Chapter 34: Christmas Day

112 9 0
                                    

-First Day-

Airene's POV

*beep*

From Unknown:
Merry Christmas, Anak. Sorry kung ngayon lang ako nagkalakas ng loob para magparamdam sayo. Sorry kung naging duwag si Papa. Sorry kung iniwan kayo ni Papa at hindi na siya nakabalik. Miss na miss ko na kayo ng Mama mo. Sana ayos lang ang lagay niyo. Mahal na mahal ko kayo. Mag-iingat kayo palagi ha? Magkikita rin tayo. Malapit na anak. Sana sa araw na yon napatawad niyo na ko ng Mama. Babawi ako sa inyo. Pangako. Mahal na mahal ko kayo. Merry Christmas!

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman.

May side na nagsasabing: Papa mo yan oh. Ano pang hinihintay mo, Airene? Ayan na oh. Buhay pa siya at nagparamdam na. Hindi ba ayan naman yong gusto mo? Come on.

Pero kasi..

Sabi naman nung isa: Oo nga. Ayan na yung papa mo. Yung papa mong nang-iwan. Yung papa mong pinabayaan ka. Pinabayaan niya kayo ng mama mo at pinagpalit sa iba. Sa tingin mo? Worth it pa rin ba siya sa chance? Hindi na di ba? Para ano pa? Eh tapos na? Iniwanan na niya kayo at pinagpalit. Ginugulo lang niya yong buhay niyo.

Nang mga sandaling yon, gulong-gulo yung isip ko. Hindi ko alam kung ano bang tama o mali. Feeling ko kasi pareho yung tama. Gulong gulo na ko. Sumasakit na rin yung ulo ko kaya pinikit ko na lang yung mata ko atsaka nakatulog.

***

*beep*

(1) One message received.

--
From James:
Good morning, Mahal kong Prinsesa <3
--

Napangiti ako ng mabasa ko yung text niya. Siya yung unang nagtext sakin. 6:00am na rin nun kaya bumababa na ko para mag-almusal. As usual, nakahanda na si Mama. Kumain na kami nag-asikaso. December 25 ngayon kaya ito, andaming nagsisipuntahan dito sa bahay na mga kinakapatid ko, isa na don si Ayesha, yong kapatid ni Shai. Pero ako na lang pupunta sa kanila mamaya dahil baka nakauwi na rin si Shai. Pangkatapos non pumunta kami kina Tita Mary para bisitahin yung mga pinsan ko at iba ko pang Tita pati na rin yung mga Lolo at Lola ko. Nandon yung mga ninong ko pero hindi na ko namasko. Hello? Anlaki ko na kaya para don.

Pagkarating don ayun, batian na.

"Wow anlaki mo na Airene." bati agad ni Tita Mary. "Ang ganda-ganda mo ng bata ka."

"Tita, sabi mo malaki na pero bata? Tska maganda na ko dati pa. Hahaha!"

"Cute ka pa lang kasi nung bata ka. Ngayon dalaga ka na kaya maganda na. Hahaha!"

"Oh? May bisita." lumapit ako kay Ninong Charles para magmano. Asawa niya si Tita Mary kaya Ninong-Tito ko siya. "Anlaki na ng inaanak ko ah."

"Waaah! Airene! Namiss kita insan!" patakbo panh bati ni Mariela tapos niyakap ako. "Kamusta na? Mas lalo kang gumanda. Tska Mas matangkad ka na sakin ngayon. Huhu. Liit ko tuloy." natawa tuloy kami sa kaniya.

"Okay lang ako pinsan. Haha! Namiss rin kita. Ang ganda mo na nga rin eh kaya lang pandak ka na sakin. Whahaha!"

"Aray naman. Pero okay lang at least maganda. Hahaha!"

"Asus nagbolahan pa sila." nandito na rin pala si Ate Meli, short for Melissa.

"Uy panget! Nandito ka?" bati agad sakin ni Kuya Michael.

"Ang ganda naman ng salubong mo sakin Kuya. Ang ganda talaga promise."

"Hehe. Namiss lang talaga kita. Hindi ka pa nasanay sakin."

Mr. Famous and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon