4>>

89K 1.2K 34
                                    

KIEFER'S POV

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplanong sinaskyan ko, I immediately took a cub ang go straight sa pinakamalapit na club, I really need to freshen up. Gusto kong uminom, un lang din kasi pan tanggal pagod ko, tapos sabay tulog ng malupit.

Pagpasok ko palang sa club, halong amoy na ng sigarilyo at alak ang naamoy ko, maingay na din kasi palalim na ang gabi at ang dami nang tao sa dancefloor, naupo ako sa bar stool at umorder ng alak, habang naghihintay, I turn around to face the crowd and one particular person caught my attention. A gorgeous lady dancing gracefully on the floor, no wonder halos lahat ng lalake dito sa club sa kanya nakatingin. Siyang-siya naman yung kasayaw niya, well sino bang hindi, sayawan ka ba naman ng napakaganda at seksing seksing nilalang eh mapapasayaw ka talaga sa tuwa, baka nga mapa-tumbling kapa e.

Habang tumatagal lalong nagiging aggressive ung mga galaw nung babae, tsk pakawala naman masyado. Well, sabagay mas gusto ko na ang mga ganyang klaseng babae, yong mga tipong good for one night stand lang, tapos kinabukasan wala na, as if nothing happened.

Napapansin kong may mga nakatingin sa akin, psh! mga babae talaga, nakakita lang ng gwapo umaligid na, lakas ng radar.

Nang may biglang nagsalita sa likod ko "hi there handsome, need some company?" malanding saad nito. Pinasadahan ko ng tingin mula ulo hanggang paa yong babaeng nagsalita. Pwede na, maganda din naman siya sexy din (pero mas maganda ung sumasayaw sa dancefloor kanina, at di hamak namang mas maganda ang katawan nun biglang singit ng manyak kong utak.) tsk. "no thanks" walang ganang kong sagot sabay talikod, sus! Uy kahit naman manyak ako pipiliin ko naman papatusin ko. Hindi ako basta basta pumapatol lang mailabas ko lang 'tong dapat kong ilabas.

Pero mukhang wala sa bokabularyo nitong babaeng 'to ang salitang sinabe ko, hindi nakakaintindi. Naupo siya sa tabi ko at nagsalita "brokenhearted? I can help" sabay hawak sa braso ko, tignan mo 'to makapulupot feeling close agad. "you wanna have some quiet time with me?" pagpapatuloy niya. Seriously, ganito ba talaga mga babae? ang kulit lang ha. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinalikan. Pwe! amoy yosi. I hate girls who smoke, ang baho sa bunganga. Bigla ko siyang tinulak dahilan para mapaupo siya at iniwan siyang nakanganga. Maarte na kung maarte, eh ayaw ko, choosy din naman ako pagdating sa mga babaeng ikakama ko.

Nakakaasar naman, I came here to relax, tapos masisira lang dahil sa pesteng babaeng 'to. Gusto ko lang sana uminum para diretso tulog na ako mamaya pag dating ko sa pad na tutuluyan ko, kaso istorbo talaga sa buhay mga ganitong klaseng babae.

Tumayo ako at walang lingu-lingong iniwan yong babaeng yon, tsk! kati much? wag kayong magtaka kung bakit ganito ako magsalita, nakuha ko 'to kay Rio, lage niya kasing ginagaya si Tif pag nag-aaway sila.

 "hey, where are you going?" narinig ko pang tinawag niya ako, psh! bahala ka diyan, istorbo!

Papalabas na ako ng club ng may mahagip ang mga mata ko. Yong chick na sumasayaw kanina, bigla siyang hinablot nung lalakeng kasayaw niya, halatang ayaw sumama nung babae. Ewan ko ba kung bakit pero, parang may sariling utak mga paa ko at natagpuan nalang na sinusundan sila. Papunta lang naman sila sa madilim na part ng club.

Nagulat nalang ako ng pwersahang halikan ng lalake yung babae, pilit itong umaalis mula sa mahigpit na pagkakahawak niya, And I was stunned nang biglang tuhurin nung babae yung TOOOT nung lalake! haha Ouch!!! that hurts. Papatakbo na ung babae ng biglang hawakan ito sa mga braso.

PARTNERS IN BEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon