James POV
"Tita Zai?" malakas na tawag ko mula sa gate nila. Karga-karga ko si Gail ngayon dahil nga hinimatay siya kanina.
"A-anong nangyari?" tanong agad ni tita pagkakita niya samin. Pinapasok niya kami sa loob at dinala niya ko sa kwarto ni Gail saka ko siya ihiniga sa kama niya.
"Hinimatay po siya kanina." sabi ko kay tita Zai. "Pasensya na po kasalanan ko yata." siguro sumakit yung ulo niya kanina kasi nabigla siya sa mga sinabi ko.
"Naku! Hindi mo kasalanan, hijo. Pasaway talaga 'yang batang 'yan eh. Hindi na siguro nag-almusal dahil na-late ng gising." sabi pa ni Tita. Tumingin siya sakin na para bang kinikilatis yung itsura ko. "Teka nga? Sebastian? Ikaw na na 'yan?" takhang tanong niya. Nginitian ko siya. "Naku! Binata ka ng bata ka! Ang gwapo-gwapo mo pa!"
Natawa naman ako kay tita. "Haha! Thank you po. Nga pala tita, namiss ko po kayo. Ang ganda niyo parin po. Haha!"
"Bolero ka paring bata ka. Haha!" sabi niya saka nagsalita ulit na para bang may naisip na maganda. "Nga pala, tutal namiss mo na ko at hinatid mo ang aking unica hija, ipagluluto kita ng paborito mong lumpia."
L-lumpia? Paborito ko nga yun. Lalo na yung luto ni Tita Zai. "Talaga po, Tita?"
Tumango siya. "Oo naman. Sige, maghintay ka muna dyan at ipagluluto kita." sabi niya saka pumunta ng kusina.
Habang nagluluto si Tita Zai sa kusina, ako nandito lang sa kwarto ni Gail. Binabantayan ko lang siya habang natutulog. Ang amo ng mukha niya. Mahahabang pilik-mata. Matangos ang ilong. Yung labi niyang mapula. Natawa tuloy ako ng maalala ko nung hinalikan ko siya. Hindi ko naman sinasadya yun eh. Hindi ko nga siya nakilala nun dahil nakasalamin siya minsan kapag nakikita ko siya. Pero ganun pa man, gusto na siya nun.
*bzzzt*
Tinignan ko yung phone ko kung sakin ba yung nag-ring pero hindi. Hinanap ko kung saan yun nanggagaling. Sa phone pala ni Gail sa may bag niya. Hindi ko ugaling makialam ng gamit ng iba kaya hinayaan ko na lang. Sinilip ko ng palihim si Gail dahil pakiramdam ko talaga gising na siya. Tama nga ko. Nilingon ko siya pero nagmadali siyang pumikit ulit. Napangiti tuloy ako.
"Gising ka na pala. Kamusta na ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba?"
Dumilat na siya saka nagsalita. "Salamat." walang gana niyang sabi.
Ngumiti na lang ako. "Hindi mo kailangang magpasalamat. Lahat naman gagawin ng isang tao para sa taong MAHAL nila, para mapabuti sila hindi ba?" napayuko siya. "Kaya sa susunod, kumain ka na bago pumasok kahit na anong mangyari."
"Ikaw si James?" nakatungo niyang tanong. "Bakit hindi mo sinabi?"
"Kasi—"
Hindi niya ko pinatapos sa pagpapaliwanag saka nagsalita. "Lagi mo na lang akong sinasaktan. Sana alam mo yun."
Nasasaktan sya? Dahil sakin? Bakit naman? Anong ginawa ko sa kanya? Eh halos lahat ng nararamdaman ko para sa kanya nasabi ko na dahil dun. Malay ko bang siya na pala yung sinasabihan ko? Pero at least alam na niya.
"Salamat sa paghatid. Umuwi ka na." sabi niya na sakting pumasok si Tita Zai sa kwarto niya.
"Gail, Anak. Pinapaalis mo na agad si Sebastian? Pero pinagluto ko pa siya ng lumpia. Mag-chichikahan pa nga kami eh. Ang mabuti pa, Halika na kayo. Kumain ka muna dito, hijo." sabi ng mama niya saka umalis rin.
"Pasalamat ka kay mama. Dahil kung wala siya dito hindi kita papayagan." sabi niya saka tumayo na at lumabas ng kwarto. Mukhang ayos na siya kaya hinayaan ko na siya at sumunod na lang.
BINABASA MO ANG
Mr. Famous and I
Novela JuvenilNagsimula sa isang plug alert. Naging textmate. Chatmate. Then Friends. Kahit never pa silang nag-meet, naging komportable sila sa isa't-isa. Yun tipong nandyan sila para damayan ang isa't-isa sa tuwing may problema. May tiwala rin sila sa isa't-isa...