Hi guys! IM BAAAAACK! haha namiss nyio ako? well nagkaroon ako ng time and inspiration na mag UD ulit dahil may nag comment na rin sa wakas, at nag iisa palang siya sana madagdagan pa, at salamat kasi naappreciate mo tong story ko khit ung iba they find it boring. SALAMAT SAIYO!
GABY
Hay problema ito, papaano ko siya ngayon haharapin. Nandito na ako ngayon sa labas ng building kung saan ako magta-trabaho and unfortunately ang boss kong malibog,hash-tag mayabang ay naghihintay sa akin sa loob ng opisina nito.
Kababalik lang namin galing Palawan, kung saan ginanap ang interview namin ni Nicollo, and speaking of Nicollo, missing in action ang beauty ng bakla, dapat sabay kaming papasok ngayon, lalo na at first day namin pareho, pero tinubuan na ako ng ugat sa buong katawan kakahintay sakanya, wala parin siya. Kaya napagpasyahan ko nalang na pumasok mag isa. Pero mukhang hindi ata magandang idea yung naisip ko.
Nasaan na ba kasi ang baklang herodes na yun? Nakakaimbyerna ha, kung kelang kailangan saka hindi nagpapakita,samantalang pag ayaw makita pasulpot sulpot.
Pansin ko ang mga tinging ipinupukol sa akin ng mga magiging katrabaho ko, lalo na ng mga kalalakihan. Psh! Men
Palinga-linga ako sa paligid, nagbabakasaling may makita akong kakilala ko o si Nicollo man lang, Nicollo nasaan kana ba? Mukha na akong tanga dito. I took my phone and dialed NIcollo's number, pero ang kabayong mukhang pusit hindi sinasagot.
Nagulat nalang ako ng may biglang magsalita sa likod ko. I almost jumped to my suprise. Hay anu bang nangyayari sa akin, na kahit boses lang niya nagwawala na ang buong sistema ko.
"what are you still doing here?" bakas ang iristasyon sa boses niya. Well,ang tinutukoy lang naman ay walang iba kundi ang amo kong mayabang na malibog pa.
Nanatili akong nakatanga at naghahanap ng maidadahilan para hindi ako magmukhang tanga sa harap niya. Well sino bang hindi magmumukhang tanga, kahit na sinong makakita sa akin iisiping nawawala ako sa sarili kong katinuan dahil sa kanina pa ako nakatayo dito at nakikipag argue sasarili ko kung papasok ba ako o hindi.
"tatayo kana lang ba diyan buong araw?o may balak kang palitan ang security namin? Cause you know, you're not bad to be one." muling saad niya habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Biglang nag init ang pakiramdam ko. Bakit ganun siya makatingin, pakiramdam ko hinuhubaran nya ako. Waaah!
Ang gwapo naman nitong lalaking ito, paano niya ba nagagawang magyabang at maging cool sa iisang pagkakaton lang.
"ahh..s-sir kayo po pala" darn! bakit ako nabubulol? Nakakahiya.
"you better get going, first day mo sa trabaho late ka?" iritadong nyang sagot, and with that, tumuloy na siyang pumasok sa loob at naiwan nanaman akong nakatanga. Wow! first day. Great!
Papasok na ako sa elevator nang bigla kong maramdaman na may tao sa likod ko, at hindi nga ako nagkamali, Standing right before me is a Greek God! Joke lang. Si Nicollo lang naman ang nakasabay ko sa elevator.
"bakla ka, san ka galing ha?!" letche to, kung hindi dahil sakanya, hindi ako magmumukhang tanga sa labas kanina.
"ai bakla, wag HB, first day o. sige ka HB ka buong taon ng pagtatrabaho mo dito." maarteng sagot niya sa akin with matching pilipit na voice at pumipilantik na daliri.
"e ikaw kasi, kung hindi dahil saiyo sana hindi ako nag aalangan na pumasok dito sa loob at hindi ako mapagkakamalang sira ulo ng mga tao dito lalo na nga boss naten" bulyaw ko sakanya.
"aray! bakla ung eardrums ko wala na, e bakit sino ba kasing may sabi sa iyong mag ala-security guard ka sa labas e dito ka kaya sa loob magtatrabaho?" at nakabulyaw din ang lola mo.
"e sa ayoko ngang pumasok kasi makikita ko yong mayabang-manyakis na boss naten, na kala mo kung sinong gwapo, well oo gwapo nga, pero ubod naman ng hambog! mayabang!" nakasigaw kong sabi sakanya.
"Sinong hambog at mayabang?" PATAY! sabay kaming napalingon ni Nicollo sa lalaeng nagsalita, and to my surprise hindi lang pala kami ang papasok nag elevator. Ang dami palang tae este tao sa likod namin na kanina pa nakikinig sa pagbubulyawan namin dito, at ang pinakamasaklap sa lahat, ang lalakeng nagsalita ay walang iba kundi...
"In my office. Now!" nadale na. Tikom bibig akong sumabay sakanya pasakay sa elevator. Nagsipagtabihan lahat ng mga empleyadong nandoon including Nicollo.
Nga-nga lahat ng empleyadong kasabayan namin, may ibang nanunuri ang tingin, makatingin lang kala mo ang gaganda nila, CHE
Nako naman, bakit ba ganito ako kamalas...