James Sebastian POV
(Baste)Matagal ko ding sinubukan na layuan si Gail pero bawat araw na yon, lalo ko lang napatunayan sa sarili kong mahal ko na nga talaga siya.
"Nakapili na ko." hindi parin kami umaalis sa posisyon namin. Magkatalikod kami sa isa't-isa pero hawak ko 'yong kamay niya. "Sige, sasagutin kita. Pinipili ko.." siguro naman ayos lang na 'yon yung piliin ko. Tutal sabi ko naman na wala akong paki sa sasabihin niya na kahit anong mangyari siya parin ang gusto ko. Kailangan ko lang maging matapang. "Pinipili kong marinig ang sasabihin mo."
Hinila ko 'yong kamay niya para iharap siya sakin. Hinawaka ko ang magkabila niyang balikat at tnitigan ko siya sa mga mata niya. "Ngayon, sabihin mo sakin na hindi mo na nga ako gusto."
Hindi niya inaalis 'yong tingin niya sakin. Kilala ko si Gail. Kapag sinabi niya ang isang bagay habang nakatingin sa mga mata, ibig sabihin nagsasabi siya ng totoo. "Hindi kita gusto." nabitawa ko ang pagkakahawak ko sa balikat niya. Ramdam ko na kasi 'yong sakit sa pakiramdam na parang tinutusok 'uong puso mo.
Tumalikod ako sa kaniya para hindi niya makita kung sakaling ano ang itsura ko ngayon lalo na ayokong makita niya 'yong luha ko kung sakali ngang merong tumulo dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ilang beses na kong nareject sa kaniya pero ito na yata 'yong pinakasakit eh. Totoo ngang, Truth hurts.
Naglakad na ko palabas ng kwarto niya. Mga ilang hakbang pa lang naman pero napahinto ako ng marinig ko siya. "Hindi mo nanaman ba ko patatapusin, ha James Sebastian Baste Han?" lumingon ako sakaniya. Hindi pa ba siya tapos na saktan ako?
Lumapit siya sakin. Hinawakan niya ko sa kamay ko at hinarap ako sa kaniya. Tinitigan niya ko sa mga mata ko. "Hindi kita gusto dahil mahal kita. Mahal kita, James Sebastian Baste Han."
Hindi parin masink-in sa utak ko 'yong mga narinig ko. Tama ba ko ng rinig? Malinaw na..
"T-talaga?" hindi makapaniwala kong tanong.
Nalungkot bigla 'yong itsura niya. "Hindi ka naman naniniwala eh. Sabi na nga ba—" hindi ko na siya pinatapos pa at hinila ko na agad siya para yakapin ng mahigpit.
"Hindi ko alam kung ano bang irereact ko kaya yayakapin na lang kita. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Gail. Sobrang saya ko dahil sayo. Salamat. Maraming salamat." kumalas ako sa pagkakayakap namin saka ko hinawakan 'yong kamay niya. Tumitig ako sa mga mata niya pagkatapos napatingin ako sa labi niya. Parang natetemp ako na halikan 'yon kaya kinagat ko na lang 'yong labi ko para pigilan ang sarili ko. Naisip ko na instead sa lips ko siya i-kiss, sa forehead na lang. Hinalikan ko siya sa noo niya. "Mahal din kita." sagot ko tapos ngumiti ako kaya ngumiti rin siya sakin. Niyakap ko pa siya ulit ng mahigpit na para bang ayoko na siyang pakawalan pa. Niyakap niya rin ako pabalik. Ang sarap sa pakiramdam habang yakap-yakap mo siya.
Tumunog na 'yong relo ko na inalarm ko ng 12:00am pero hindi ko pinansin. Gusto ko lang ngayon na ganito lang kami habang feeling ko nasa slowmo ang lahat. Sana nga hindi na umandar pa 'yong oras. Sana hindi na 'to matapos pa.
It's the best christmas I've ever had and the best gift I've got from God.
Thank you, God.
Happy birthday, Jesus!
Merry Christmas.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Mr. Famous and I
Teen FictionNagsimula sa isang plug alert. Naging textmate. Chatmate. Then Friends. Kahit never pa silang nag-meet, naging komportable sila sa isa't-isa. Yun tipong nandyan sila para damayan ang isa't-isa sa tuwing may problema. May tiwala rin sila sa isa't-isa...