test paper

633 33 2
                                    

Donamel's POV

"Ok class pass your papers to the center aisle.!" Sabi ng teacher namin pagkatapos naming mag short quizz

English class namin ngayon at eti na yung last period  namin .

Nag exchange papers kami sa kabilang side at kung minamalas ka nga naman ano ako pa talaga yung mag che check sa papel ng pinaka kinaiinisan ko sa room . si Darren.

Magkaaway kasi kami niyan sa lahat ng bagay. Ewan napaka immature napaka kupal bwiset na bwiset ako sa pagmumukha niya. Akalain niyo yun siya pa yung class president natin . Wow lang ha.

" ok check the papers correctly!" Sabi ni maam tsaka niya inumpisahang isulat yung answers.

Tss. Napapangiti nalang ako sa mga sagot niya tama sana kaso mali yung pagkasulat. Dapat yung first letter dapat big letter eh ginawa niyang small. Tss sorry siya pero wrong. Wala din siyang period sa ibang sentences. Hahaha tanga .

Nang matapoa namin yung pag check 4 mistakes lang naman siya . Whatever

Nang isauli na yung papel namin 5 mistakes ako at guess what siya din pala yung na check ng papel ko.

Ginawa ba namang freedom wall yung papel ko. Tapos ang gulo ng pagka check niya..

" ughhhh WHAT THE HELL DARREN!" sigaw na talaga yan para marinig niya ng mabuti

" ANO NANAMAN PANGET!" siya pa galit ngayon

" TAMA BA NA GAWING FREEDOM PAPER TONG PAPEL KO ?! KUPAL KA TALAGA KAHIT KELAN!" sigaw ko pabalik sakanya na center of attraction na nga kami sa sigawan namin

" IKAW NGA TO EH TAMA NAMAN TONG SAGOT KO PERO NI WRONGAN MO! DAPAT PERFECT TO. ANDAYA MO PANGET!" aba sumusobra na yata tong lalaking kupal na to .

" HOY DERP! KUPAL AT FEELING NA LALAKI MALI TALAGA YANG SAGOT MO KASI MALI MALI YUNG PAGKAKASULAT MO. " i rolled my eyes on him pero yung classmates namin nag eenjoy yata sa live show namin ni Darren

" HOY PANGET SINASABI MO BA NA TANGA AKO HA!!" namumula na rin yung mukha niya sa galit at sigaw

" OO TA------"

"Mr. Espanto and Ms. Juevescano alam niyo naman na bawal ang nagsisigawan sa loob ng room diba? The two of you proceed to detention room NOW!!" Hala pati si maam nagalit na tuloy kung di lang sana nambwiset si Kupal edi sana di ako madedetention ngayon. Kamalasan talaga .

" BWISET KA!" sabay naming sabi ng makalabas kami ng room

" KUNG DI KA SANA KUPAL DI TAYO MADEDETENTION/ KUNG DI KA SANA PANGET DI TAYO MAPAPARUSAHAN!" sabay naming sabi ulit

" excuse me?! Sino sinasabihan mong panget huh?!" Pinandilatan ko siya ng mata

" IKAW TANGA! alangan namang sarili ko ang sinasabihan kong panget diba? Sa mukha kong to? PANGET? " sabi niya habang tinuturo pa yung pagmumukha niyang sarap plantsahin

" Oo tingin mo gwapo ka? Saan banda? Kahit itanong mo kay Dora isama mo na si boots ang ang map di nila mahanap yung gwapo na sinasabi mo!" Sigaw ko pabalik sakanya kainis. Bwiset sa araw araw ba naman na ganito ang eksena namin ng kupal na to! Malapit na talaga akong mawalan ng dugo.

" ABNOY BAKIT KAY DORA KO PA ITATANING KUNG MARAMI NAMAN AKONG PAGTATANUNGAN DITO SA SCHOOL?! TSSK ANG BOPOLS MO TALAGA PANGET!" sabi niya tsaka tumawa ay binelatan pa ako.

Binato ko naman yung bag kong 5 kilo ang bigat sa pagmumukha niya.

" TAE NAMAN PANGET OH! SUMUSOBRA KA NA AH!" sigaw niya tsaka hinawakan yung pisngi niyang tunamaan ng bag kong puno ng libro. Buti nalang di nasira. Jansport pa naman to at kakabili lng neto last week.

"TALAGA! SUMUSOBRA TALAGA ANG GANDA KO. PINAGIISIPAN KO NGA EH KUNG SAAN KO PWEDENG I DONATE TO? SA MGA DI SINWERTE O SA MGA KATULAD MONG KUPAL!" hahaha akala niya huh!

" HOY DI KO NA KAILANGAN YANG ITSURA MO! SAAN BANDA YUNG GANDANG SINASABI MO? KAWAWA NAMAN YUNG MGA TAONG PAG DODONATAN MO SA HALIP NA GUMANDA PUMANGET PA!" balik niya sakin.

Pwee kung titingnan mo si Darren ok naman eh may itsura. May ilong may bunganga may mata may tenga tsaka may sungay. Meron ding buntot. In short may pagka demonyo . Akalain niyo ba naman yun pumapatol siya sa isang dyosang kautalad ko? Napaka gentledog niya tsk.

Hanggang sa makarating na kami sa detention room di paring tumitigil yung bangayan naming dalawa.

" PSSSSHHH TUMAHIMIK! TAE NA POPOLUTE ANG HANGIN! KELAN KA HULING NAG TOOTHBRUSH? YUNG TOTOO?" tanong ko sakanya

" OY PANGET SINASABI MO BANG BAD BREATH AKO?! DI MO MAN LANG BA NAISIP NA BAKA SA SARILING BUNGANGA MO NANGGALING YUNG AMOY NA YUN? TANDAAN MO MALAPIT SA ILONG MO YUNG BUNGANGA MO!" naiiling na sabi niya tsaka pumasok ng room . Sabihin ko lang senyo guys. Suki na kami ng detention dahil sa bangayan namin.

" hay mga batang ito oh ,nandito nanaman kayo?" Natatawang sambit ng guard na nakabantay

" si kupal kasi kuya eh!" Sabi ko tsaka ng pout

Tiningnan naman ako ni Darren ng masama. " tigil tigilan mo yang pag nguso mo . Mukha kng pato hahaha sabagay di ka naman kasi tao. " sabi niya na parang nag iisip. Jusko konti nalang magiging incredible hulk na talaga ako.







Darren Espanto // one • shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon