Airene's POV
Intrams na! This is it! For sure maraming mangyayari. Masaya 'to!
*Bzzzt*
"Uy may text galing kay James!"
"Sino naman yang James na yan? Parang ngayon ko lang sya narinig sayo?" Tanong ni Shai. Nag-nod naman si Ash sa sinabi ni Shai.
"Ahh.. Basta! Hindi ko pa nga 'to nami-meet in person ehh.."
"Hoy! Don't talk to strangers Girl! Have you forgot that?"
"Hindi naman ako nakikipag-usap eh.. Nakikipag-text lang.." Inaatake nanaman ako ng pagka-pilosopo. "Mami-meet nyo na rin sya. Manahimik lang muna kayo please?" Sumunod naman sila. Nag action pa sila ng Zip the mouth.
Tinignan ko na anong nakalagay sa message "OMG! Hindi matutuloy?"
"mmm?" Tanong ni Shai.
"Pwede namang magsalita eh." Sabi ko. Para kasing natatae yung tunog eh.
"Bakit?" Sabi nilang sabay. Hay buti naman! XD
"Next time na lang daw. May practice daw sila eh." Paliwanag ko.
"Ah..." Sabi nila. "Oy! oy!"
"Ano yun? Ano yun?" Natataranta kong sabi.
"OA? Easy lang!" Sabi ni Shai.
"Excuse me? Sino kayang mas OA?" Sabi ko sabay irap ko. Umiwas ako ng tingin at napatingin ako kay... Kay.."June!"
"That's what I mean, Girl. -_-"
"Oh sorry na!" Ganun din kasi yung magiging reaction ko kapag nakita ko si June. O baka mas malala pa! XD
Nilapitan namin si June.
"Ahh.. Hi?" Sabi ni Shai na malakas ang loob
"Hello." Sagot nya samin.
"Pwedeng humingi ng picture mo?" Grabe talaga si Shai. Makiki-join na lang ako.
Nakapagpa-picture na sya. Pati ako. with June. hehe!
"Thank you!" Sabi ko. Blush alert! *^__^* OMG! Ang pogi! Wag ka tumitig sakin! Baka mawalan ka ng admirer kapag natunaw ako! haha! Choss!
"You're welcome." Sabi nya habang nakatitig sakin.
"Excuse me? May dumi ba sa mukha ko? Baka matunaw naman ako nyan eh."
"W-wala." Nagtataka ako. Nagtataka talaga ako. Promise!
"Ah.. Sige. BTW. Airene nga pala." In-extent ko ang arm ko at inabot ang kamay ko sa kanya para makipag-shake hands. Inabot nya naman. "Nice to meet you!" OMG! Moment with Crush! Convo with crush. Picture with Crush. Shake hands wIth crush! Pwede pa yakap pa? Choss! Namihasa e 'noh? XD
Pagkatapos nun, Sana hindi natapos. XD Pero wala akong magagawa dahil nga natapos.
Nakita ko si pafamous. Mabwiset nga!
"PANGET!" Sigaw ko kay pafamous. Napatingin naman sina Shai at Ash sakin.
"Hindi ako pinansin? Aba! Snobber!? Pafamous talaga eh!" Binato ko ng sapatos! Ok. I got the hint. "Yes!"
"Aray! Ikaw yun?" Tanong nya sa mga kasama nya. Gangster yata 'tong mga ito eh. Takot naman ako? Parang lang naman. Yata. Hindi yan uubra sakin.
"Ahh.. Yung babae banda dun yun." Sabay turo sakin ng kasama nya. Tumingin naman sya sakin. Succeed! Umiwas ako ng tingin tapos sumipol-sipol pa na parang hindi alam yung ginawa. XD
"Bakit ba PANGET!" Diniinan talaga yung panget eh no!
"Naku! Masama magsinungaling.."
"Ikaw ba yun?"
"Ang alin?" Pagmamaangan ko.
Tinuro nya yung sapatos ko na binato ko sa kanya. "Ayun oh! Wag mong sabihing hindi." Tinignan nya yung right part ng paa kong may medyas lang at walang sapatos.
"Ahhh..." Wala 'tong lusot. "Oo na! Ako nga! Ang bingi mo kasi eh! Tinatawag kita hindi ka lumilingon!" Pag-amin ko na may kasamang paliwanag.
"Hassle! Alam mo bang may--"
[BND Pumunta na kayo dito sa stage. Kayo na ang next performer.] Sabi ng MC.
Lumapit sya sakin. Yung malapit na malapit talaga sa mukha ko. Napapikit tuloy ako. Bumulong sya sakin. "Palalampasin ko muna 'to. Pero hindi na sa susunod." Whew! Akala ko kung ano nang mangyayari eh.
Kinuha ko yung sapatos ko. Saka umakyat na sila sa stage kasama yung mga kasama nya.
[Now playing: Danger- BTS]
Sumasayaw na sila. Hindi ko na sya nakikita. Bakit ganun? Nawala sya? Eh kitang-kita kong umakyat sya ng stage eh. Ang malupet, Si Baste ang nakita ko na wala naman kanina? Pano nangyari yun? Hindi kaya? Mali. Magka-iba sila. Magka-ibang magkaiba!
Pinanood ko na lang si Baste. Nakita ko syang sumasayaw. Ngayon lang 'to. Hindi ko pa sya nakitang sumayaw dati nung classmate ko pa sya. Infairness! He's a good dancer! 100% Crush ko na rin sya! Hala! Pano na si June? Haha! wala namang magbabago eh. Crush lang naman. Haha!
BINABASA MO ANG
Mr. Famous and I
Fiksi RemajaNagsimula sa isang plug alert. Naging textmate. Chatmate. Then Friends. Kahit never pa silang nag-meet, naging komportable sila sa isa't-isa. Yun tipong nandyan sila para damayan ang isa't-isa sa tuwing may problema. May tiwala rin sila sa isa't-isa...