Dedicated to: JackBum23 Hello sayo :) Thanks for reading my story :D
--James's POV
Nandito ako ngayon sa isang malaki naming mansyon. Kaya lang inabanduna na ni Dad kaya ginawa na lang naming HideOut ng Bullet Gang.
"Anong ginawa mo sa kanya?" maangas na tanong ko sa kanya.
"Wala akong ginawang masama sa kanya." sagot naman nito. "Nagbago na ko ng plano kaya no need to worry. Hindi na siya masasaktan." ngumiti siya ng nakakaloko. Ano nanaman bang plano ng mokong na 'to? Masama ang kutob ko dito ah. "Sa katunayan, balak ko na lang na mapasakin siya. Eh hindi mo naman sinabi sakin na malakas ang dating ng chix na 'yun eh."
"Hayop ka!" hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya sinugod ko sya para suntukin. "Wag na wag mo siyang gagalawing g*g* ka!"
Tumawa siya ng nakakaloko habang pinupunasan yung dugo sa may gilid ng labi nya. "Bakit natatakot ka? Na baka maunahan pa kita sa kanya? Haha! Kung ganun, mas pag-iigihan ko pa para mapasakin sya." sabay smirk.
"Tigilan mo 'yang gagawin, Rio."
"Eh pano kung ayoko? Sa katunayan, nahuhulog na rin yung loob nya sakin. Sa tingin mo? Ano bang magagawa mo? Wala na di ba? Wala!" hindi. Hindi pwede. Bakit ba kasi ang bagal-bagal mo kumilos James? "Oh ano? Wala kang masagot di ba?" oo. Tama sya, wala na nga kong magagawa.
"Kunin mo 'yung number nya dyan sa phonebook ko. Gumawa ka ng paraan!" Hinagis niya sakin yung phone nya. Sinalo ko 'yun. "Pinagbibigyan na kita, p're. Pero kung palalagpasin mo pa, gagawin ko na yung plano ko."
Kinuha ko na agad yung number ni Airene dito sa phone ni Rio. Sinave ko siya sakin. Ang totoo nyan kasi, hindi sakin yung sim card na yun. Kay Rio 'to. Hiniram ko lang. At ngayong binawi na nya, kaya nawalan na ko ng contact kay Airene.
Inabot ko yung phone nya kay Rio. "Pasalamat ka talaga at bestfriend kita." sabi nya saka kinuha yung phone tapos umalis na agad.
Umalis na rin ako sa luma naming mansyon. Umuwi na ko sa binili kong condo unit. Hindi 'to alam ng mga magulang ko kaya malamang nag-aalala na sila. Lalo na si Mom. Tatlong araw na kong hindi pumasok. Bwiset na Sabertooth na 'yun eh. Napuruhan tuloy ako sa gang fight. Mga g*g sila! Pagbabayaran nila 'tong pang-aalipusta nila sa gwapo kong mukha! Humanda lang sila sakin sa susunod na gang fight. Sa ngayon, kailangan ko ng ituloy yung plano ko. Papasok na ko bukas.
Dialing... 'To My Love'
*trutrut trutrut*
[Hello? Sino po sila?]
Napangiti agad ako ng marinig ko yung boses nya. [Hello?]
"Kung, hindi man.. Tayo, hanggang dulo. Wag mong kalimutan, nandito, lang ako.. Laging umaalalay, hindi ako lalayo.. Dahil ang tanging, panalangin ko, ay ikaw.." kanta ko saka may sinabi ako sa kanya bago ko ibaba yung linya. "Mahal kita, Gail."
*toootooot*
Bigla naman akong napangiti ng malapad. "Okay na siguro yun, kahit on phone muna." huminga ako ng malalim. "Ang sarap pala sa pakiramdam na sinasabi mo yung nararamdaman mo. Dati kasi laging nasa isip ko lang lahat. Minsan binubulong sa hangin. Pero handa na ko. Handa na kong aminin sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko. Ayoko ng itago pa 'to at magpakatorpe. Gwapo ako kaya dapat confident ako. Haha! Tama 'yan, James Sebastian Han! Magtiwala ka sa charms mo! Whahaha!" Dinadaan ko na lang sa joke para hindi ako kabahan. Iba parin talaga pagkaharap mo na sya. Eh may pagka-war freak rin minsan yung babaeng mahal ko eh. Baka mamaya bugahan ako ng apoy nun. Aasa na lang ako sa pagiging slow nya para hindi mapahiya. Pero kahit ganun sya, nagkagusto parin ako sa kanya. Kasi nga, Love has no reason. Ganyan pag gwapo, may words of wisdom. Hahaha! Pero no jokes.. Totoo yan.
BINABASA MO ANG
Mr. Famous and I
Fiksi RemajaNagsimula sa isang plug alert. Naging textmate. Chatmate. Then Friends. Kahit never pa silang nag-meet, naging komportable sila sa isa't-isa. Yun tipong nandyan sila para damayan ang isa't-isa sa tuwing may problema. May tiwala rin sila sa isa't-isa...