Chapter 30: Mr. Cold

105 10 2
                                    

"Wait!"

Sigaw ko kaya napalingon siya sakin.

Bumilis 'yong tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Ano bang sasabihin ko? "Ano 'yon?" cold niyang sabi. 'Yong tipong kapag tumingin ka sa mga mata niya. Walang emosyon. Yung feeling mo wala ka lang sa kanya.

Bigla na lang akong napayuko. Siguro wala na ko para sa kanya. Siguro hindi ko na dapat pang sabihin. "Wala." sabi ko na lang saka tumalikod na sa kanya.

Naramdaman ko na lang 'yong paglakad niya paalis. Ang nakakadurog pa ng puso ay iyong sinabi niya habang paalis siya. "Wala naman akong paki kung anong sasabihin mo eh."

Natigilan ako sa mga narinig ko. Oo. Narinig ko 'yon. At ang sakit sakit marinig mo lalo na kung mula sa kanya. Hindi ko na mapigilang maiyak. Tumulo na rin iyong mga luha ko. "Hindi mo lang alam kung gaano ako nahihirapan sa sitwasyon. Matapos ang lahat, walang kwenta lang sayo iyong sasabihin ko?" bulong ko na lang sa hangin. Hindi ko siya maintindihan. Ang hirap niyang intindihin. Ang sakit lang na ganon 'yong inaasta niya sakin.

Naglakad na ko papunta sa building namin dahil nakikisabay na sakin 'yong panahon. Umaambon na at hindi naman ako papayag na dahil don magkasakit ako. Habang papunta ako don, rinig ko nanaman 'yong mga chismisan nila. Nakita ko si Baste pero hindi niya ko pinansin at dirediretso lang siya dumaan sa harap ko. Walang ka-emo-emosyon. Ang cold niya kasing lamig ng panahon. Ngayon nalaman ko ng mas masakit pa itong cold treatment niya kaysa sa sinabi niya kanina.

Pagdating ko pa lang sa may pinto ng room sinalubong agad ako nina Shai at Ash. "Sorry, girl! Hindi na kami nakadaan don kasi umambon na. Kainis kasi 'yong Anya na 'yon, hindi pa rin ako tinitigilan eh." Hindi ko na napigilang maiyak kaya niyakap ko si Shai para hindi niya ko makitang ganito. "Ai-girl. Anong nangyari?" nag-aalala niyang tanong pero hindi ko siya sinagot.

"Yan ang napapala ng mga ambisyosa!" sigaw ni Maxine na classmate namin. Nagtawanan ang buong klase.

"Tumigil nga kayo! Kung wala kayong magawa sa buhay niyo, wag kayong makialam sa buhay ng iba!" sigaw ni Ash para sawayin sila.

Pinunasan ko 'yomg luha ko at ngumiti ng pilit sa kanila. "Ayos lang ako. Hindi niyo lang kasi ako pinuntahan kaya ako ganito." pagsisinungaling ko. "Pasok na tayo."

"Wag mo kaming lokohin, Ai. I know when you just lying. Ano ba kasing nangyari?" pagpupumilit ni Shai. Buti na lang at dumating na si Ma'am.

Buong klase, tahimik lang ako. Sinusubukan kong makinig pero walang pumapasok sa utak ko. Hindi ko nga namalayang recess na. Masyado lumulutang 'yong isip ko ngayon.

"Ai!  Hello? Nakikinig ka ba?"

"Ha? May sinasabi ba kayo?" nagtatakang tanong ko. Napansin kong wala ng tao sa classroom maliban sakin, kay Shai, Ash at Maxine and company.

"Ayos ka lang ba talaga?" pangungulit pa ni Ash.

"Alam niyo 'yong feeling na hindi pa nga kayo, brokenhearted ka na?" pang-asar ni Maxine. Friend rin siya ni Anya. "Kawawa naman kayo ng bestfriend mo. Pareho kayong loser." sabi niya pa tapos tumawa ng nakakaloko. Alam ko namang ako at si Shai 'yong tinutukoy niya.

Napatingin si Shai kay Maxine. "Alam mo, kung nagpaparinig ka. Lakasan mo tapos sabihin mo kasama 'yong pangalan para marinig namin tsaka para hindi ka nagmumukhang tanga."

Hinawakan namin ni Ash si Shai sa braso niya para awatin. "Shai, tama na 'yan. Hayaan mo na lang siya." mahina kong sabi.

Napatayo naman si Maxine sa kinauupuan niya. "Anong sabi mo?!"

"Oh? Ba't nag-react ka? Ikaw ba? Natamaan ka siguro." ngumiti pa si Shai ng nakakaloko kaya lalong nainis si Maxine. Napairap siya saka padabog na umalis. "Asar talo pala 'yon eh." natatawa pang sabi ni Shai.

"Dapat hinayaan mo na lang siya." mahinahin kong sabi. "Tama naman 'yong mga sinabi niya sakin eh."

"Airene. Naririnig mo ba 'yong sarili mo? Hindi totoo 'yon. Tsaka wag ka ngang pumayag magpaapi!" hindi na lang ako nagsalita dahil ayokong tumagal pa 'yong usapan. Yumuko na lang ako sa desk ko. "Umamin ka nga, Ai. Ano ba talagang nangyayari?" hindi ko siya pinansin. Gusto ko sakin na lang itong mababaw na problema. "Hoy babae! Sagutin mo nga ko!" pagpipilit niya pa pero wala rin namang magagawa dahil wala akong balak magsalita. "Okay, fine. Ayaw mong sabihin? Eh di wag!" nag-walk out si Shai palabas ng classroom.

"Ai.. Ano bang problema? Kaibigan mo kami. Wag kang mahiyang sabihan kami. Sino pa bang makakatulong sayo?" sabi ni Ash.

Tumunghay ako para makita siya. "Ash, hayaan niyo muna ako please? Gusto kong mapag-isa. Kung gusto mo, kumain ka na, samahan mo si Shai. Iwan niyo na ko." sabi ko saka bumalik sa pagkakayuko sa desk.

Huminga siya ng malalim. "Naiintindihan ko kung bakit ganon ang reaksyon ni Shai. Pero wag ka mag-alala, naiintindihan ka naman siguro non. Naiintindihan kita, Ai. Basta kapag kailangan mo ng kausap, nandito parin ako." tinap niya yung likod ko. "Bati na naman tayo di ba? Sige ha? Maiwan muna kita dito." naramdaman kong umalis na si Ash.

Tumunghay ako tsaka huminga ng malalim. "Sorry mga bhestie ko. Masaya ako dahil nandyan kayo para sakin. Promise, babawi ako. Pero sa ngayon, gusto ko lang solohin 'to." sabi ko saka yumuko ulit sa desk.

Pagtapos ng recess bumalik na ulit sa klase. Pinilit ko na lang talaga makinig at intindihin yung mga lessons dahil ayokong bumagsak. Sa last two subjects na yon, hindi nila ako pinansin. Siguro galit pa sakin kaya hahayaan ko muna.

Uwian na. Nauna na sila sakin. Nagpaiwan ako ng mag-isa. Tumakas nanaman yung mga cleaners kaya ako na lang 'yong maglilinis.

Kakatapos ko pa lang itapon yung mga papel na nagkalat kanina. Nag-aayos na lang ako ng mga upuan. Maya-maya dumating na rin 'yong mga panghapon kaya umalis na ko ron.

"O? Nasan na 'yong gwapo mong boypren?" bati agad sakin ni manong guard. "Mukhang nag-LQ kayo ha?" Hindi ko naman siya kayang samaan ng tingin dahil hindi niya naman sinasadyang maasar ako.

"Kuya, hindi ko po siya boyfriend." At hindi magiging kami.

"Yes, they're not and they will never be, Kuya Rex." singit bigla ng kararating lang na si Agatha. Sikat siya, Queen Bee ng school. Syempre famous. Kasama niya mga friends niya. Sina Maxine at Margot pati si Anya.

"Bakit hindi? Bagay naman sila?" sinamaan siya ng tingin ni Agatha. Naku naman! Bakit mo pa sinabi 'yan Kuya Manong Guard.

"Hindi sila bagay kasi mas bagay kami ni James. Right, Airene?" ngumisi pa siya sakin. Hindi na lang ako nagsalita. "Pipe ka ba? Tinatanong ka eh." sabat naman ni Maxine.

Patakbo naman na dumating si Tristan. "Hoy kayo! Wag niyo nga awayin si Airene!" tumingin siya sakin. "Umuwi ka na."

Nag-bow na lang ako sa kanya para sabihing thank you. "Alis na ko."

Habang naglalakad ako pauwi, wala ako sa sarili ko. Lumulutang nanaman 'yong isip ko. Naalala ko nanaman kasi si Baste. Hindi ako sanay na iniiwasan niya ko at ang cold pa. Ano ba kasing iniisip niya? Nasktan ko ba siya? Hindi nga sina Jean at Baste. Nandito naman si Agatha. Queen Bee siya. Maganda, sikat, mayaman. Ano pa bang kulang? Siguro nga mas bagay sila..

"Hey!"

"Jean?"

Nginitian niya ko. Kasama niya pala si Christian. "Bakit mag-isa ka?" tanong niya.

"Nauna na sila." tipid kong sagot.

"Ahh.. Ay! Nga pala.. Meet Christian, boyfriend ko.." nakangiti niya pang pakilala sa boyfriend niya. Totoo nga yung sinabi ni Ash.

Ngumiti naman ako. "Nice to meet you." sabi ko lang saka nag-bow sa kanya. Ganon din naman yong sinabi niya sakin.

"Ahmm... Airene? May ibubulong ako sayo ..." ano naman kayang ibubulong niya? Lumapit naman ako para marinig ko. Tumapat siya sa tainga ko saka may binulong. "Gusto ka talaga niya..." kinindatan niya pa ko. napataas naman yung kilay ko sa sinabi niya. Sino kaya yong tinutukoy niya? "Sige, dito na ko. Bye!" paalam niya tapos dumiretso na sa isang pathwalk.

Sino bang tinutukoy niya? Weird.

Mr. Famous and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon