Airene's POV
Isang linggo na ang lumipas. Yung score ko sa exam. Ahh.. Ehh..
Mataas syempre! Gaya ng inaasahan ko.
Top 5 Students of 2nd Quarter
1. Delos Reyes, Rhea
2. Alonzo, Airene Gail (Eto ako o! No.2!)
3. Santos, Franchescka
4. Cruz, Shaira (Si Shai, as still)
5. Rivera, Anne
Hahaha. Masaya na ko ng in-announce yan ng Adviser naming Si Ms. Fernandez.
@ Bench
Nakatambay kami ngayon sa Bench ng mga friends. Parang Hide-out na namin yun to. Tuwing recess slash break, nandito kami. Maraming puno dito kaya mahangin at malilim. Sarap lang tambayan.
Nag-uusap-usap lang kami.
"Girl! Si Mr. Famous ba yun?" Sabi ni Shai habang nakatingin sa kina Baste.
[A/N:
1.=== 2.=== 3.===
4.=== 5.=== 6.===
Parang ganyan. Nasa 4. sila naka-upo habang kami sa 3. medyo mahaba ang upuan at malaki rin ang pagitan ng mga ito.]
"Oo nga 'no?" Sabi ni Ash.
"Ano kayang pinag-uusapan nila?"- Curious na tanong ni Shai.
"Hayaan mo na yan." -Asus! Kunyari pa itong si Ash. Kala mo talaga e 'no?
"Shhh.. Anong hayaan? Lovelife ng bestfriend natin ang pinag-uusapan dito." -Baliw talaga itong si Shai.
"Sige na nga.." -Pa-kunyari pa kasi itong si Ash. Alam ko nang Go na Go yan pagdating dyan e.
"Anong lovelife?! Tumigil nga kayo.." Inirapan ko lang ang mga loka. Kung anu-ano kasing maiisipan e. Aish.
Maya-maya, napalingon si Baste sa gawi namin. Napatingin na lang ako sa baba pero nakikinig parin ako sa usapan nila. Sorry na kung may pagka-chismosa ako ngayon, hindi ko naman talaga ginagawa to e. Kadalasan naririnig ko lang yung usapan ng di sinasadya. Yan nga yung dahilan kung bakit "Radar" ang tawag sakin ni Baste. May kwento yan kung bakit. Pero hindi muna ngayon, hehehe. Curious lang ako ngayon lalo na't.. Narinig ko ang isa sa mga friends nya, "Pre!" Tapos humawak sa balikat ni Baste. "Nandun si Gail o. Yun diba yung asdfghjkl -" Ano daw!? Nag-tawanan sila pero si Baste hindi. Hindi ko alam. Likod nya lang nakikita ko e.
"Huy!"
Biglang sumulpot sa Mia. Nanggugulat! Lalo tuloy bumilis heartbeats ko. Di ko nga alam kung sa narinig ko ba o sa gulat.
"Seryoso mo naman ata?" Nagtatakang tanong sakin ni Mia. "Tara na nga. Tawag kayo ni Ma'am Fernandez." Pang-aaya nya sa aming tatlo.
Tumayo na ko tapos tumayo narin sina Shai at Ash.
"Ah ganun ba? Ok. Tara!" sabi ko tapos nag-smile kay Mia.
Napadaan kami sa gawi nila Baste. Walang ibang way e. Nasa pinakamalapit na daanan sila papuntang building at classroom namin e. Pag-daan namin nag-'hi' lang ako sa kanya at sa friends nya. Nakakapagtaka lang kung bakit kanina pa sila tumatawa except kay Baste. Napansin ko yun mula pa nung pumunta kami at tumambay dun hanggang umalis na kami. #Curious na talaga ako!
***
BTW. Lahat pala kami ay pinatawag. Kina-usap lang kami ng Adviser namin dahil malapit na daw ang Intramurals. Grabe. e, next month pa nga daw yun gaganapin. Psh. #Excitedmuch si Ma'am!? Tss. Kung sa bagay, sino ba namang hindi mae-excite? Ok. Sige na nga! Binabawi ko na. Maski kasi ako excited rin. Maraming booths at performances dun. Masaya yun! Pero the real reason kung bakit maaga daw sinabi, dahil para daw makapag-meeting at makapaghanda ang mga clubs ng kani-kanilang mga booths.
Well, kasali ako. #Busymuch nanaman ako nito. Hayys.
Pagkatapos nun at nung last subject, uwian na.
@ House
Pagkarating ko sa bahay kanina..
Hindi ko maiwasang isipin kung bakit kasama ako sa usapan ng mga kaibigan ni Baste. Tapos tawa sila ng tawa? Bakit? Tapos si Baste? Ayy di ko alam. Nakatalikod e. Saka anu yung kanina? Asdfghjkl? Di ko narinig nga maayos dumating kasi si Mia e! Di ko tuloy sila gets? Aish. Malalaman ko rin yan..
Gabi na, kumain lang ako tapos dumiretso na sa kwarto at humiga sa kama. Medyo pumipikit-pikit na yung mga mata ko ng nakatanggap ako ng text message.
From: James
Good Evening! Kamusta? :)
Nawala ang antok ko dahil sa text nya.
"Wow! Araw-araw ganitong oras talaga sya nate-text ha! Anong oras na ba?" Sabi ko tapos tumingin sa wall clock. "7:30pm maaga pa! Ma-reply nga!"
To: James
Me: Ok lang.. Ikaw musta?
James: Ok lang din:)
Me: I mean about academics? Your exam?
James: Ahh.. Ok naman.
Me: Good!
James: Sige. Malapit na ma-expire load ko e. Good night! Sweet dreams:*
Me: Ge. Good night rin!
"Pansin ko lang, mahilig talaga sa emoticon to? May naka-smile na emoticon lagi tapos ngayon, kiss? whahaha!"
BINABASA MO ANG
Mr. Famous and I
Teen FictionNagsimula sa isang plug alert. Naging textmate. Chatmate. Then Friends. Kahit never pa silang nag-meet, naging komportable sila sa isa't-isa. Yun tipong nandyan sila para damayan ang isa't-isa sa tuwing may problema. May tiwala rin sila sa isa't-isa...