YLA'S POV
What is happening to the world?! Oh. My.G! Hindi ako makapaniwala sa nangyayare ngayon, well sino ba namang hindi mawawala sa pag-iisip kung ikaw ba namang makasama mo ang nag-iisang Kiefer Dela Rosa, to roam around and find something to eat in this time of night, who wouldn't freak out in that idea? Tell me about it.Eh bakit ko nga ba siya kasama?
Flashback tayo konti ha, natatandaan niyo naman siguro yung nangyari kahapon na umuwi ako na masama ang loob ko sa Mr. So Perfect na amo ko, and then nandito ako sa bahay na nagsesenti to the max na akalain mo pwede na akong magsulat kay Ms. Charo dahil sa kadramahan ko. At ayun, hanggang sa naramdaman kong nagugutom ako, at siyempre punta naman ako ng kitchen para sana kumain only to find out na ubos na pala resources ko, so I have to go out and buy some para naman hindi tayo magka ulcer, at yun na nga, umulan, nabasa ako, siyempre para hindi totally mabasa naghanap ako ng masisilungan, naghintay na tumila ulan pero sa sobrang swerte ko napulot ko itong arogante kong amo.
At ngayon balik naman tayo sa kasalukuyan, I was having a hard time na ubusin 'tong kinakain ko dahil kung makatitig sa akin 'tong bakulaw na 'to kala mo ngayon nakakita ng taong kumakain. Tingin ko nga inggit siya eh.
"Seriously?!, pang limang egg na yang nilalantakan mo, baka naman gusto mong maghinay-hinay sa itlog, you know hindi din tama kung masosobrahan ka sa ganyan." Namimilog ang mga matang pinagsasabihan niya ako.
"Sher- ghu-thom ahko- bha-kah, ghusto mong mhanahimik dyan phara mathunawan naman ahko!" Inis na sabi ko sa kaharap ko, nakakainis ha, nag-momoment ako dito with my egg panira siya ng moment.
"Enough talk, just finish everything up then, I'll take you home. " Nandidiring saad niya, sabay kuha ng tissue mula sa tissue holder at pabalibag na tinapon ang tissue pagkatapos punasan ung kamay niya.
Pero natigilan ako sa huling katagang sinabi niya. Mataman ko siyang tinitigan "don't give a sh*t about what I said, ibig kong sabihin ihahatid kita pauwi sa bahay mo, wag mong isiping iuuwi kita sa bahay ko! You better start filling your brain with something more nutritious para naman hindi nabubugok lang laman niyang tuktok mo." Mayabang niyang saad. "Ouch! Sir, that is so harsh of you, I suggest you better start walking away before I kick your butt." Naaasar kong sita sa kanya, ang yabang ha, nakakasakit na siya. "Isa pa, hindi naman kita pinilit na sumama dito diba, NAGKUSA KA! ngayon kung masakit sa mata mo na nakikita akong nabubusog, which is by the way not my problem anymore, then, you can leave me now sir. Just go." Matabang kong bulyaw sa kanya.
"Huh, really now? Ako pa ngayon ang susungitan mo, sa akin mo pa talaga sasabihin yan, hindi ba dapat sinasabi mo yan sa kalandian mo kanina? Sino ba yun, oh yeah I remember, Nicollo right?" Sarkastikong sagot niya sa akin. " and one more thing, haven't I told you to not to talk to anyone, or speak o kahit lumapit kanino man, that's why I'm telling you to fill your brain with something not just anything para naiintindihan mo mga sinasabi ko. What's mine is mine alone, I don't share what's mine to anyone.
"A-ano bang sinasabi mo diyan? Hoy! Hindi komo nakuha mo na gusto mo eh aasta ka ng kung sino diyan, walang nag mamay-ari sa akin kundi ako lang, at inaamin kong may usapan tay-
"Then I suggest you start finding another work for yourself Ms. Ramos, I'm not threatening you, I just want you to remember whom you are talking to. Isa pa, pumayag ka, we had a deal, and that deal is the one that saved your butt-
"Oo na, alam ko yun sir hindi ko kinakalimutan yon, at hindi ko makakalimutan yon, pero wala sa usapan na hanggang sa pagkain ko pakikialaman mo, that's a federal offense mister, masyado kang nanghihimasok sa buhay ko, to think na hindi ko naman ginagawa sa inyo itong ganito." Ha nakakapagod makipag argue sa taong limitado ang utak, hindi marunong umintindi. Well, hindi ako magpapatalo sa kanya.