10 years ago...

521 28 9
                                    

Ok guys since i was really bored today. Let me share you a story..

Wanna know graceyy's story? Here ya go!

I was 5 years old back then. First day ng klase namin as prep. Haha grabe diba? Prep palang :)

Hinatid ako ni papa ng school because its our first day. Yung school namin was just few blocks away from our house kaya nilakad nalang namin. I still remember that time nung si papa pa yung nagpupusod ng buhok ko kasi nasa work si mama. When we reached the school nandoon na si lola teacher . Haha yan yung tawag namin sa nagtuturo saamin medyo matanda na rin kasi siya at the same time she treated us like her own granddaughters.

Iniwan din naman ako agad ni papa kasi magtatrabaho na din siya. I was outside with my classmates playing pero tinawag kami ni lola teacher to go inside our room. But nung nakapasok na kami sa loob bigla akong natakot ng makita ko ang isa kong kaklase na babae . Abnormal pala siya. Umiyak ako that time tapos sinabihan ko yunh teacher ko na uuwi ako. She told me na di naman daw badgirl yung classmate ko na yun pero takot talaga ako kaya wala silang nagawa kundi tawagan yung lola ko para sunduin ako sa school. Tapos pag dating ni papa pinagalitan niya ako ng sobra dahil sa ginawa ko.

The next day pumasok na ako. At nakita ko nanaman yung classmate ko na yun. Sobrang umiiwas ako sa kanya kasi natatakot talaga ako sa itsura niya. Feeling ko para siyang alien. Sorry pero maliit pa ako that time tsaka first time ko talagang makakita ng ganon kaya pagpasensyahan niyo na ako. Sinabihan ko pa nga si lola teacher na lilipat ako sa ibang upuan na medyo malayo sa kanya kasi nasa harapan ko siya.

So ayun nilipat niya ako sa kabilang table. At napansin ko rin na parang di ko kilala yung katabi ko. Mostly kasi kaming mga estudyante ni lola teacher magkakapitbahay lang kaya ayun.

Maya maya pa ay tinaeag ni lola teacher yung katabi kong lalaki. At pinapunta sa harapan sa tabi niya.

Pinakilala niya saamin yung boy. At nalaman ko na KYLE BRIAN yung pangalan niya O/////O

Well nung bata pa siya ang cute niya, tapos maputi at matangkad. Siya yata pinakagwapo sa mga classmates kong lalaki noon eh. Haha favoritism ba? :D

Friendly si Kyle kaya naging friends kami agad . I mean best friends kami. Oh diba?

Tapos one time noong uwi an na namin. Lahat na ng kaklase namin nasundo na pero si papa di parin dumadating. Nilapitan niya ako tsaka tinanong kung uuwi na daw ba ako. Tapos sinabi ko oo sana kaso wala pa si papa.

Sabay nalang tayong uuwi. Yan yung sabi niya saakin . At dahil gustong gusto ko na talagan umuwi edi sumabay na ako sa kanya . Pagdating namin sa may kanto yun na yung bahay nila . Nagpaalam siya saakin.

Kaso nga lang nay aso pala sa unahan kaya sinabi ko sa kanya na takot akong dumaan. So ayun lumabas ulit siya sa bahay nila tsaka niya ako hinatid sa bahay namin. Syempre mga 3 bahay lang naman yung pagitan ng bahay nila tsaka bahay namin kaya malapit lang. Diba ang sweet ni Kyle.

Tawag ko sa kanya noong bata pa kami Bry-bry. Tapos siya naman tawag niya saakin Gie.

Tapos nung time na sumabay siya saamin ni Papa papunta sa school tinanong niya ako

" Gie, ano gusto mo na gift para sa birthday mo?" Sabi niya

" Barbie!" Agad ko namang sagot sa kanya

" yung malaki o maliit?" Tanong niya ulit.

" yung malaki."

Tapos nung dumating yung birthday ko di siya dumating sabi ng lola niya sumama daw kasi siya kay mama niya na mamasyal.

So ayun edi wala siya. Pagkatapos nung party ko natulog ako. Hapon na ako nagising nun. Tapos nakita ko si mama sa tabi ko

" nandito Si bry-bry kanina kaso tulog ka. Hinatid niya yung gift niya sayo" sabi ni mama tsaka tinuro yung malaking barbie doll sa tabi ko.

Kung may tamang pag iisip na sana ako nung mga panahon na yun. Sigurado kikiligin ako. Kaya pala niya tinanong kung anong gusto kong regalo. Actually hanggang ngayon dito pa rin yung doll na binigay ni Kyle saakin. Inalagaan ko talaga siya ng mabuti.

Then nung graduation day namin. Ako yung may pinakamaraming awards. Not to brag guys. Si Kyle meron din naman syempre .

After nun lumapit saakin yung mama ni Kyle tsaka si Bry-Bry.

Binigyan ako ng mama niya nung coin bank na color green tapos yung design niya parang bag. Ahh basta ganon siya. Tapos nun nagpapicture kami.

Pero..

After nung graduation namin di ka na ulit siya nakita until i found out na umalis na pala siya. Sumama siya sa mama niya sa CDO kasi dun nagtatrabaho yung mama niya. Super akong nalungkot nung nalaman ko yun. Masakit at the same time kasi he never said goodbye . Basta basta na lang siyang umalis without even telling me. Mukhang OA ko na diba? Hello?? kaibigan lang naman ako right? Pero kahit na. Masakit parin yun sa part ko lalo na't siya yung besfriend ko.

Sabi nung lola niya nung nagpunta siya sa CDO kinakamusta daw niya ako. Eiisshh nakakainis naman siya eh. Matapos niyang mangiwan na walang paalam mangangamusta.

Pero kahit di yun nagpaalam di ko naman kasi matiis yun. Syempre mahalaga sakin yun eh. Best friend ko siya

Mahal ko siya.

Pero hanggang ngayon wala eh. Walang paramdam kahit hi o hello!! Hayss nakakamatay na talaga!!

Almost 10 years na akong umaasa na babalik siya. Pero ewan parang wala na talaga eh.

I don't know kung natatandaan pa niya ako. Kilala niya pa kaya ako??

Waaahhh this is Killing me.

That's why right now. I'm finding him. Ginagawa ko ang best ko para lang mahanap ko siya. Cause i badly miss him. Gusto kong makita itsura niya.

Bry - bry... sana mabasa mo to kahit alam kong malabo. Miss na kita. Sana mahanap na kita.

A/n: ehem haha alam kong boring to kasi puro lang siya kwento but TOTOO po ito. Naisipan ko lang tong i share sa inyo . Eto ang nangyari sa amin ng bestfriend ko. Ito rin ang dahil why i choose not to enter any relationship at kung bakit mas pinili kong maadik kay DARREN kesa sa iba. Hahaha nagmumukhang BITTER na ba ako guys?? Hays nagmumukhang tanga na nga rin ako eh no?? Hanggang ngayon kasi di ko siya makalimutan. I treasure him so so much that's why nahihirapan akong i let go siya . Ang echos ko leche hahaha pero yun nga. First love to eh . Nakakaiyak lang isipin.

Tingin niyo what should i do? I feel like i have to let go but the other part of my mind says i cant i should hold him haha kaloka. Osya comment your thoughts. Need yer help hahaha !!

Darren Espanto // one • shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon