Airene's POV
-fast forward-
Maraming christmas lights na kumukutikutitap sa bawat daan. Mga parol na nakasabit sa pinto ng bawat tahanan. Mga christmas tree na nasa loob nito. Mga batang kumakanta ng mga christmas songs. Nangangaroling. Ang lamig ng hangin. Damang-dama mo na ang simoy ng kapaskuhan.
"Sa may bahay, ang aming bati, merry christmas nawawalhati. Ang pag-ibig ay siyang naghari. Araw-araw ay magiging pasko lagi.."
May nangangaroling pala.
Pinagbukasan ko sila ng pinto at inabutan ng something as a gift.
"Thank you. Thank you. Ambabait ninyo. Thank you!"
Napangiti naman ako sa mga cute na batang nangaroling. Naalala ko kasi dati nangangaroling rin ako kasama yung mga kaibigan ko nung bata pa ko. Natatawa na lang ako ngayon sa mga kinakanta naming mali-mali 'yong lyrics. Yung pagparito naging pampalito. Hahaha! Tapos kapag hindi nila kami binigyan tapos sinabi patawad kahit wala naman silang kasalanan xD sasabihin o kakantahin namin, Thank you, Thank you, ambabarat niyo. Hahaha!
"Ate Ganda! Salamat po." masayang sabi ng isang batang babae. "Salamat po." sabay-sabay pang sabi ng iba ng mga kasama. Apat sila. "Sige po. Babye!" masaya silang umalis at nangaroling naman sa kabilang bahay.
Nginitian ko na lang sila.
"Oh anak. Matulog ka na ng maaga. Magsisimbang gabi pa tayo." paalala ni mama.
"Okay po. Ikaw din Ma, matulog ka na. Good night po. Love you." sabi ko kay mama habang paakyat na ko sa kwarto.
"Sweet dreams.. Love you too, Nak." rinig ko pa yon hanggang taas.
Humiga agad ako sa kama ko pagkarating ko don.
Actually balak kong kompletuhin 'yong simbang-gabi. Sabi kasi nila kapag nakumpleto mo daw 'yon matutupad 'yong wish mo.
"Matupad pa kaya 'yong wish ko?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kisame. Napabuntong-hininga na lang ako.
Pinikit ko yong mata ko para tuluyan ng makatulog.
***
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko. Bumaba ako para makapag-asikaso na. Sakto naman na nakapaghanda na si mama.
"Good Morning, Nak." nakangiting bati ni mama. Siguro tapos na siyang kumain at maligo. Nakaready na kasi siya eh.
Nag-smile din ako sa kaniya. "Good Morning, Mama ko." pagkatapos ay umupo na ko sa harap ng mesa para kumain.
Pagkatapos kong mag-asikaso at maghanda para sa simbang-gabi, inaya ko na si mama na umalis.
December 24 na ngayon at ambilis ng panahon. Bukas pasko na agad.
"Nak?" tawag sakin ni mama. Tapos na ang mass kaya ito kami ngayon naglalakad na pauwi.
"Bakit po?" tugon ko. Tinignan ko si Mama. Parang may gusto siyang sabihin pero yumuko siya. Malungkot ba siya? "Mama, may problema po ba?"
Umiling lang siya. Pero hindi ako naniniwala dahil iba ang ikinikilos at nakikita ko sa mga mata ni Mama. Ganon pa man, hahayaan ko na lang muna. Alam ko naman na sasabihin rin yon ni Mama eh. Hihintayin ko na lang siguro. Tska may feeling akong hindi ako maganda yon.
Umuwi na kami sa bahay. Si mama nasa baba pa siya. Ako naman dumiretso na dito sa kwarto ko. Gusto ko pa sanang matulog dahil malamig pero naisip ko na lang na mag-review. Dati kasi asa lang ako sa stock knowledge pero iba na kasi ngayon eh. Kailangan ko kasi laging makakuha ng mataas. Para kapag grumaduate ako makakakuha ako ng scholarship para pang-college ko. Ayoko naman na sobrang mahirapan si mama sa pagtatrabaho kaya ang balak ko, magpa-far time job ako habang nag-aaral. Ewan ko lang kung makakapag-focus pa ko sa academics. Siguradong kukulangin ako sa tulog at pahinga. Hay.. Bakit ba ang hirap mabuhay?
BINABASA MO ANG
Mr. Famous and I
Teen FictionNagsimula sa isang plug alert. Naging textmate. Chatmate. Then Friends. Kahit never pa silang nag-meet, naging komportable sila sa isa't-isa. Yun tipong nandyan sila para damayan ang isa't-isa sa tuwing may problema. May tiwala rin sila sa isa't-isa...