki naman ang space jan tsaka di mainit.
" naman eh ! Jhey samahan mo na kasi! " hihi ang cute niya mainis ! Ang sarap kurutin sa cheeks.
"Mainit nga Ren diba? Mamaya nalang kasi!" Pagpupumilit ko
" tsk may bubong naman kasi dun. Tara na nga!" At ngayon hinatak na niya ako patayo. Tsk nagpapahinga yung tao eh bigla bigla nalang susugod dito at magpapasama.
" ano nanamang gagawin ko dun? Nakakabagot kaya!" Dahilan ko. Mas gusto ko pa volleyball eh
" edi i cheer ako. Nu pa ba? Ano pa't naging bestfriends tayo kung di mo lang rin naman ako susuportahan diba? Tsk swerte mo nga nagkaroon ka ng bestfriend na ganito ka gwapo tsaka mabait tsaka magalang tsaka masipag tsaka cute tsaka gwa—" sinaksakan ko ng chocolate yung bunganga niya. Daldal!
" napaka Conceited mo rin ano? Mahangin may bagyo!" Sabi ko tsaka naunang lumabas ng kwarto ko.
" uy Jhey san ka pupunta?" Pasigaw niyang tanong sakin dahil nasa labas na ako ng kwarto.
" sa cr baket mag babasketball bakit? Sama ka?" Pabiro kong sagot sa kanya
" ano? Basketball sa cr seryoso ka ba?" Sigaw niya pabalik sakin. Bopols.
" tanga! Edi sa plaza alangan naman sa cr ka magbabasketball saan mo iso shoot yung bola sa —" di ko na natuloy yung sasabihin ko ng takpan niya ng kamay niya yung bunganga ko. Tsk
" payag ka na? Sasamahan mo na ako?" Masaya niyang sabi.
" hindi, hindi kasi ako um-oo" sagot ko tsaka tinulak siya pero mahina lang naman.
" eh—"
" oo na kasi andaming arte eh tara na habang di pa ako humihindi!" Sigaw ko.
" yun!! Kaya mahal na mahal kita eh BESTFRIEND!" ouch. Yun eh hanggang dun lang ako. Nothing more nothing less. Alam niyo ba na mahal ko si Darren ? Matagal na. But nahihiya akong aminin sa kanya kasi natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Na baka pag nag confess ako ng feelings ko sa kanya lalayo na siya saakin. At yun ang pinaka ayokong mangyari. That's why nagtitiis nalang ako na hanggang bestfriend lang ako. Minamahal ko siya ng higit pa sa pagiging magkaibigan. Tsaka higit sa lahat may mahal siyang iba. Kaya eto ako taga support sa mahal niya. Hays, mahirap kaya ma friendzone. Nakakaiyak.
pagdating namin sa court walang tao. Dumiretso ako sa may bleachers ng covered court habang si Darren ayun naglalaro. Busy ako sa paghahanap ng music sa phone ko ng bigla akong tinawag ni Darren. Problema nito? Ay baka mahal na rin niya ako hehehe
" problema mo?!" Tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya.
" turu an kita mag basket" Napa ngiti ako sa sinabi niyang yun. Tuturu an niya akong mag basket. Ghad eto yung napapanood ko sa tv yung couple sila tapos tuturu an ni boy si girl na mag basket ang sweet diba.
" huy? Tulala? Sige na ano game?" Tanong niya habang tinaas yung bolang hawak niya. Teka ang hot pala nitong bestfriend ko. Naka jersey siya tsaka white plain na v neck t shirt at rubber shoes. Plus yung pawis niya emeged. Mainit
" a-ano.. si-sige game!" Wuuu di ako prepared pero para sa mahal ko GAME.
pumunta siya sa likuran ko syete. Tapos pinahawak niya sa akin yung bola tapos yung kamay niya nakapatong sa magkabilang kamay ko na nakahawak sa bola.