Chapter 1: Plug Alert!

812 32 7
                                    

From: 0909******

Plug Alert! Plug Alert!

Name: James Han

Classmate ko.

-mabait

-matalino

-gwapo

-famous

for more info contact him on: 0919*******

or add him on his Facebook Account: www.facebook.com/james.han10

Always Respect!

Plug off!

- - - -

Airene's POV

"Sino to? At Sino tong James Han na to?"

*beep*

Message From:

0919******* : Hi:)

"Teka? ito yung number ng p-in-lug sakin ahh.."

Me: Who you po?

0919****** : James Han;)

Me: Ahh.. Sorry, pero hindi po kita kilala e. Bye!

"Sana hindi na yun mag-"

*beep*

From 0919****** : Ok lang. Pwede makipagkaibigan? :)

Me: Hindi nga po kita kilala e. Bakit ako makikipagkaibigan sayo?

0919****** : Kasi gusto ko:)

Me: Ayoko.

0919****** : Sige na Airene. Please..

Me: Kilala mo ko?

0919****** : Hindi.

Me: Pano mo nalaman pangalan ko? Saka pano mo nalaman number ko?

0919****** : May nag-plug lang.

Me: Ahh Ok. Wag ka na ulit mag-text sa no. na to ha? Bye!

"Aish. Ang Kulit naman nun!"

*beep*

"Sya nanaman to."

From. Shaira: Girl! Bat ang tagal mo? Magpapalate ka ba? Nandito na kami sa school.

"Ayy. hindi pala! Si Shai pala to."

Me: Wait lang papunta na ko dyan.

Shaira: Sige dalian mo. Malapit na mag-bell.

Me: Ok, Ok.

Si Shaira Ann Cruz ang Super close ko sa lahat ng friends ko. Matalino rin yan kaya pag-exam minsan sya ang highest pero minsan ako. Pero madalas yung top 1 namin si Rhea. Caring friend, worried agad yan kapag may sakit ang kaibigan nya. Kaya nga lang, Mataray. Kahit kaming mga friends nya tinatarayan at sinusungitan nyan e. Lalo na sa mga boys. Pero kahit mataray yun, iyakin din pag kami lang e. Yun nga pinagtataka ko kung bat ganun yun e. Siguro pinapakita nya lang siguro na matapang sya para walang mang-away sa kanya. Pero kahit awayin sya nandito kami para resbakan sila! No.2 kaya ako sa katarayan at kasungitan sa room! No. 1 kasi sya! Hahah. Proud to be pa! Nagtataka nga kami at puringpuri kami ng teachers namin na tahimik daw kami. Ang ingay at ang gulo kaya namin. Pero syempre pag walang sila. hahah. Random ko 'no? Anyways, balik na tayo. Saka Masayahin rin sya. Halos magkapareho kami ng ugali nyang si Shai, e. Kaya kapag magka-iba na kami ng section nyan. Mamimiss ko talaga ang mga kabaliwan na ginagawa namin. Syempre itong babaitang to. Love ko kaya to!

@ Social Kingdom High School

"Girl! Sabi ko bilisan mo e. 15 mins. Antagal mo." Bungad agad sakin ni Shai pagdating ko.

"Para namang malapit yung bahay ko sa school 'no. Nag-tricycle na nga ko para di abutin ng 30 mins., e." Paliwanag ko naman sakanya.

"Oyy mga girl." Napatingin kami sa sumigaw.

"O bat si Ashley kararating lang din naman ahh.."

Siya nga pala si Ashley Tolentino, friend ko rin. Yan yung friend ko na sinasabing dapat positive lang daw, pero sya si nega. Pareho ko rin. Parang pinag-sama-sama ata kami dahil pare-pareho kami. Pero syempre may pagkakaiba rin. Gaya na lang nito..

"OMG! Si crush nasa bleachers!*^_^*" Sabay naming sabi ni Shai. Oops! Hindi pala.. Pareho naming crush si June. Since 3rd year high school pa. Hindi pa nya kami kilala hanggang ngayong 4th year na kami.

Si June dela Cruz. Isang simpleng estudyante ng school. Magaling gumamit ng musical instrument. syempre yung pinakagusto kong instrument, ang gitara. Pero hindi ako marunong gumamit nun. kaya nga na-elib ako e. hahah.

Si Shai ang nagpakilala sakin kay June na crush nya daw. Hindi ko naman alam na yung lalaking inaabangan ko ay si June. Kaya ito, magkasama na kami ni Shai sa pag-ii-stalk sa kanya.

"Tara dun tayo sa mas malapit pero dapat hindi nya tayo makita." Sabi ko habang hawak ang kamay nila.

"Si June nanaman. Naku! Walang mangyayari sa #efforts nyo kaka-stalk sa kanya." Oops! Mali nanaman ata description ko kay Ashley kanina e. "Dapat kasi kumilos na kayo para di masayang." O sabi sa inyo tama e. hahah.

*Cringgg*

[A/N: Pasensya na sa sound effects. heheheh.]

"Nag-bell na. Punta na tayong classroom." Sabi ni Ashley habang hila-hila ang kamay namin ni Shai.

"Wait lang. Gusto ko pang makita si June!" Sabi ko pero mahina lang.

"O aalis na rin sya. Tara na kasi.." Pamimilit ni Ash.

"Ok:(" Tapos pumunta na kaming room. T_T

***

Stalker feels guys.. Haha! Pwe. Di no! Admirer kaya! Di ba? Di ba? XD

Mr. Famous and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon